Chapter 16

4.4K 72 0
                                    

Chapter 16

Gerald's POV

Habang nagmamaneho siya pauwi ay naiisip niya si Laine. Naalala niya nung group dinner nila, nakita niyang nagulat ito nang makitang kasama niya si Ziara. Pinuntahan kasi siya ng babae sa office niya dahil may ikinukunsulta itong case sa kanya. Nang malaman nitong may dinner sila at birthday ni Dave ay nagprisinta itong sumama.

Kitang-kita niya ang mga titig nito sa kanila ni Ziara lalo na kapag pinagsisilbihan niya ang babae. Natatawa siya sa reaksyon nito kaya lalo niyang inaasikaso si Ziara.

Nagulat siya ng marinig niyang kumanta ito. Di niya akalain maganda pala ang boses nito. Sobrang concentrated ang dalaga sa pagkanta kaya di nito alam na lahat sila ay humanga sa kanya. Halatang nabad trip ito dahil sa pagbubulungan nila ni Ziara. Sinasakyan na lang niya ang trip ni Ziara pero sa totoo lang di na siya interesado dito. Nawala na sa isip niya ang plano niyang hayaan muna itong asikasuhuin ang career niya at pagkatapos ay babalikan niya. Ano nga ba ang nangyari? Dati ay sigurado na siya na si Ziara na ang gusto niyang makasama habang buhay.

Totoo kaya ang sinasabi ni Laine na di na siya gagambalain pa nito pagkatapos ng tour nila, tanong niya sa sarili. Suko na ba ang dalaga na mapaibig siya?

Laine's POV

Friday, Alas 6 ng umaga ang nakuha niyang flight papuntang Hongkong kaya naman halos di na siya nakatulog sa pagprepare ng gamit niya at syempre sa excitement na nararamdaman niya kahit alam niyang huli na ito.

Nagkita na lamang sila ni Gerald sa airport. Kinuha sa kanya nito ang trolley bag na hila-hila niya. Napangiti siya.

Nang makasakay na sila sa eroplano ay aHaHHHH

kinausap niya ito, "Ge, favor naman..."

"Na naman, ano na naman ba?" putol nito sa sinasabi niya. Halatang inis na naman ito.

"Ano kasi...pwede bang i-spend naman natin ang 3 days ng parang magkaibigan tayo. Yun bang di ka naiinis palagi, you know what I mean...I don't know parang kasing may mali sa pagkakakilala natin, sa simula natin kaya kung pwede sana let's start anew..." Di pa niya natatapos ang sinasabi niya ay naglahad ito ng kamay sa kanya at sinabing "Hi, I'm Gerald". Nakangiti ang binata sa kanya. Inabot naman niya ang kamay nito, "Hello, I'm Laine" sabi naman niya. Natuwa siya sa ginawa ni Gerald, tingin niya ay umaliwalas bigla ang mukha nito.

"First time mo ba pumunta sa Hongkong?" tanong nito sa kanya.

"Oo, ikaw?" siya naman ang nagtanong.

"Twice", sagot nito.

"Ganon ba? Bakit di mo sinabi, eh di sana sa ibang lugar na lang, don sa di mo pa napuntahan", sabi naman niya.

"It doesn't matter. Eh di ako na lang ang tour guide mo".

"Kaya pala ayaw mo ng package tour kasi ilan beses ka na nakapunta ng Hongkong", sabi niya.

"Anong oras ang flight natin pabalik sa Sunday?" tanong nito.

"5 pm, bakit?" siya naman ang nagtanong.

"Monday kasi ang flight ko papuntang Davao naman, parang 7 am yata, may kakausapin akong client don", sagot nito.

"Ikaw naman, bakit di mo sinabi? Para maaga ang kinuha kong flight pabalik, mapapagod ka tuloy masyado. Siyempre imamaximize ko ang araw dahil last na 'to, eh pa'no pala kung last trip ang kinuha ko, baka di ka na makapunta sa Davao..." litanya niya.

"Laine, it's okay. Walang problema. We still have 1 hour, matulog muna tayo dahil ang aga ng kinuha mong flight, napuyat tuloy tayo." Sabi nito sa kanya na walang halong pagkainis.

Naunang nakatulog ang lalake. Humilig pa ito sa balikat niya. Hinayaan niya ito. Hindi na siya nakatulog dahil sa sayang nararamdaman niya. Kasama niya si Gerald, kinakausap siya nito at natulog pang nakahilig sa balikat niya kaya naman talagang di na niya gugustuhing matulog pa.

Eksaktong alas 8 nang lumapag sa Hongkong ang sinasakyan nilang eroplano. Ginising niya ang binata, himbing na himbing ito, halatang napuyat.

Pagtayo nila mula sa upuan ay hinawakan na nito ang kamay niya hanggang sa makababa sila ng eroplano ay hindi siya nito binibitiwan. Nagulat siya sa ginawang paghawak sa kamay niya ni Gerald. Halos hindi binibitiwan ng lalaki ang kamay niya. Bitiwan man siya nito ay panandalian lamang, kinukuha nito ulit ang kamay niya. Talaga namang kinikilig siya sa gesture ng lalaki.

Paglabas ng airport sumakay sila agad ng taxi at tumuloy sa hotel kung saan sila nakabook. Pagdating nila sa hotel ay ininform sila ng receptionist na wala ng available na single occupancy, ang available na lang daw ay twin sharing. Hiyang-hiya siya kay Gerald baka kasi akalain nito na sinadya nya na ang ipa reserve ay twin sharing. Magrereklamo pa sana siya kaya lang si Gerald na mismo ang pumigil sa kanya, "Okay na yun, ang importante may tutulugan tayo."

Nang makapasok sila sa loob ng room nila ay lalo siyang nahiya sa lalaki. Kasi naman magkakasama sila ng 2 gabi at matutulog sa iisang kuwarto.

"It's only 9:30, pwede pa tayong matulog, then we'll take our lunch. Gusto mo bang mamasyal sa Disneyland?" tanong nito sa kanya.

"Sige gusto ko sa Disneyland", saka siya nahiga sa kama.

Naramdaman na lamang niya na may yumuyugyug sa balikat niya, "Laine, 11:00 na".

Nang dumilat siya, bumungad sa kanya ang napakaamong mukha. Bagong ligo ito, basa pa ang buhok nito. Inisip pa niya kung nananaginip ba siya o hindi. Nang magsalita ito ulit saka niya narealize na hindi ito panaginip, "Tara ng mag-lunch para maaga tayong makapunta sa Disneyland".

"Sandali lang, magshower lang ako", sabi naman niya.

Pagbaba nila ng hotel ay naglakad na lamang sila papuntang restaurant. Habang sila ay naglalakad ay hinawakan siya sa kamay ni Gerald. Talaga namang napakasaraP ng pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Naisip niya kung gaano kasuwerte si Ziara dahil nasa kanya ang pagmamahal ng lalaking ito.

Habang sila ay kumakain ay nagkuwentuhan naman sila. Naitanong niya sa binata, "Sinong kasama mo nung unang pumunta ka dito sa Hongkong?"tanong niya.

"Family ko. Treat nila sa akin nung pumasa ako sa bar." Sagot naman sa kanya.

"Eh nung 2nd time kang pumunta dito?", tanong ulit niya.

"Si Ziara naman", maikling sagot nito.

"Oh, I see", sabi na lang niya. Ang swerte naman talaga ng babaeng yon, naisip niya.

Pagdating nila sa Disneyland ay nagumpisa na siyang magtake ng pictures ganon din si Gerald parehas kasi silang may dalang camera. Pinipicturan niya si Gerald, nagpopose naman din ito. Siya man ay pinipicturan ng lalaki gamit ang camera nito ayaw sana niyang pumayag dahil ang gusto niya ay camera na lamang niya ang gamitin ngunit mapilit ito. Sumakay din sila sa mga rides. Ang saya-saya ng unang araw nila sa Hongkong. Bawat minuto ay ninanamnam niya dahil alam niyang di na iyon mauulit pa.

Pagdating nila sa hotel ay pinauna na siyang pumunta sa room nila, may kakausapin pa daw siya sa telepono. Si Ziara siguro ang kakausapin nito. Parang kinurot naman ang puso niya sa naisip.

Natapos na siyang magshower ay wala pa din ang lalaki, nahiga na siya sa kanyang kama. Hindi na niya namalayang nakatulog na siya. Sobrang napagod kasi siya sa pamamasyal nila.

Forever....Tonight  (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon