Chapter 19 - [Claire]

3.8K 92 16
                                    

Masaya at puno ng maraming mga surprises ang 50th Anniversary Masquerade Ball ng El Soltero publishing, bukod sa mga kilalang singers na nagperform sa event, marami rin mga sikat na Filipino and Foreign Designers and Supermodels ang invited sa event bilang nga fashion ambassador, muse & escort ng ilang mga kilalang designers. Naroroon rin ang ilang mga kilalang business tycoon sa bansa at ibang mga foreign media partners ng El Soltero.

Syempre pa'y hindi mawawala ang mga sayawan at ang kutakutakot na mga masasarap na pagkain at mga inumin na isineserve sa lahat ng mga guests at ang buffet table kung saan welcome ang luhat kumuha ng gusto nilang pagkain at inumin.

Habang si Ella ay na sa dance floor kasayaw si Daniel, si Claire ay naiwan naman sa kanilang table at tahimik na pinanonood lamang ang dalawa. Natutuwa siyang makita na nag-eenjoy ang kaniyang dalawang bestfriends, lalo na si Ella, bibihira lamang kasi itong makapunta sa mga ganoong kagagarbong party kaya naman masaya siyang makita itong maligaya.

"You're not jealous, are you?" Anang isang boses mula sa likuran niya.

Nang lingunin ito ni Claire ay nakita niyang nakabalik na pala si Amanda, hindi na nito suot ang maskara nito ng mga sandaling iyon. "Hindi, wala naman akong dapat na ipagselos sa kanila." sagot niya sa tanong ng dalaga saka hinubad ang suot na ring maskara.

"I'm just curious Claire, ni minsan ba hindi ka nagkaroon ng feelings kay Daniel?" Pag-uusisa nito habang matamang nakatitig sa kaniya.

"Ilang beses ko na rin naisip yan." Napapangiti niyang sagot, "Kaso kahit anong isip ko hindi ko talaga alam bakit never nadevelop ang feelings ko kay Daniel. Kahit anong gawin ko hanggang kaibigan at kapatid lang talaga ang turing ko kay Daniel" tahasang pag-amin pa niya sa damdamin para sa binata.

"Looking at you now, hindi na ako nagtataka bakit ka nagustuhan ni Daniel." Ani Amanda habang nakapangalumbaba at patuloy na pinagmamasdan lamang siya, "You really are a beautiful girl. Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong isa ka sa mga Muse ng mga high-end Fashion Designer brands na narito sa event natin. Sadyang malaki na talaga ang pinagbago mo buhat ng una tayong magkakilala."

Di mapigil ni Claire ang mapangiti sa mga tinurang papuring iyon ng boss na si Amanda para sa kaniya, "Hindi naman ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon kung hindi rin dahil sayo Amanda. Tinulungan mo ako na makaasenso sa buhay, binigyan mo ako ng trabaho, binigyan mo ako ng college scholarship para makatapos ako, at tinuruan mo ako na maging confident sa sarili ko." Taos pusong pasasalamat niya sa mga nagawang tulong sa kaniya ng mabait na boss na si Amanda, "Kung hindi mo ako hinanap noon baka nga hanggang ngayon hindi ko pa rin maitataguyod ang pamilya ko."

Hinawakan ni Amanda ang kaniyang mga kamay at isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya, "Claire, lahat ng ginawa ko para sayo ay dahil isa ka ng pamilya sa akin, sa amin ni Chris at sa mga anak namin." Anito habang pinipisil-pisil ang kaniyang palad, "Alam ko kung gaano kahirap para sayo buhayin ang mga anak mo, nagdaan din ako sa ganyan noong mga panahon na naghiwalay kami ni Chris kaya gusto kong iparamdam sayo na kahit anong mangyari nakasuporta ako sayo. Isa pa, kung tutuusin naman ay pamangkin ko ang mga anak mo at magpipinsan sila ng mga anak ko, kahit pa hindi kayo kasal o nagsasama ni Vince, hindi natin maiaalis ang katotohanan na anak siya ang tatay ng kambal at may dugong Hendelson sina Dreico at Lucho."

Agad na nagbawi ng kamay si Claire at napayuko ng marinig ang mga salitang iyon ni Amanda tungkol kay Vince at sa kaniyang mga anak. Oo nga't hindi maitatanggi na ang dugong nananalaytay sa mga ito ay galing sa binata pero kahit na ganoon ay pilit pa ring iniiwasan ni Claire ang tungkol sa usaping iyon. Hindi pa rin kasi siya komportable na marinig ang mga usapin tungkol sa binata.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon