Chapter 14

4.4K 72 0
                                    

Chapter 14

Laine's POV

Nagmamadali siyang pumunta sa meeting place nila ni Bianca. May sasabihin daw ito sa kanya.

Sa isang fastfood store sila nagkita. "Laine, di ka ba nakikinig showbiz news? I guess hindi kasi kung updated ka eh for sure, tinawagan mo na ako" umpisa ni Bianca.

"Bakit? Ano ba ang bago? Di ako nakakapanood ng tv these past few days kasi sobrang busy ako sa office, board meeting palagi, so ano bago?" tanong niya.

"That's why. Ok, wag ka malulungkot sa sasabihin ko ha, sabi kasi sa isang interview ni Ziara Cheng may nagpapasaya daw sa kanya ngayon, actually daw ex niya yun pero nagdedate daw sila ulit, sino pa ba yun? ...Tapos, yesterday, narinig ko si Kuya Henry may kausap sa phone, ang sabi niya, uy! mukhang may balikang mangyayare pare, totoo na ba yan? Sabi niya. Syempre nagconclude ako na si Ge yun kausap niya, di ba? Pero di pa naman 100% sure yon", kuwento ni Bianca.

Natulala siya sa narinig niya. "Hoy! Ano ka ba? Natulala ka naman na dyan!" untag ni Bianca sa kanya.

"Ganon ba" komento niya. Niyaya na lang siya ni Bianca na mag-malling para daw malibang naman siya.

Di tuloy siya makatulog ng gabi na iyon. Nagpasya siyang puntahan ang binata kinabukasan.

Tumawag muna siya sa office ng abogado, "Hello, Is Atty. Sanders in?" tanong niya.

"I'm sorry ma'm, but he went out 10 minutes ago. Do you want to leave a message?" tanong sa kanya.

"Never mind, I'll just call again, Thank you".

"Is this MS. Laine?" tanong ng kausap niya.

"Yes", sagot niya.

"Ms. Laine, secretary po ako ni Atty. Gerald, sinundo po siya ni ms. Ziara, maglu-lunch po yata sila. Kahapon din po sinundo din siya ng 5pm...wag nyo po sabihin kay Atty. Na tsinismis ko siya ha" sabi pa nito.

"Of course, thank you sa info" sabi naman niya dito.

Kinabukasan, tumawag siya ulit sa office ng abogado bago mag alas 5 ng hapon.

"Yes ma'm, Atty. Sanders is here", sabi ng sekretarya nito.

Nagmamadali siyang nagpunta sa office ng abogado dahil baka makaalis naman ito.

Kumatok muna siya bago niya binuksan ang pinto nito. As usual nagbabasa na naman ito.

"Hello, miss me?" bati niya sa binata. Tiningnan lamang siya nito at itinuloy ang pagbabasa.

"Time out muna. If I know wala ka pa pahinga. Kain muna tayo." Yaya niya sa lalaki.

"Ikaw na lang, I don't have time to eat" tanggi nito.

Kahit ayaw ng binata ay inayos niya ang mesa nito para may paglagyan ng pagkain. Inihanda niya ang pagkain niyang dala at ipinaglagay niya ito sa isang plato. Ginalaw din ng lalaki ang pagkain, marahil ay nagugutom na rin talaga.

Habang kumakain sila ay biglang nag-ring ang cellphone ng lalaki "Hello Ziara, tomorrow?...okay, after my hearing I'll go straight to your place. I'll call you, bye", narinig niyang sabi nito.

"Ang sarap naman maging si Ziara, pag niyaya ka wala ng tanong-tanong at wala ring kapalit" komento niya samantalang pag siya ang nagyaya, ang dami nitong dahilan para lang di siya makasama.

"Of course, she is Ziara, you are Laine" sabi naman ng lalaki.

OO nga pala, si Ziara ang ex nya na mukhang mahal pa niya at siya naman si Laine na pinagsisiksikan ang sarili sa kanya, sabi niya sa sarili niya. Pagkatapos kumain ay umalis na siya dahil busy naman ang lalaki saka di na maganda ang pakiramadam niya dahil sa narinig niyang pag-uusap ng binata at ng ex-girlfriend nito.

Friday. May group dinner na naman sila. Nagkita-kita sila sa isang restaurant sa Makati. Birthday ni Dave. Huling dumating si Gerald kasama si Ziara. "Hi guys, sorry we're late" hinging paumanhin nito.

"Sanay na kami sa'yo Ge" sagot naman ni Dave. "Hi Ziara, long time no see" bati naman ni Henry at nagsisunuran naman ang iba nilang kasama.

"By the way, may bago sa grupo, Ziara meet Laine and Bianca" pakilala sa kanila ni Suzanah. "Hello" bati nila ni Bianca. Ginantihan naman sila ng ngiti nito.

Habang kumakain sila ay di niya maiwasan pagmasdan ang 2. Nakita niya kung paano asikasuhin ni Gerald ang dalaga. Hanggang sa paglagay ng tubig sa baso nito at pag-abot ditto ay si Gerald ang gumagawa. Napakasuwerte naman ng babaeng ito sabi niya sa sarili. Hindi maalis ang atensyon ni Gerald sa babae kya naman panay ang siko sa kanya ni Bianca. Hindi niya mapigilan ang selos na nararamdaman niya. Ibang-iba si Gerald kay Ziara para itong isang babasaging gamit kung alagaan niya, malayung-malayo sa ipinakita nitong pakikitungo kay Vivienne. Sila na nga ba ulit ng babae? Lalo siyang nalungkot sa naisip.

Pagkatapos kumain, nagtungo pa sila sa KTV bar. Ayaw n asana niyang sumama kaya lang ay pinilit siya ni Dave, nahiya naman siya dahil birthday naman nito.

Hindi pa rin naghihiwalay ang 2, palaging magkatabi at nagbubulungan na para bang wala silang ibang kasama. Nahuhuli niya ang mga kasama nila na nakatingin sa kanya na tila ba naaawa sa kanya. Nang makaisang bote na siya ng San Mig light ay kinantyawan na siya ng mga kasamang kumanta. Ayaw sana niya dahil alam niyang magse-senti siya dahil sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ngunit mapilit ang mga ito kaya pinagbigyan na lamang niya. Pinili niya nag kantang "Pangarap ko ang ibigin ka" ni Regine Velasquez.

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kabag at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka

Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin

Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Feel na feel niya ang pagkanta kaya di niya napansin ang mga kasama niya na tutok na tutok sa kanya habang siya ay kumakanta. Nagpalakpakan ang mga ito pagkatapos niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Hindi na niya napansin kung tiningnan lang ba naman siya ni Gerald o hindi.

"Laine, ang galing mo palang kumanta! Parang professional ka" puri nila.

Sa totoo lang talagang may boses siya, napanalunan nga niya ang miss talent sa beauty contest na sinalihan niya nung high school na siya rin ang nag title.

Nang uwian na, inihatid siya ni Bianca, habang sakay sila ng kotse, "Girl, okay ka lang? Napakainsensitive naman ng Gerald na yan, alam naman niyang andun ka, isinama pa nya yung babaeng yon" sabi ng kaibigan niya.

"Hayaan mo na, mukang sila na hano" sabi na lang niya.

"ewan" sagot nito.

Di na naman siya halos nakatulog ng gabing iyon, magkakainsomnia na yata dahil kay Gerald. Tuwing maaalala niya ang nakitang paglalambingan ni Gerald at Ziara ay para siyang di makahinga. 

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon