Chapter 9

91.7K 647 7
                                    

Chapter 9

Laine’s POV

Nakita niyang papasok sa restaurant si Gerald ngunit nagulat siya ng may nakakapit na babae sa braso nito. Tiningnan niya ang mukha ng babae, makapal ang make-up, tuloy nagmukhang bakla ito. Ang damit naman ay parang kinulang sa tela, halos lumuwa na ang dibdib nito at halos makita na ang underwear nito sa ikli ng suot nito. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain kahit na gutom na gutom siya.  Alam niyang sinadya ni Gerald ang pagdadala ng babae para inisin siya.  Naalala pa niya nung minsang nagdala siya ng pagkain sa office nito at pinilit niya itong kainin nilang dalawa ang pagkain, sabi ng lalaki, “What should I do to make you hate me? To leave me alone?” Nagulat siya sa tanong nito. “Nothing, because I will never hate you nor leave you”, sagot niya sa binata na napailing na lamang.

Alam ng mga kasama niya na nawala siya sa mood. Hindi siya kumikibo, hindi rin siya nakikisali sa usapan nila. Habang si Vivienne naman ay kuwento ng kuwento, tinitingnan niya ang babae at iniisip niya kung ano ang nagustuhan dito ni Gerald at binigyan ito ng pansin.

Nagulat na lamang siya ng magsalita si Toni at pinasasabay siya nito kay Gerald na hindi naman natanggihan ng huli.

Naiinis siya sa lalaki dahil tila ba gustung-gusto nito ang ginagawang paghawak-hawak ni Vivienne sa hita nito habang nagmamaneho pero mas lalo siyang naiinis sa babae dahil di man lang siya nito kinakausap na parang sila lang 2 ni Gerald ang nakasakay sa kotse, at siya ay invisible. Sarap i-ngudngod ng babaeng ’to, naisip niya kaya di niya napigilan ang sariling magsalita pagkahatid sa kanya ng lalaki.

Kung akala ni Gerald ay susuko siya dahil lang sa babaeng yon at sa klase ng pakikitungo sa kanya ng lalake ay nagkakamali ito. Buo na ang desisyon niya na ipaglalaban niya ang pagmamahal niya kay Gerald whatever it takes dahil umaasa siya na darating ang panahon ay matututunan din siyang mahalin ng lalaki bigyan lamang siya nito ng pagkakataong makilala siya ng lubusan.

Hindi siya gaanong nakatulog ng gabi na iyon dahil sa selos at inis na nararamdaman niya. Hindi siya nakakaramdam ng ganoon sa 2 naging boyfriends niya, ngayon lamang, sa hindi pa naman niya boyfriend.

Pagkagising niya sa umaga, cellphone agad ang hinawakan niya, katulad ng palagi niyang ginagawa. Kahit pupungas-pungas pa ay nagtext agad siya ng goodmorning kay Gerald at as usual, wala itong reply. Gusto na niyang makaramdam ng sama ng loob sa binata dahil sa isang daang beses na pagtetext dito, kahit minsan ay di man lang ito nagreply. Isinantabi pa rin niya ang nararamdamang sama ng loob dahil alam naman niyang wala siyang karapatang magalit o magdemand sa binata.

Bandang alas 10 ng umaga, bumili siya ng meryenda at nagtuloy sa opisina ni Gerald ngunit sabi ng secretary nito ay tumawag ito ng maaga at sinabing masama ang pakiramdam niya kaya di muna siya papasok ng office.

Nang malaman niya iyon ay nagtuloy na siya agad sa condo unit nito. Naalala niya nung gabing kumain sila ay mukang sinisipon ito at inuubo.

Matagal na siyang nagdo-doorbell nang magbukas ito ng pinto. Nagulat ang binata pagkakita sa kanya at sinabing “I’m sick. Get lost!” Akmang ibabagsak na nito ang pintuan ngunit mabilis niya itong naharang. Tinulak niya ang pinto at tuluyan na siyang nakapasok. “Maysakit ka na nga, masungit ka pa rin” sabi niya kay Gerald.  Tinalikuran na siya ng lalaki at tumuloy na sa kuwarto nito at nahiga. Sinundan naman niya ito. “Give me your key, para di na ko magdo-doorbell pagbalik ko. Wag ka na umangal, may bibilhin lang ako sa grocery”, sabi niya sa binata. Di naman na ito nakipagtalo sa kanya, itinuro na nito ang pagkukuhanan niya ng susi.

Pagbalik niya sa unit nito ay nanghiram siya ng t-shirt para pampalit sa damit niya dahil magluluto siya. Itinuro naman ng binata kung san siya kukuha. Isang puting t-shirt ang pinili niya. Nang isuot niya ito ay umabot naman sa kalahati ng hita niya ang haba nito. Nang matapos siyang magluto ng chicken soup at nag gayak ng fresh orange juice ay dinala niya agad ang mga inihanda niya sa binata. Aayaw pa sanang magpasubo ni Gerald ngunit pinagpilitan niya na siya na lamang. Pagkaubos nito ng pagkain ay pinainom na niya ito ng gamot. “Very good ka palang pasyente, masunurin. Lie on my lap at hihilutin ko ang ulo mo para makatulog ka agad”, utos niya dito. Sinunod naman siya ng di na ito nakikipagtalo pa. Habang hinihilot niya ang ulo ng lalaki ay pinagmamasdan niya ito. Napakaguwapo nito. Nakatulog naman agad ang binata.  Siya man ay di na rin napigilan ang antok.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon