Chapter 39 - [Claire]

3.5K 80 8
                                    

Makalipas ang ilang oras na pananatili sa tabing dagat upang magpahupa ng init ng ulo at galit sa binatang si Vince ay napagpasyahan na rin ni Claire na bumalik na sa inookupa nilang kwarto, naisip niyang imbes na ubusin niya ang kaniyang oras sa walang kwentang binata ay mas makakabuti kung simulan na lamang niya ang kaniyang trabaho. Tiyak nga naman na mas mag-eenjoy siya sa paglilibot at pagkuha ng mga larawan sa magagandang bahagi ng Private Island Resort na kanilang kinaroroonan, tutal iyon naman talaga ang totoong pakay niya kung bakit siya nasa Isla, ang magtrabaho, hindi mag-ubos ng oras sa sira ulong lalake na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang kaniyang buhay.

"There you are, kanina pa kita hinahanap..." mahinang salita ni Vince ng maabutan siya nito na papasok ng pinto ng kanilang tinutuluyang Private Cottage. "Kung saan-saan na ako naghanap pero hindi kita makita." may bahid ng hiyang pagtatapat nito nang di siya tinitignan sa mata.

"Hindi ko sinabi sayong hanapin mo ko." nakapamewang na pagtataray ni Claire sa binata. "At higit sa lahat ayokong makita ang pagmumukha dahil nasisira lang ang araw ko at---"

"I'm really sorry Claire," putol nito sa kaniyang sasabihin. "Hinanap kita agad kasi gusto kong humingi ng tawad sayo sa mga masasakit na nasabi ko, I'm sincerely and deeply sorry for what I've said earlier." muli pang hinging tawad ng binata sa nagawang kasalanan.

"Tingin mo ganun lang yun? Sorry lang para sa mga pangmamata mo at pagkukwestiyon mo sa pagiging isang nanay ko sa mga anak ko?" taas kilay na angil niya habang pinipigil ang sarili na huwag itong pagbuhatan ng kamay. 

"Mali ako, and I'm sorry for that Claire, hindi ko dapat na sinabi ang mga sinabi ko." mabilis na pag-amin nito sa kasalanan, "Wala akong karapatan na pagsabihan ka ng kahit na anong salita tungkol sa pagpapalaki mo kina Lucho at Dreico, sana mapatawad mo ako." buong puso at puno ng sinseridad na hinging paumanhin muli ni Vince.

Magsasalita pa sana si Claire ngunit ng magtama ang kanilang mata ni Vince ay biglang tila ba umurong ang kaniyang dila at nawalan siya ng kakayahan na magsabi ng kahit na anong kataga. Sa kung anong di niya malamang dahilan ay para bang bigla siyang namahika ng kulay berdeng pares ng mata nito, ngunit bago pa siya tuluyang mahulog sa kakaibang pakiramdam na dulot nito ay nag-una na siyang nagbawi ng tingin.

"Okay, sige, tinatanggap ko ang sorry mo." mabilis na bawi niya upang hindi makahalata si Vince sa kakaibang emosyong nadarama niya ng mga sandaling kaharap ito.

"Talaga? Pinatatawad mo na ako?" nakangiting saad nito saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga na tila ba pasan ang daigdig, "Salamat sa Claire... maraming, maraming salamat."

"Sabi ko tinatanggap ko lang ang sorry mo, hindi ibig sabihin nun bati na tayo." kunwaring paggagalit-galitan niya sabay irap, "Pag-iisipan ko pa kung kailan tayo magbabati." aniya saka nakapamewang na tinalikuran ang binata.

Pagpasok sa silid ay sinundan pa rin siya ni Vince at patuloy ito sa paghingi ng tawad at sa pagkumbinsi sa kaniya na magkaayos na silang dalawa, pero pilit na nagmatigas si Claire at piniling asarin si Vince upang kahit papaano ay makaganti siya sa ginawa nita. Bahala ka diyan, magsawa kang kakahingi ng sorry at ma-guilty sa ginawa mo... Natatawang bulong niya sa sariling isipan.

At dahil maaga pa naman at maganda pa ang panahon ay agad na sinimulan ni Claire ang paglilibot sa buong paligid ng Private Island Resort, dala ang kaniyang DSLR Camera ay kinuhan niya ng larawan ang magagandang structures ng resort gaya ng Classic European Inspired Restaurant, ang first class lounge kung saan maaaring tumambay, ang advance game and entertainment facilities na talaga namang napaka high-tech ng mga kagamitan. Naroon rin ang mga naggagandahang mga Paintings and Art works na tunay na kahahangaan sa ganda ng disenyo at kalidad ng pagkakagawa. Isinama rin niya sa pagkuha ng larawan ang iba't ibang uri ng mga cottages na para sa mga bisita gaya ng sa isang pamilya, isang barkada o kaya naman ay sa mga mag-asawa na gusto ng honeymoon kagaya na nga lang ng Cottage na tinutuluyan nila ni Vince. Lahat ng silid ay talaga namang ginastusan dahil sa tila five-star hotel interior niyon sa loob, kaiba sa tila simpleng feel-at-home ambiance nito sa loob, kaya naman tiyak na kahit sinong bisita ay maeengganyo na manatili roon ng matagal.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon