Naging mabilis ang paglipas ng mga araw na para bang isa lamang iyong hangin na dumaan. Sino bang mag-aakala na ang relasyon nina Elizabeth at Vince ay ngayo'y na sa ikalawang taon na. Kung tutuusin ay natotorpe pa nga siya noong una na ligawan ang magandang dalaga na halos sumabog ang dibdib niya sa kaba at nanlalambot pa ang mga tuhod niya sa tuwing lalapit o kaya naman ay lalabas kasama ito, pero ngayon ay kasintahan na niya ito at masaya silang nagbabakasyon sa Palawan upang i-celebrate ang kaniyang College Graduation, ang pagpasa ng dalaga sa 1st term ng Medicine Degree nito, at syempre pa nga ay kanilang 2nd anniversary.
Napuno ng masasayang activity ang summer vacation nina Elizabeth at Vince. Nag-scuba diving, swimming with whales, underwater exploration, pati na rin ang pagbisita sa iba't ibang mga kweba na puno ng mga kahalihalinang natural stone structure at hot spring. Nag island hopping din sila at binisita ang iba't ibang tagong ganda ng isla ng palawan, pati na rin ang masasarap na mga prutas at delicacies na inooffer sa mga isla na kanilang pinupuntahan.
Sa loob ng apat na araw na kanilang pananatili roon ay pakiramdam ni Vince ay para siyang na sa isang paraiso kung saan sila lamang ng kasintahang si Elizabeth ang siyang naninirahan, o kung pwede nga lang ay hindi na sila umalis pa roon ng tuluyan na niyang masolo ng habang buhay ang pinakamamahal na dalaga. Bukod sa masasayang activities ay napuno rin ng maaalab at mapusok na pagnanaig ang kanilang gabi, kung minsan pa nga ay paggising pa lamang nila sa umaga o kapag nagsasabay sila sa paliligo ay nauuwi sa pagniniig ang mga susunod na pangyayari, bagay na labis niyang ikinasasaya.
Hindi man siya ang unang lalake na nakaangkin sa kasintahan ay hindi na mahalaga iyon kay Vince. Dumating siya sa buhay ng dalaga at tanggap niya ang nakaraan at buong pagkatao nito, isa pa ay di rin naman nagtago o nagsinungaling ang dalaga tungkol sa mga nakaraang relasyon nito, lahat ng gusto niyang malaman at mga dapat niyang malaman ay diretsang ipinagtapat sa kaniya ni Elizabeth.
At isa iyon sa mga dahilan bakit siya naging mas in-love, dahil sa pagiging tapat at matapang nito. Hindi na mahalaga ngayon kung hindi man siya ang unang nakaangkin o minahal ng kasintahang si Elizabeth, ang mas mahalaga sa ngayon ay siya ang nag-iisa at tanging lalake na nagmamay-ari ng puso ng dalaga, na siya ang lalakeng napili nitong pagkatiwalaan at mahalin. At sisiguraduhin niya na siya na ang huling lalake na aangkin at magmamay-ari hindi lamang ng katawan nito kundi maging ng puso at isipan nito.
"Babe, I have dinner plans for us tonight." Ani Vince habang naroon sila at nakahiga at nagpapahinga sa lilom ng mga naglalaking puno sa tabing dagat matapos na makapag-swimming.
"Dinner plans?" Nakakunot-noong tanong ni Elizabeth ng lingunun siya nito, "hindi ka pa rin ba nauubusan ng surprises Vince? Ang dami na natin ginawa rito sa buong linggong narito tayo sa Palawan tapos ngayon may mga dinner plans ka pa." Natatawang saad nito na bakas pa ang tila pagka-amaze sa kaniyang walang katapusan na mga surpresa.
"Of course, I only want the best for you. Bihira lang tayo magkaroon bg ganitong pagkakataon na pareho tayong libre. After this, we'll go back to our usual routines and it will be hard for both of us to find a matching schedule, kaya gusto ko lang naman lubusin ang mga oras na kasama kita babe." Paliwanag naman ni Vince ng tumihaya ito at idantay ang ulo sa likuran ng nakadapang si Elizabeth suot lamang ang two piece bikini nito.
"Kung sabagay tama ka naman babe." Simpleng tugon lamang nito habang nakapikit pa rin na nakadapa sa nakalatag nitong summer shawl.
"Ang sexy mo babe! Nakakagigil ka!" Pangungulit naman ni Vince ng bahagyang kagatin nito likuran ng dalaga at saka pabirong hatawin ang puwet nito.
"Ouch!" Gulat na reaksyon ng dalaga na tila hindi malaman kung maiinis o matatawa sa ginawa niya. "Hoy saan ka pupunta! Bumalik ka rito!"
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Ficção Geral(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...