Chapter 1 - [Flashback]

6.7K 96 8
                                    

[Flashback]

"3...2...1... Happy Birthday!"

Iyon ang magkakasunod na bati ng mga kapatid ni Vince na sina Jace, Trace, Daniel, Stefan, Chris at ang nag-iisang bunsong babae na si Clara. Maging ng iba pang mga bisita sa party.

Isang engradeng birthday celebration ang ginanap sa Hacienda ng Pamilya Hendelson para sa ika-20th Birthday na bunsong lalakeng anak na si Vince. Bukod sa pamilya, mga kamag-anak, at mga kaklase sa eskwela ay inivited rin doon ang lahat ng trabahador ng kanilang pamilya sa Hacienda, pati na rin ilang mga malalapit na kaibigan ng kaniyang mga magulang at kapatid sa business world.

Kung tutuusin ay ayaw naman sana ni Vince ng ganitong klase ng malaking birthday party, okay na nga sana sa kaniya kung silang pamilya lang, pero ayon sa kaniyang Ama at mga Kuya ay mas makakabuti ang magkaroon siya ng isang malaking selebrasyon dahil malaki ang maitutulong niyon para ma-exposed siya sa mga importanteng tao na makakasalamuha niya sa oras na tumapak na siya sa business world. Kumbaga, mas maiging magkaroon na daw siya ng mga connections upang maging ma-build up na niya ang kaniyang pangalan bilang isa sa mga future leaders ng Hendelson Empire.

"Thank you." Nakangiting pasasalamat ni Vince sa bawat taong lalapit para personal na bumati sa kaniya at mag-abot ng mga regalo.

Upang saglit na makalayo sa maingay na musika sa party ay naisipan ni Vince na maglakad-lakad muna papunta sa may garden kung saan makakapag-isip at taimtim na makakapagdasal para magpasalamat para sa panibagong taon na ipinagkaloob sa kaniya.

"That's very nice of you." Saad ng isang boses mula sa madilim na bahagi ng garden.

"Who's there?" Nanlalaki ang mga mata sa gulat at kinakabahang tanong niya ng marinig ang nagsalitang boses.

Mula sa dilim ay lumabas ang isang magandang babae na nakasuot ng red velvet colored gown. Sa kaputiang taglay nito ay para tuloy itong isang diwata na napapalibutan ng mga bulaklak, napaawang pa ang kaniyang bibig ng sumilay sa maamong mukha nito ang matamis na ngiti.

"Sorry, did I scare you?" Nakangiting tanong nito habang nakatitig sa kaniya

"Huh? Ah, N-no." Umiiling-iling niyang sagot at saka muling ibinalik ang composure sa sarili. "You just caught me off guard. Hindi ko lang inaasahan na may ibang taong narito sa garden."

"Am I not allowed here?" Kunot noong tanong ng dalaga na hawak pa ang isang baso ng champaigne sa kanang kamay nito.

"No, of course you are." Natatawang tugon naman niya. "Feel free to roam around."

Ang totoo ay dumadagundong ang dibdib ni Vince sa presensya ng estrangherang babae na kasama niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin niya maialis ang kaniyang mga tingin sa mukha ng dalaga. Damn, she's really one hell of a beautiful girl!

"By the way, Happy Birthday Vince." Muling saad na pagbati ng dalaga habang nakaupo ito sa isa sa mga duyan at mahinang isini-swing iyon. "Cheers!" Sabay taas ng hawak na baso ng champaigne.

"Thank you. Cheers!" Magiliw niyang tugon sabay taas ng baso at saka bahagyang ininuman iyon.

Ilang sandali pa ay inukupa na rin niya ang isa pang bakanteng duyan na katabi lamang ng inuupan ng dalaga. "I hope you don't mind me sitting next to you." Magalang niyang paalam sa magandang dalaga.

"Not at all." Matamis ang ngiting tugon nito, "this is you property after all. Nakikigamit lang naman ako." Natatawang bigay paalala pa nito sa kaniya na ikinatawa na rin naman niya.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon