Habang pinanunuod ni Claire si Patrick sa ginagawa nitong pag-pose sa harap ng camera ay saka lang niya napagtanto kung bakit kinikilala ang binata na isa sa mga in-demand and most sought-after supermodel sa iba't ibang bansa ngayon. Bukod sa magaling itong mag-project ng sarili at maganda itong magdala ng damit, ay hindi maikakaila ang kakaibang charm at presenya ng binata.
At dahil para sa Summer Issue ng Bachelor Magazine sa susunod na buwan ang shoot na ito kaya naman nagpipyesta ang lahat ng mga kababaihan at kabaklaan sa kanilang production staff at creatives department na kilig na kilig at namamangha habang pinanunuod si Patrick suot lamang ang isang surfboard shorts, kitang-kita tuloy ang matikas at very fit nitong katawan lalo na ang six-pack abs nito at v-line na pinagkakaguluhan ng mga babae.
"Ang yummy ni Daddy Patrick!" Kinikilig na komento ni Jelly. "Parang feeling ko nabuntis ata ako sa tingin pa lang niya"
"Oo nga bessy, abs pa lang ulam na!" Sang-ayon naman ni Roselyn. "Ikuha mo nga akong kaldero ng kanin dali!"
"Hayyy, ang swerte siguro ng mga nagiging girlfriend niya ano? Laging busog." Sabat naman ni Hiyasmin, "Nakakatikim sila ng masarap na putahe gabi-gabi." Pilyang komento pa nito na ikinatawa ng iba pang mga nakarinig.
"Parang gusto ko na rin kumain ng Pandesal tapos palaman yung Jumbo Hotdog..." komento naman ni Liya na alam nilang lahat na may ibang bastos na kahulugan.
Maging si Claire ay napangiti na lang habang pinakikinggan ang iba't ibang mga komento ng mga tao sa paligid niya. Kung sabagay, hindi naman maipagkakaila na gwapo at sexy kasi talaga si Patrick. Alagang-alaga ang katawan at kutis nito kaya kahit saang anggulo mo tignan ay makikita mong lalakeng-lalake talaga ang appeal, iyong tipong sa tingin pa lang ay maaakit ka na at mapapasunod sa mga gusto nito kaya di maiiwasan na maging habulin ito ng mga babae at bakla.
Nang matapos ang unang bahagi ng shoot ay agad na kumilos ang lahat ng staff para iset-up ang susunod na concept shoot na gagawin nila at ang location. At siya naman ay muling bumalik sa inookupang umbrella table upang i-check ang mga larawan na kinuhanan ng photographer na si Miss Rina, isisend nya kasi ang ibang sample noon kay Amanda para agad na makita nito at makakuha ng review ng dalagang kung satisfied ba ito o may mga gusto itong baguhin sa konsepto ng shoot.
"Enjoying the view?" Tanong ni Patrick ng makalapit ito sa kaniya.
Alam ni Claire na ang tinutukoy ng binata ay hindi ang view ng beach kundi ang view ng pinanunuod niya ito kanina sa photo shoot. "Nope, it's a little too average if you ask me." Pilosopong tugon niya upang basagin ang kahanginan ng binata.
"Oh wow, that's a first time." Tila ba nagagalak pang reaksyon ng binata. "Ikaw lang ang unang babae na kilala kong hindi ata naattract sa akin at sa katawan ko." Muling pagyayabang pa nito sa sarili.
"Well I hate to break it to you Mr. Patrick pero hindi ka naman kasi kasing gwapo ng iniisip mo." Pintas niya rito upang iparamdam sa binata na hindi uubra sa kaniya ang mga pagpapa-cute nito, kahit ang totoo ay aminado naman siya sa sarili na gwapo talaga si Patrick.
"Tomboy ka ba Claire?" Mabilis na pambawi nito na di niya malaman kung tanong ba o pang-iinsulto.
"Ako? Tomboy? At paano ako magiging tomboy eh may---" agad natahimik si Claire ng maalala na hindi nga pala alam ng kahit na sino na mayroon na siyang kambal na anak. Okay, wait, kalma lang girl. Wag na wag kang magpapadala sa pang-aasar ng lalakeng yan at baka madulas kang bigla sa mga masasabi mo.
"Eh kasi ano?" Kunot noong usisa habang nakangisi, "Bakit hindi mo ituloy?"
"Hindi ako tomboy." Muli niyang ulit sa akusasyon ng binata. "Hindi lang talaga mga katulad mo ang type ko." Pagtatapat pa ni Claire saka inirapan ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/75804319-288-k539413.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Ficção Geral(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...