Chapter 42

68.5K 661 12
                                    

Chapter 42

Gerald’s POV

Ilang beses na niyang sinusundo si Laine galing sa opisina saka sila kumakain sa labas o kaya naman ay ipinagluluto siya ng dalaga. Masaya siya sa nangyayari sa kanila ni Laine, mas lalo nilang nakikilala ang isa’t isa at alam niya sa sarili niya lalong napapamahal sa kaniya ang dalaga sana ay ganoon din ito sa kanya. Paminsan-minsan ay napipikon siya kapag nababanggit ang pangalan ni Harold, hindi niya nga akalain na magseselos siya sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng lalaki.

Friday, mayroon silang group dinner. Tinawagan niya ang dalaga para sunduin ngunit tumanggi naman ito, doon na lamang daw sila magkita sa restaurant dahil susunduin siya ni Bianca ng mas maaga, sasamahan pa niya itong magshopping.

Dahil hindi naman na niya susunduin si Laine ay nagdecide siya na kausapin muna ang isang kliyente niya kaya naman na-late siya sa oras na usapan nila.

Pagdating niya sa restaurant ay kumpleto na ang mga kaibigan nila. Nagsalubong ang kilay niya nang mapansin niya ang katabing lalaki ni Laine na halos harapin na ang dalaga samantalang magkatabi naman sila. Naramdaman niyang tumaas ang dugo niya sa ulo dahil sa nakita niya.

Laine’s POV

Maganda ang nangyayari sa kanila ni Gerald. Natutuwa siya sa mga ginagawa nito para sa kanya. Yun nga lang napipikon ito kapag nababanggit niya si Harold. Talaga namang paminsan-minsan ay sinasadya niyang banggitin ang pangalan ni Harold dahil natutuwa siya kapag nagseselos ito kasi naman ay di nito inaamin na nagseselos siya kahit obvious naman.

Hindi na siya nagpasundo kay Gerald para pumunta sa restaurant na kakainan nilang magkakaibigan. Sinundo siya ni Bianca, sinamahan niya itong magshopping.

Nang dumating sila sa restaurant ay wala pa si Gerald. Si Toni ang agad na sumalubong sa kanya, “Laine, may ipapakilala ako sa’yo, friend ko from Philadelphia din siya”.

“Andrew, this is Laine, siya yun sinasabi kong friend ko from Philadelphia din”, pakilala ni Toni.

Kinamayan naman siya ng lalaki at binati, “Hello…Toni, you didn’t say that she’s stunningly beautiful”. Si Toni ang kinakausap nito ngunit sa kanya ito nakatitig. Natawa na lamang siya. Mukha itong presko pero sa tingin niya ay mabait naman. Pinaupo siya ni Toni sa tabi ni Andrew para daw makapag-usap sila. Halatang inirereto silang dalawa, sabagay wala naman silang alam tungkol sa nangyayari sa kanila ni Gerald maliban kay Bianca.

Habang nag-uusap sila ni Andrew ay nalaman niyang hindi naman pala ito mayabang, mabait naman pala ang lalaki. Masaya siyang nakikipagkukuwentuhan nang mapansin niyang nasa harap na pala nila si Gerald. Pagtingin niya sa mukha nito ay nakita niyang magkasalubong ang mga kilay nito at nakatitig sa kanya.

Para naman siyang na-alarma sa itsura nito pero kinalma niya ang sarili niya at deadma na lamang siya. Bago makaupo si Gerald ay nagsalita na si Toni, “Andrew, meet Atty. Gerald Sanders”. Nagkamay naman ang dalawa. “Ge, si Andrew, friend ko from Philadelphia”, dagdag ni Toni, tumango lang si Gerald ganon din si Andrew.

Muli siyang kinausap ni Andrew, sa kanya lamang ang atensiyon nito. Kung kanina ay hindi siya naiilang, ngayon ay iba na, naiilang na siya dahil nararamdaman niyang nakatingin din sa kanya si Gerald. Pagkatapos nilang kumain ay nagkayayaan silang mag-videoke. Hindi siya kinakausap ni Gerald pero alam niyang binabantayan nito ang bawat kilos niya na nakapagpailang sa kanya.

Kinantiyawan sila ni Andrew para kumanta. Wala siyang nagawa kung hindi pumayag na lamang. Nagduet sila. Maganda ang boses ng lalake higit pa sa kanyang inaasahan. Nakailang beses silang nagduet hiling na rin ng kanilang mga kaibigan. May rapport sila, ika nga. Pagkatapos nilang kumanta ay hinanap ng mga mata niya si Gerald, wala ito. Hindi niya napansing lumabas ang lalaki. Napabuntung-hininga na lamang siya.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon