Chapter 20

5.1K 89 0
                                    


Chapter 20

Gerald's POV

Pagdilat ng mga mata niya ay iniisip niya kung nasaan nga ba siya. Basta ang alam lang niya ay kumportable siya sa kinalalagyan niya ng oras na 'yon. Pagbangon niya, don niya narealize na nasa unit siya ni Laine. Hinanap ng mata niya ang dalaga. Nakita niya itong mahimbing na natutulog sa couch. Nilapitan niya ito. Di niya napigilang di tumitig sa magandang mukha nito. Pagdilat nito ay para ba itong nagulat. "I'm going", sabi na lang niya.

Bumangon naman ito at sinabing, "What time is it?"

"It's already 7:00, aalis na ako", sagot niya.

"Not yet. Mag-breakfast muna tayo", yaya ng dalaga sa kanya.

Pumunta sila sa dining area. Pinagtimpla siya nito ng coffee at hinainan siya ng pagkain. "Tama na sa akin ang kape", sabi niya.

"No, kumain ka. Don't you know that the most important meal of the day is breakfast. Kaya kumain ka", pilit sa kanya ng dalaga.

Pinagbigyan naman niya ito at pagkatapos ay nagpaalam na siya.

******************************************

Ilang araw na siyang di tinetext or tinatawagan ni Laine, naiinis siya dahil naghihintay siya. Ayaw naman niyang siya ang unang tatawag dito. Kaya naman wala siya sa mood magtrabaho. Naiinip siya kaya lumabas siya ng office niya. May nakita siyang pamilyar na bulto ng katawan ng babae kausap ang secretary niya. Tinawag niya ang babae, "Laine?".

Lumingon ito, siya nga. Halatang nagulat ito. "Why are you here?" tanong niya.

"Nagdrop by lang ako, ipapabigay ko sana itong credit card mo, nakalimutan ko kasing isauli sa'yo. Hindi ko ginamit yan." Sagot ng dalaga.

"Sinabi ko naman sa'yo na di ako nagpapalibre sa babae. Eh di ako pa ang may utang sa'yo niyan?" sabi niya.

"Treat ko naman yon, wala namang problema don", sagot naman nito.

"Sige, I'll go ahead", akmang lalabas na ito ngunit hinabol niya ang dalaga at hinawakan sa kamay. "Sabay na tayo. I-treat mo ulit ako", sabi niya rito.

"Papasok pa ako sa office", tanggi ng dalaga.

"C'mon, dati mo naman na akong pinupuntahan ng ganitong oras ah. Halika na, Painumin mo ako ng kape para mawala ang antok ko", yaya niya sa dalaga.

Hindi na rin ito nakatanggi. Nagpunta sila sa isang coffeeshop.

Habang umiinom sila ng kape, "Bakit naman sa secretary ko mo pa ibibigay ang credit card ko, di mo na lang mismo sa akin ibinigay, ano'ng problema mo?" tanong niya.

"Alam ko kasing busy ka kaya ayaw na kitang istorbohin pa", sagot naman nito.

"Really?" naiinis niyang sabi dito.

Pagkatapos nilang uminom ng kape ay nagpaalam na ito. Di na niya ito pinigilan pa dahil baka makahalata na ang dalaga na nasasabik siya rito. Malungkot siyang bumalik ng office niya.

Laine's POV

Pagkaalis ni Gerald ay napangiti siya, nakumpleto ang birthday niya dahil sa di inaasahang pagdating ng binata. Pinilit niyang pigilin ang tuwa at kilig nadarama niya ng abutan siya nito ng bulaklak at bigyan ng bracelet. Para siyang nasa langit.

Palagi niyang pinipigilan ang sarili na i-text o kaya ay tawagan ang binata. Pinapaalala niya sa sarili niya na tapos na. Kailangan na niyang masanay na wala ito sa sistema niya. Ayaw niyang bigyan ng kulay ang pagbibigay sa kanya ng regalo at bulaklak, ayaw ng mag-assume ng kung anuman. Malabong bigyan siya ng pansin ni Gerald.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon