Chapter 31 - [Vince]

4.6K 90 11
                                    

"Babe, babe... hello..." paulit-ulit na tawag ni Elizabeth na kumakaway-kaway pa malapit sa mukha ni Vince upang kuhanin ang atensyon nito.

"Oh, sorry..." tanging nasambit ni Vince ng muling magbalik sa sariling wisyo. Hindi niya namalayan na nalunod na pala siya sa sariling isip. "What were you saying?"

Nasa kalagitnaan sila ng dinner date ng kasintahang si Elizabeth sa isang bagong tayong five star Sea Food Restaurant sa Shangri-la Makati pero ang isipan ni Vince ay tila ba isang saranggola na lumilipas sa langit at tinatangay ng malakas na hangin sa kung saang lugar.

"You're spacing out again Vince." Napapairap at napapailing na puna ni Elizabeth. "Ano na naman bang iniisip mo at parang kanina ka pa wala sa sarili?" Curious na tanong ng dalaga.

"H-huh? Ah, wala, wala naman. Just some work stuff." Kunwaring dahilan niya upang hindi na muling mag-usisa pa ang dalagang kasintahan. "Marami lang kasing mga malalaking projects ang deadline for this month so I'm just thinking how to meet them with no trouble, that's all." Dagdag palusot pa niya na mukha namang pinaniwalaan ni Elizabeth.

Ang totoo'y hindi naman talaga tungkol sa trabaho ang dahilan ng pagkatulala ni Vince. Sa halip ay kanina pa okupado ang isipan niya ng tungkol sa mga kaganapan noong nagdaang araw, hindi pa rin kasi nawawaglit sa kaniyang isip ang mga masasayang alaala na idinulot ng kambal na sina Lucho at Dreico. Pakiramdam niya'y hanggang ngayon ay para bang naririnig pa rin niya ang masayang tunog ng pagtawa ng kambal, pati ang makatanggal pagod na kalmbingan ng mga ito, at higit sa lahat ay kung papaanong tinatawag siyang Papa ng dalawa na animo'y kinikilala siya ng mga ito bilang totoong Ama ng mga ito, at isa iyon sa mga bagay na mas lalong nagpapalapit ng kaniyang loob rito.

Kung sa anong rason ay parang naiisip niya na baka kaya siya tinatawag na Papa ng kambal na sina Lucho at Dreico ay dahil sa isang pbahagi ng puso nito'y nangungulila rin ang dalawa sa kalinga ng isang Ama. Baka naghahanap ang mga ito ng isang Father figure, kalinga ng isang Tatay na magpaparamdam sa mga ito kung ano ang saya na kulang sa buhay ng mga ito. Oo nga't aaminin niyang nagagampanan ni Claire ang pagiging isang mabuting Nanay sa kambal pero hindi pa rin maikakaila na kailangan ng mga ito ng pagmamahal at gabay ng isang Tatay. 

"O, I see. Kaya naman pala kanina ka pa nakatulala diyan." Tanging tugon nito.

"I'm so sorry babe." muling hinging paumanhin ni Vince sa kasintahang si Elizabeth. "It's just that, I really wanna make sure everything will be in good hands. Maraming tao ang umaasa sa akin, sa amin, and I don't want to disappoiunt them " sinserong paliwanag pa niya sabay mahigpit na hinawakan ang kamay nito at dinampian ng halik iyon, sa ganoong paraan ay alam niyang makukuha niya ang loob ng dalaga. "I hope you'll forgive me."

"Babe, you don't need to apologize for it. I understand you, completely." nakangiting tugon naman ni Elizabeth, "Come to think of it, mas okay na rin naman yang ganyan na marami kang projects than having no project at all, right." komento pa nito na mukhang naniniwala na nga sa rason na kaniyang ibinigay. "More project only means more profit, more business opportunities, and most importantly mas may assurance for better future yung mga employees mo para sa mga kani-kaniyang pamilya nila. That means success for everyone. And I really commend you for that babe, I'm so proud of you." buong pusong pahayag pa nito ng may matamis na ngiti sa labi at nakatingin sa kaniyang mga mata ng may mataas na paghanga.

At aaminin ni Vince na tama nga ang sinabing iyon ng dalaga, mas mabuti na mayroon siyang mga nakahilerang proyekto at tambak ng maraming trabaho dahil ang ibig sabihin niyon ay mas lumalawak ang kaniyang kaalaman sa business at syempre pa ay mas maraming tao ang nabibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho. Mas maraming pamilya ang sigurado na giginhawa ang pamumuhay at mas mapapatunayan rin niya ang kaniyang sarili hindi lamang sa kaniyang mga kapatid na mga kilalang businessman sa iba't ibang sekto ng industriya, kundi maging sa marami pang kilala at maimpluwensyang tao sa mundo.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon