Masayang nagkukwentuhan sina Claire at Patrick ng mga kaganapan sa kani-kanilang mga buhay nitong lumipas na dalawang linggo na hindi sila nagkita. Ibinabahagi ng binata ang mga masasayang experience nito sa mga Photoshoot, TV Commercial shoot, at mga fashion show na pinupuntahan nito pati na rin ang mga litrato kung saan ay nakikilala at nakakatrabaho nito ang ilang mga kilalang A-list Hollywood personalities. Ipinakita rin nito sa kaniya ang ilang mga litrato na kuha nito, bukod sa pagiging isang Modelo ay hobby din pala ni Patrick ang maging isang photographer kung kaya't minsan ay sumasama ito sa mga photoshoots at kung minsan naman ay kumukuha ito ng mga larawan ng mga sceneries at random moments.
Siya naman ay nagbahagi ng mga kwento tungkol sa kaniyang trabaho at kung anong mga nakakainis at nakakapagod na experiences na nangyari sa kaniya sa mga pinupuntahang meetings sa kaniyang mga hawak na VIPaccounts. Pero ang higit na nai-enjoy nila ni Patrick ay mga kwentuhan tungkol sa kambal na sina Lucho at Dreico, buhat kasi ng makilala nito ang kambal ay naging malapit na ang loob nito sa dalawa, idagdag pa roon na only child si Patrick kaya naman sabik na sabik raw itong magkaroon ng mga kapatid kaya't ganoon na lang ang hilig nito sa mga bata.
"I miss them so much!" masayang wika ni Patrick, "I can't wait to see Lucho and Dreico again." buong excitement na saad pa nito na halata ang labis na saya na makitang muli ang dalawa.
"I'm sure matutuwa sila na makita at makalaro ka ulit." nakangiting tugon naman ni Claire. "Baka nga maubos ang energy mo at ikaw pa ang sumuko sa sobrang kulit nila."
"Kailan ba ako pwede dumalaw sa inyo?" tanong nito na mukhang hindi na makapaghintay na makasama ang dalawa, "May gagawin ka ba this weekend, kung wala, baka pwede akong dumaan para maihatid ko na yung mga ibibigay kong gamit doon sa dalawa."
"Wala naman, baka sa bahay lang kami. Daan ka na lang kung wala ka naman ding gagawin, magluluto na lang ako ng merienda para sa ating lahat."suhestiyon niya bilang pagtanaw ng malaking pasasalamat at utang naloob sa kabaitang ipinakikita nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
"Yes, I like that. Consider it a plan." mabilis na pagpayag ni Patrick. "You know what, how about we have some afternoon picnic? I'll bring some items and meats for us to cook, I'm sure your Mom and your brothers would love it too." suhestiyon pa nito sa mga maaari nilang gawin sa darating na weekend.
"I think that's a good idea, never pa kaming nagkaroon ng picnic doon sa garden kaya for sure matutuwa sina Lucho at Dreico." masayang pagsang-ayon niya.
Habang na sa kalagitnaan sila ng masayang pagkain at pagkukwentuhan ay napatigil silang pareho ng biglang sa kung saan ay nakarinig sila ng boses ng kung sino na tinatawag ang pangalan ni Patrick.
"Patrick!" tawag muli ng isang boses.
At bago pa man makalingon si Claire sa kaniyang likuran ay naroroon na agad sa kaniyang tabi ang matangkad at matipunong imahe ng isang lalake. At nang makita niya kung sino iyon ay bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot, hindi niya malaman kung papaano ikukubli ang sarili upang hindi siya makita nito, kung pwede nga lang sana na lamunin na siya ng lupa ng oras na iyon ay sana nangyari na.
"Vince, bro! How are you? Long time no see!" masayang bati ni Patrick na tumayo pa upang makipagkamay at yumapos sa kaibigan.
"I know bro, long time no see. Ang akala ko na sa US ka, huling balita ko sayo may dini-date ka raw na sexy at magandang model ah." panunukso pa ni Vince sa kaibigan sabay pabirong suntok sa braso nito.
"Hindi totoo yun bro, alam mo naman sa US.uso mga ganyang gossips paralang mapag-usapan. Good press, Bad press, it doesn't matter as long as it is a press release." pagtatama muli ni Patrick para depensahan ang sarili patungkol sa mga chismis na kumakalat tungkol rito. "Oh, by the way, meet my very beautiful date, si Claire."pakilala ni Patrick sabay turo sa direksyon na kaniyang kinauupuan.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Aktuelle Literatur(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...