Chapter 42 - [Claire]

3.8K 81 12
                                    

Paggising kinaumagahan ay ubod ng gaan ang pakiramdam ni Claire, ito na nga ata ang pinakamahaba at ang pinakakomportableng tulog niya sa loob ng mahabang panahon. Walang alarm clock, walang mga kapatid na maingay tuwing umaga na naghahanda sa pagpasok sa eskwela, walang trabahong iisipin, at higit sa lahat ay walang ang mga makulit niyang babies na umiiyak o nag-aalboroto sa tuwing gigising sa umaga.

At dahil sa madilim pa ang loob ng silid at nababalot ng lamig mula sa aircon, ay naisip niyang muling bumalik sa pagtulog. Maaga pa naman, mamaya na lang ako babangon, matutulog na muna ulit ako at susulitin ko tong bakasyon na to. Inaantok na sambit niya sa sariling isipan at saka mahigpit na niyapos ang unan na nasa kaniyang tabi.

Ngunit ang tangkang pagbalik sa pagtulog muli ni Claire ay nabulabog ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa kaliwang bedside table, at dahil ayaw tumilig niyon sa pag-iingay ay wala sa wisyong at tinatamad na umikot na lamang siya sa pagkakahiga at kinuha iyon at saka ini-off, wala siyang pakialam sa kaniyang alarm clock sa ngayon. "Mamaya ka na mag-ingay at wala ako sa wisyong gumising ng maaga ngayon ha! Istorbo ka lang!" Reklamo niya sa cellphone ng patayin ito at muling ibalik sa kinalalagyan. "Ayan, ganyan ang nababagay sayo!"

Pero ang kaninang inaantok niyang mga mata at isipan ay biglang nagising ng mapagtanto niyang tila ba may kakaiba sa kamang kinahihigaan niya, at dahil nga madilim sa buong silid at medyo inaantok pa siya ay hindi agad siya makapag-isip ng diretso, sa halip ay inabot na lamang niya ang switch ng lampshade at binuksan iyon. At sa pagsabog ng munting liwanag sa kabuuan ng silid ay kasabay rin ang kakaibang gulat niya ng mapagtantong si Vince ang nakahiga sa iisang kama katabi niya, at hindi lang basta na sa kama niya dahil ngayon ay nakapaibabaw na siya sa binata sa pag-aakala na unan lamang ito na kaniyang dinaganan ng magpabiling siya ng higa ng abutin ang cellphone.

Hindi malaman ni Claire kung papaanong magre-react ng mga sandaling iyon dahil aminin man niya o hindi ay nakuha ng binata ang kaniyang atensyon sa ayos nito ngayon habang natutulog. Bukod sa gwapo at mala-anghel na mukha nito habang natutulog ay siyang kontrapelo naman ng maala-adonis na katawan nito na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang katawan. Wala kasing suot na damit pang-itaas si Vince kaya't naka-display sa kaniyang harapan ang matipunong katawan nito lalo na ang abs nito na talaga namang nakakaakit, at nang sundan niya pababa kung saan patungo ang mumunting buhok nito sa pusod ay saka siya napakagat labi at napasinghap ng malalim ng masaksihan ng dalawang mata ang tayong-tayong at tila ba galit na galit na bahagi ng pagkalalake nito. Ay jusko... Panginoon ko po... kagat labi at napapalunok niyang sambit habang nakatitig sa bahaging iyon na nakaumbok sa suot nitong boxer shorts.

Ngunit ng tila maantala ang mahimbing na pagtulog ni Vince at kumilos ito upang magbago ng posisyon ng pagkakahiga ay mabilis pa sa isang segundo nagbago ang kanilang posisyon, ngayon ay magkatabi na silang nakahiga sa kama, mahigpit itong nakayapos sa kaniyang katawan at nakadantay ang hita sa kaniya, ang ulo nito ay halos nakapatong na sa kaniyang balikat habang ang labi nito ay halos humahalik na sa kaniyang tainga at pisngi. Muli pa'y natagpuan ni Claire ang kaniyang sarili na tila naeestatwa at walang kalakas-lakas na mag-react sa mga nangyayari sa kanila ng binatang si Vince.

Claire ano na?! Ganyan ka na lang? tutunganga ka na lang ba?! Aba, bilisan mo mag-react, itulak mo yang manyak na halimaw na walang pusong lalake na yan! Ilaglag mo sa kama! Dali! salbaheng utos ng kaniyang isipan sa kaniya. At nang tangka na sana niyang sundin ito ay muli na naman siyang napako sa pagtitig sa gwapong mukha ng binata, at sa kung anong dahilan ay nagdulot sa ng munting ngiti sa kaniyang labi ang pagmasdan itong mahimbing na natutulog. Oh diba ang gwapo ng Prince Charming mo, hayaan mo lang siya matulog ng ganyan. minsan lang kayo magkaroon ng ganyang moment kaya lubusin mo na, solo mo na siya ngayon. Pilyang utos naman ng kaniyang puso na noo'y kay bilis ng pagkabog.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon