Chapter 28

4.4K 89 1
                                    


Chapter 28

Laine's POV

Friday, 7 am ang flight nila papuntang Boracay kaya 4 am pa lang ay nakagayak na siya, hinihintay niya si Harold. Susunduin siya ng lalaki. Tumunog ang cellphone niya, si Gerald ang nag-register na caller, "Hello", sagot niya. "I'll pick you up, wait for me", sabi sa kabilang linya. "Wait! Papunta na kami ng airport ni Harold. Di mo naman sinabi na susunduin mo ako", sabi niya. Narinig niyang nagmura ito bago i-off ang cellphone. Mabuti na lang at umandar ang isip niya, sinabi na lang niyang papunta na sila sa airport kahit hindi pa naman. Alam niya na pagsinabi niya na nasa condo pa siya ay tiyak ipipilit nito ang pagsundo sa kanya. Nakakahiya naman kay Harold kung di na naman siya sasama dito.

Papasok sila ni Harold sa airport ay nakita na niya agad si Gerald, bumilis ang tibok ng puso niya. Tinititigan siya ni Gerald, parang galit ito o nagseselos? Masaya sana siya kung nagseselos nga ito pero alam niyang hindi. Magkatabi sila ni Harold sa eroplano. Nasa likod naman niya si Gerald. Naiilang siya.

Pagbaba nila ng eroplano ay naka-alalay sa kanya si Harold, napaka gentleman nito. Nararamdaman niyang tinitingnan ni Gerald ang mga kilos nila ni Harold. Nagpahinga muna sila sa kani-kanilang kuwarto. Magkakasama silang 4 na babae, malamang ganon din ang mga lalaki. Lunchtime ang usapan nila na bababa ng hotel para maglunch. Nagpaiwan muna siya at parang antok na antok pa siya, ibinilin na muna niya si Harold kila Toni, susunod na lamang siya sa mga ito.

Gerald's POV

Pabalik siya sa room niya nang makasalubong na niya ang mga kaibigan niyang babae ngunit wala si Laine. Tinanong niya si Bianca, "Nasaan si Laine?"

"Naiwan pa siya sa room namin. Iidlip lang daw siya sandali at inaantok pa daw siya", sagot ni Bianca.

"Pahiram ng card Bianca, pupuntahan ko, nagpunta tayo dito para mag-bonding di para matulog", dahilan niya at ibinigay naman nito ang card sa kanya.

Pagpasok niya sa room ng mga ito, nakita niya si Laine na nakatagilid ng higa at nakatalikod sa pinto, nagsalita ito nang maramdaman na bumukas ang pinto, "bakit bumalik kayo?"

Nang hindi siya sumagot ay bumaling ito, "Gerald, bakit nandito ka?!" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Sinusundo kita. Get up. Nandito tayo para mag-enjoy, hindi para matulog", hinawakan niya ang dalawang kamay nito at hinila ito para bumangon na.

"Sandali na lang, inaantok pa ako", pagtutol ng dalaga. Ngunit patuloy pa rin niya itong hinihila kaya kahit ayaw pa nito ay napilitan nang bumangon at nagpunta sa CR para magpalit ng swimsuit.

Tumanaw na lamang siya sa terrace habang naghihintay sa dalagang lumabas ng banyo. Napalingon siya ng bumukas ang pinto ng banyo, lumabas ang dalaga na naka two-piece, nagbuhol lamang ito ng tela sa may bewang para matakpan ang bikini nito. Napako na siya sa kinatatayuian niya at napatitig na lamang siya dito, napaka-sexy nito at napakakinis. Naputol ang pagkatulala niya sa nakita nang magsalita ito, "Tara na", yaya sa kanya nito.

Hinawakan niya ito sa braso para pigilan sa paglabas, "Hindi ka lalabas ng nakaganyan", pigil niya.

"What? What's wrong with my swimsuit?" tanong nito sa kanya.

"What's wrong? Di mo alam? Di bagay sa'yo ang suot mo...Look at yourself in the mirror", inihiharap niya ang dalaga sa salamin. "Hindi mo bagay, para kang trying hard na pokpok sa suot mo. Feeling mo sexy ka, sorry to say hindi ka sexy and wear something descent!" sabi niya sa dalaga pero ang totoo bagay na bagay dito ang suot nitong 2-piece, kitang-kita ang kaseksihan nito at yun ang ayaw niya, ang pagpiyestahan ng iba ang katawan ng dalaga, di siya papayag, siya lang ang pwedeng makakita ng kaseksihan nito. Sa pagkakita niya na yon sa dalaga ay nabuhay ang nasa ibabang parte ng katawan niya.

"Ano naman ang gusto mo magpajama ako dito sa beach?! At kahit na mukha akong trying hard na pokpok wala kang pakialam, okay!" galit na sagot nito sa kanya. Tinabig ng dalaga ang kamay niyang nakahawak sa braso nito at akmang lalabas na nag kuwarto. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso ng mahigpit, "You don't want to change then I'll do it for you! I assure you di ka lalabas ng kuwartong ito na ganyan ang suot mo" banta niya sa dalaga.

Parang naalarma naman ang dalaga sa pananakot niya, hinablot nito ang braso na hawak niya, naghalungkat sa bag at muling pumasok sa banyo.

Paglabas nito at naka one-piece bathing suit na ito, color black at nakashorts na rin ito. "Better", sabi niya. Tuloy-tuloy na itong lumabas ng kuwarto, halatang inis na inis sa kanya. Siya naman ay natutuwa.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon