Chapter 43 - [Claire]

3.5K 85 19
                                    

Ang dapat sanang plano ni Claire na magbreakfast sa balcony ay daling naudlot ng dahil sa surpresang pagsulpot ng dalagang si Elizabeth. Imbes sana na nag-eenjoy siya sa pagkain ng inorder na breakfast at ninanamnam ang preskong hangin kasabay ng panunuod sa sunrise ay napilitan na lang tuloy bigla siya na samahan ang magkasintahang sina Vince at Elizabeth na kumain sa isa sa mga established restaurant na naroroon sa Viena Villa.

"So how have you guys been?" Nakangiting tanong ni Elizabeth sa kaniya habang hinihintay nila ang mga inorder na pagkain. "I'm sure you guys are having a great time here, right?"

"H-huh, ah, yeah... oo... okay naman." Tugon niya ng may pekeng ngiti sa labi. Kahit ano kasing gawin niya ay hindi siya komportable sa presensya ng dalaga lalo pa't naroroon din sa harapan nila si Vince.

"This place, wow, it's just so breathtaking, isn't it?" Magiliw na saad ng dalaga habang pinagmamasdan nito ang magandang paligid, "I feel like I'm in another country right now, sino ba namang mag-akaala na merong pang mga ganitong nakatagong lugar sa Pilipinas diba." Dagdag papuring komento ni Elizabeth na di maikubli ang paghanga sa natatanaw ng mata nito.

"I knew you'd love it here babe," biglang sabi ni Vince habang may ngiti sa labi na pinagmamasdan si Elizabeth, "Ikaw nga agad ang naisip ko, I know how much you love nature and peaceful places like this." Anito sabay lapat ng halik sa magkakapit na kamay nila ng dalaga. "I'm really happy you're here with right now."

"You know me so well babe..." ani Elizabeth ng may matamis na ngiti sa labi, "And I'm happy to be here too, sobrang miss na kasi talaga kita kaya naisip kong puntahan ka na rito." Pag-amin pa ng dalaga sa dahilan ng surpresang pagsulpot nito sa Vienna Villa.

"I'm really glad you did, simula ng dumating ako rito hanggang ngayon wala akong ibang inisip kundi ang bumalik agad rito at isama ka." malambing na sambit ni Vince sa dalaga saka ito dinampian ng halik sa pisngi, "Ikaw rin ang dahilan bakit naisip kong bumili ng property dito, I would love to spend more and more time with you here, in this paradise. And I miss you so much more my love."

"I love you hon." matamis na sambit ni Elizabeth.

"I love you more baby." tugon ni Vince.

Hindi malaman ni Claire kung maiinis ba siya, maiirita, magagalit o maasiwa sa sobrang sweetness na trato ng magkasintahan na nasa kaniyang harapan. Pero kung may isang bagay na klarong-klaro sa nararamdaman niya ay iyon ang selos.... oo, selos.

O ayan na, na sa harapan mo na ang pruweba kung bakit hindi ka na dapat maghabol diba? Ewan ko na lang kapag di ka pa naman natauhan sa nakikita mo Claire! Muling sabat na pangungunsensya na naman ng kaniyang isipan dahil heto na nga't na sa harap na niya at malinaw pa sa sikat ng araw kung gaano kamahal nina Vince at Elizabeth ang isa't isa.

Naisip nga niyang tumayo na lang sana at magpaalam upang makaalis na roon, naiilang lang kasi siya dahil habang mas tumatagal ay mas lalong nilalapirot ang kaniyang puso sa sobrang sakit ng mga nasasaksihan. Kaya nga lang ay bigla namang dumating ang kanilang inorder na mga pagkain kaya't nawalan na naman siya ng tyemo para iwan ang dalawa.

"By the way, I haven't properly introduce you to each other." Biglang bawi ni Vince ng tila mapansin nito ang pagkailang sa kaniyang mukha. "Ms. Gonzales, I would like you to meet my very beautiful fiancé Elizabeth." Puno ng pagmamalaking Pakilala ni Vince sa kasintahan nito.

"I know her, we've met a few times already." Bigay imporma ni Elizabeth kay Vince, "She's the girl I keep telling you about, yung kaibigan ng Kuya Daniel mo." Anang dalaga at saka ibinaling ang atensyon sa kaniya. "Diba Maricar?"

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon