"Hmmm... hmmm... no, please no, wag kang aalis... wag mo akong iwan... Marie... Marie! Wag!" Agad na napabalikwas ng bangon si Vince ng mapagtantong isang panaginip lamang pala ang lahat.
"Babe," saad ng naalimpungatan ring si Elizabeth na katabing natutulog ni Vince ng gabing iyon, "What's wrong? is everything okay?"
"H-huh? Ah, yeah, It's just... nothing." Tugon niya ng may tipid na ngiti sa labi. "Nevermind me babe, Sorry I woke you up."
"Are you sure you're okay? I can get you some water and---"
"Don't bother yourself babe, Ako na lang ang kukuha." Ani Vince upand di na maistorbo pa sa pagpapahinga ang kasintahang si Elizabeth. "Sige na, matulog ka na ulit. You need to rest babe." Utos pa niya na agad namang sinunod ng dalaga.
Paglabas ng silid ay dumiretso si Vince sa kusina upang kumuha sana ng isang baso ng tubig, pero dagling nagbago ang kaniyang isipan at nagbukas na lamang ng isang bote ng san miguel beer at saka tinungo ang balkonahe ng tinutuluyang condo para magpahangin muna saglit at makapag-isip.
Habang tinutungga ang bote ng beer at pinagmamasdan ang maliwanag na bilog na buwan sa kalangitan ay hindi mapigilan ng binata na balikan ang kaniyang panaginip, o panaginip pa nga bang matatawag iyon o isang munting bangungot ng nakaraan na ngayo'y tila ba nga isang multong humahabol sa kaniya at nagpapaalala ng mga bagay-bagay na kaniyang nakalimutan na.
At ang misteryosang babae na nakasayaw niya noong nagdaang araw, tunay na hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isipan ang presensya at imahe nito. Sa kabila ng suot nitong maskara na nagkukubli rito, alam ni Vince sa kaniyang sarili na may anking kakaibang ganda ang dalaga. Pero ang higit na bumabagabag sa kaniya ay ang pagkakatulad nang boses nito kay Maire, ang kaniyang personal maid noong panahong bulag pa siya, ang natatanging babae na nagturong muli sa kaniya kung papaano magtiwala sa sarili at papaano magmahal sa kabila ng sinapit na mapait na kapalaran noon.
Who are you? Why do I have this strange feeling that I know you... and your voice, that very familiar voice... bakit tila pakiramdam ko ay ikaw si Marie o naghahalusinasyon nga lang ba ako at umaasa... mga tanong na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ni Vince sa ilang gabing lumipas buhat ng makilala niya at makasyaw ang estrangherang babae.
Isa sa mga bagay na nahasa ni Vince sa limang taon niyang pagkabulag ay ang pagkilatis sa isang tao gamit lamang ang kaniyang pandinig. Totoo nga ang kasabihan na ang isang taong may disability ay nagagawa na paghusayan ang kaniyang ibang kakayahan sa pakikiramdam dahil sa pamamagitan ng kaniyang tainga ay napag-aaralan niya ang emosyon ng kaniyang kausap. Nagagawa niyang malaman kung nagsasabi ng totoo o kaya'y pawang kasinungaling lamang ang mga salitang namumutawi sa bibig ng isang tao, nababasa rin niya sa pakikinig ng lamang ng boses kung kabado, tensyonado, wala sa huwisyo, o may pinagdadaanang problema ang taong kausap. At higit sa lahat ay nakikilala niya ang taong kausap sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa boses nito kahit pa ilang taon niyang hindi nakita.
Gaya na lamang ng kaganapan sa nagdaang party, sa pagbalot ng dilim ng mamatay ang mga ilaw sa buong paligid at pagkawala ng ingay ng musika, tila ba'y nagbalik si Vince sa panahon ng kaniyang pagkabulag at doo'y muli niyang narinig ang tinig na matagal na niyang hindi narinig sa lumipas na dalawang taon. Ang tinig na pamilyar na pamilyar sa kaniyang tainga, ang boses na palagi niyang naririnig mula umaga hanggang gabi sa kanilang Hacienda at nagsisilbi sa kaniya bilang personal maid, pero maaaring nagkakamali nga lang din siya.
I wonder where you are right now Marie... ano na nga kayang buhay mo ngayon... Naaalala mo pa rin kaya ako... pagkausap ni Vince sa sarili habang tinutungga ang hawak na bote ng alak. "Kailan nga kaya ulit kita makikita..." bitaw na tanong pa niya sa hangin habang patuloy na nakamasid sa kalangitan at mga nagkikislapang bituwin.
![](https://img.wattpad.com/cover/75804319-288-k539413.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Fiksi Umum(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...