Pagbalik sa inookupang table bitbit ang tray ng mga inorder nila na mga inumin ay pilit na kinakalma ni Claire ang kaniyang sarili upang hindi mapansin ng binatang si Vince ang panginginig ng kaniyang mga kamay dala ng sobrang kaba ng mga sandaling iyon. Sa lumipas na halos mahigit dalawang taon ay ngayon lamang niyang muli nakaharap ang binata na dati'y pinagsisilbihan pa nga niya noong mga panahon na bulag pa ito at siya ang personal maid nito. Oo nga't nagtagpo na sila noon sa Anniversary party ng El Soltero Publishing pero hindi niya ikinokonsedera ang bagay na iyon dahil nakatago siya sa likod ng maskara at mamahaling damit na suot niya.
"Wow, this is my favorite!" namamanghang wika ni Vince ng ilapag niya sa harapan nito ang inorder niyang Triple Chocolate Magnum Frappe. "Thank you so much." nakangiting dagdag pasasalamat pa nito.
Syempre alam ko naman no, 3 years din kitang pinagsilbihan bilang Personal Maid mo kaya kabisado ko na kung anong mga hilig mo. Komento naman ni Claire sa kaniyang isipan ng marinig ang winikang iyon ng binata.
Parang bata na agad nilantakan nito ang mga chocolate toppings at sprinkles na nasa ibabaw ng frappe. Naalala tuloy ni Claire kung papaanong napapaamo at nabobola niya palagi si Vince gamit ang chocolate sa tuwing tinotopak ito. Wala ka pa rin talagang ipinagbabago, hanggang ngayon weakness mo pa rin ang chocolate...
"Here Lucho, masarap to." alok pa ni Vince sa isa sa kambal na agad namang sinubo ang inaabot nitong chocolate frappe. "Sarap?" naka-tumbs up na hinging kompirma pa nito sa bata, at nang tuwang-tuwang magthumbs up si Lucho ay muling nasilayan ni Claire ang simpatikong ngiti
Sa sobrang tuwa ni Lucho ay nag-akma pa itong umakyat sa table upang tabihan si Vince at mukhang alam naman agad ng binata ang bagay na iyon kaya't agad itong tumayo at binuhat si Lucho mula sa kinauupuan nito papunta sa kabilang side at saka kinandong ito at saka mulign ipinatikim ang chocolate frappe na labis namang ikinasaya ni Lucho. Habang si Dreico na hindi gaanong mahilig sa chocolate ay mukhang ayaw magpatalo sa kakambal nito kaya't gusto na rin nito lumipat sa tabi ng binatang si Vince na agad namang sinunod muli ng binata.
"Ah, Erika, okay lang ba kung palit na lang muna kayo ng upuan nitong mga bata, dito na lang muna sila sa tabi ko." pakisuyo ni Vince kay Erika na noo'y nakatunghay lamang at pinanunuod ang eksenang iyon sa pagitan ng kambal at ni Vince.
"Oo naman, sure, no problem." mabilis na pagpayag ni Erika at saka agad na lumipat sa kaniyang tabi.
Habang iniinom ang kaniyang frappe at pasimpleng pinagmamasdan ni Claire ang kambal at si Vince. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ng malapitan na magkakasama ang mga ito at hindi niya ikakaila na nakuha nga nina Lucho at Dreico ang magagandang physical features ng kanilang Daddy. Bukod sa matangos na ilong, sa kutis na halatang dugong banyaga, maging ang mga magaganda mata at mahabang pilikmata ng mga ito - sa mukha pa lang ay kuhang-kuha na kamukha talaga ito ni Vince, kahit sino atang makakita sa mga ito ng mga sandaling iyon ay tiyak na iisipin agad na anak nito ang kambal. Bukod sa pisikal ay marami rin sa ugali at hilig ni Vince ang nakuha ng magkapatid kaya naman hindi naging mahirap para kay Claire na mag-adjust sa demands ng kaniyang kambal na anak, sa loob ba naman ng tatlong taon na Maid siya ni Vince ay nakabisado na niya ang ugali nito at alam na niya kung papaano huhulihin ang kiliti ng masungit na binata sa tuwing totopakin ito.
Ang isa pang bagay na higit na napansin niya ay malaking pagbabago sa pisikal na anyo ni Vince. Kung dati ay payatot ito, maputla, at halos hindi nag-aayos ng sarili noong bulag pa ito; Ngayon ay nabago na ang lahat ng iyon. Syempre ngayon ay nakakakita na ito, katulad ng dati ay berde pa rin ang kulay ng mata nito, malaki na rin ang katawan nito ngayon na alam mong batak sa ehersisyo at pagbubuhat sa gym, gwapong-gwapo na rin ito ngayon dahil bukod sa maayos na pananamit at perfectly trimmed 3 'o clock beard nito, ay bumagay rin sa banyagang kutis nito ang pagiging tan nito ngayon. Kung tutuusin ay maikukumpara na nga niya ito sa mga Models na nakita niyang nag-cover para sa kanilang magazine, actually mas higit pa nga, mas mukha itong Demigod, o yung tinatawag na Greek God sa sobrang lakas ng appeal at sa taglay nitong presensya na talaga naman nakakatawag pansin sa lahat ng tao sa paligid. Hindi na nakakapagtaka na kanina pa ito tinitignan ng mga babae sa kanilang paligid.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...