Chapter 17

4.4K 90 4
                                    

Chapter 17

Gerald's POV

Sinadya niyang paunahin na sa room nila si Laine. Nagdahilan na lamang siyang may kakausapin kahit wala para lang makaiwas siya sa dalaga kahit sandali. Kanina pa siya may nararamdamang kakaiba sa katawan niya. Ewan ba niya kung bakit di naman malaswa ang suot nitong damit kanina, naka-walking shorts, sleeveless blouse at naka fitflops lamang ang dalaga pero siya ay malaswa ang naiisip para dito. Lalo na nung sila ay namamasyal na, di maiwasang magkadikit ang mga katawan nila. Pakiramdam niya ay para siyang isang teenager na kasama ang crush. Di dapat mangyari ang ganon, ayaw niyang matalo kay Laine, ayaw niyang mahulog ang damdamin niya sa dalaga, dahil para dito ay isa lamang siyang challenge.

Kaya lang ay ipinagkakanulo siya ng kanyang katawan. Iba ang kanyang nararamdaman kapag nagkakadikit sila. Kapag naman natitingin siya sa maamong mukha nito ay para bang gusto niya itong halikan, yakapin at huwag ng pakawalan pa. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Nang matatantiya niyang tapos na itong maligo, siya ay pumunta na siya sa kanilang room. Nakita niyang tulog na ito, marahil ay napagod sa pamamasyal nila na ipinagpasalamat niya dahil baka kung gising ito ay di na niya mapigilan pa ang sariling angkinin ito.

Laine's POV

Maagang nag alarm si Laine dahil ang usapan nila ni Gerald ay 8:00 am sila aalis ng hotel kaya naman 6 am pa lang ay gising na siya. Naligo na siya. Paglabas niya ng banyo ay gising na rin si Gerald. Pumasok na rin ito sa banyo at naligo.

Paglabas nito ng banyo ay nakapantalon na ito ngunit walang pang-itaas. Di niya napigilan sulyapan ito kaya lang ay parang biglang nakaramdam siya ng init sa nakita niyang hubad na katawan nito. Parang kasarap yakapin. Muscles at the right places. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo para mawala ang mahalay na naiisip niya.

May complimentary breakfast sa hotel kaya don na sila kumain. Hindi niya naiwasang sulyapan si Gerald habang sila ay kumakain at ng mahuli siya nitong nakatingin ay tinanong na lamang niya, "Anong oras ka pumasok sa kuwarto natin kagabi? Di ko na namalayan, napagod ako kakalakad."

"10:00 na ko pumasok sa kuwarto. OO nga tulog ka na, malakas ka palang maghilik", pang-aasar nito sa kanya.

"Excuse me! Di ako naghihilik noh!" tanggi niya.

"San tayo pupunta ngayon?" pag-iiba niya ng usapan.

"Syempre di kumpleto ang pagpunta mo ng Hongkong kung di mo mapupuntahan ang shopping center, I'm sure may mga gusto kang bilhin", sagot nito habang nakatitig din sa kanya. "Si Ziara nga nung nagpunta kami dito, shopping center agad ang pinuntahan namin", dagdag pa nito.

"OO, gusto kong bumili ng souvenirs at pasalubong", sabi na lang niya.

Nang matapos silang kumain ay nagtungo sila agad sa shopping center ng Hongkong.

May nakita siyang shirt na tingin niya ay babagay kay Gerald. Kinuha niya iyon at isinukat sa likod ni Gerald. Napansin naman iyon ng binata, "Para kanino ba yan?"

"Sa'yo", sagot niya.

"Anong okasyon?", tanong naman nito.

"Kailangan bang may okasyon pag nagbigay ka?" sagot niya.

"Remembrance mo yan sa akin, pagsuot mo itong shirt na ito maaalala mo ako", dagdag pa niya.

"Ikaw, ano naman ang gusto mo? Choose what you like and I'll pay for it" sabi namn nito sa kanya.

"Bakit ako? Ikaw dapat ang mamili kasi ikaw ang magbibigay", katwiran naman niya.

"O sige, don tayo sa bags section, si Ziara kasi mahilig mangolekta ng branded na bags", sabi ng binata sa kanya.

"Excuse me, hindi lahat ng babae gusto ng branded na bag at hindi ako kagaya ni Ziara", di niya napigilan ang sarili na magkomento dahil napansin niyang kanina pa nito binabanggit ang pangalan ng babaeng yon at saka siya lumayo sa lalaki. Hindi na niya ito pinansin at inabala na lang niya ang sarili niya sa pamimili.

Nakita naman niyang sumusunod sa kanya si Gerald kung saan siya pumupunta. Kinukuha rin nito ang mga pinamimili niya. Kahit na naiinis siya sa lalaki ay di pa rin maalis sa kanya na matuwa sa atensyon na ibinibigay sa kanya nito.

Bago mag-lunch ay bumalik na sila sa hotel para dalhin ang mga pinamili niya. Nagpahinga sila ng konti bago nag lunch. Di pa rin niya kinikibo ang lalake.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito sa kanya.

"Ikaw naman ang sanay sa lugar na'to, kaya bahala ka na", sagot niya.

Dinala siya nito sa isang restaurant malapit sa Ocean Park. Si Gerald na rin ang umorder ng kakainin nila. Wala pa rin silang kibuan.

Habang papunta sila sa Ocean Park ay naisip niya na kinabukasan ay uuwi na sila sa Pilipinas, di na niya makakasama pa ulit ang lalake. Kaya naman kahit na masama pa rin ang loob niya dito ay iwinaksi na rin niya ang nararamdaman dahil alam niyang di na mauulit pa ang pagkakataong makasama ito.

Habang namamasyal sila ay nag-iba na siya ng mood. "Ge, pa-picture naman oh", pakiusap niya. Pinicturan naman siya ng lalaki.

"Wala ka na bang "S"?", tanong nito sa kanya pero nakangiti.

"Wala naman talaga akong sumpong", sabi niya "basta wag mo lang babanggitin ang pangalan ng ex mo", dagdag pa niya pero pabulong lamang, ewan lang kung narinig iyon ng binata.

"Ano yung binubulong mo?" tanong nito.

"Wala, may binubulong ba 'ko?" balik-tanong niya.

"Halika na nga don", yaya nito sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. Siyempre kinilig na naman siya sa ginawa ng binata.

Gerald's POV

Nagising din siya sa pag-alarm ng cellphone ng dalaga ngunit di pa siya bumangon agad. Hinayaan muna niya na akalain nito na tulog pa siya. Hindi siya nakatulog nang nakaraang gabi. Sino ba naman ang makakatulog kapag may kasama ka sa isang kuwarto na napakaganda at seksing babae. Nanunuot pa sa ilong niya ang napakabangong amoy nito. Bahagyang pang nalililis ang kumot nito kaya naman nasisilayan niya ang mapuputing hita nito na naiilawan ng lampshade. Malamig sa kuwarto nila dahil malakas ang aircon pero ang pakiramdam niya ay parang siyang nagdedeliryo sa lagnat. Kaya naman tinakpan niya ng kumot ang nakalitaw na hita nito at saka niya tinalikuran ang dalaga ng siya ay humiga sa kama.

Habang sila ay nag-uumagahan, naisipan niya itong asarin. Ang cute kasi nitong maasar. Napansin niyang pag nababanggit niya ang pangalan ni Ziara ay nag-iiba ang itsura nito kaya naman pag may pagkakataong mabanggit niya ang pangalan nito ay ginagawa niya. Alam niyang nag-seselos ito sa dati niyang nakarelasyon. Ewan ba niya kung bakit di siya naiinis sa dalaga kapag nagseselos samantalang ang nakakapagpa-turn-off sa kanya ay ang pagiging selosa ng mga nagdaan niyang girlfriends. Pero kapag si Laine ang nagpapakita ng selos ay para bang natutuwa siya. Hindi na maganda ito, sabi niya sa sarili niya.

Am I falling for her or he has really fallen in love? Tanong niya pa rin niya sa sarili. Di puwedeng mangyari yon dahil malamang pagtatawanan lang siya ng dalaga. Ipinaalala niya sa kanyang sarili na challenge lamang siya para dito. Pero naalala niya ang deal nila na pagkatapos ng tour nila ay di na siya nito gagambalain pa kaya naman ibibigay niya ang hiling nito na magandang pakikitungo sa dalaga. At siya rin, ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay napapagod na din siyang sungitan ito.

Mabuti na lamang at binati na siya nito kaya naman di niya napigilan ang sariling hawakan ang kamay nito.

Sa Jumbo Floating Restaurant niya dinala ang dalaga para maghapunan. Siya na rin ang um-order ng kakainin nila. Nagkukuwentuhan sila habang kumakain. Di na rin niya binanggit ang pangalan ni Ziara. He doesn''t want to spoil the evening. Besides, last night na rin nila sa Hongkong, so, better make the most out of it.

Naglakad na lamang sila papunta sa hotel nila. MAgkahawak kamay sila habang naglalakad. Walang nagsasalita. Ninanamnam nila ang presensiya ng bawat isa sa ilalim ng gabing puno ng nagkikislapan na mga bituin.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon