[Flashback]
Busy si Vince sa pag-eempake ng kaniyang malate para sa kanilang 5 day and 4 nights Summer Vacation sa Palawan ng girlfriend niyang si Elizabeth para sa kanilang 2nd Anniversary at kasabay na rin ang celebration sa pag-graduate niya ng Kolehiyo, nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid at pumasok roon ang isa sa mga kapatid niyang si Daniel.
"Balita ko may long summer vacation ka ah." Bungad nito sa kaniya habang nakatayo lamang roon sa pagitan ng pintuan.
"Who told you?" Kunot-noong tanong niya sa kapatid. Pero bago pa man makasagot ito ay nalaman na niya sa sarili ang sagot sa bagay na iyon, "I see, si Elizabeth, ang sabi ko pa naman sa kaniya ay secret lang ang plano naming ito para walang ibang makakaalam o maghahanap kung na saan kami." Napapailing na lang at napapakamot sa ulo na saad niya .
"You can't blame the woman, she's just as excited as you I believe." Depensa naman ni Daniel sa kaibigan na si Elizabeth. "And besides, hindi naman niya sinabi sa akin ang plano niyo, I just accidentally found out about it ng malaglag ang plane ticket na hawak niya when we had lunch earlier today."
"You met with her?" Bigla ay napatigil si Vince sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit at hinarap any kaniyang Kuya Daniel. "Bakit ka nakipag-date sa kaniya? Anong kailangan mo sa kaniya? Bakit kayo nagkita? Anong pinag-usapan niyo? Saan kayo nagpunta? Anong---"
"Hey, hey, stop!" Awat ng kaniyang Kuya na nakataas pa ang mga kamay na animo'y sinasabing di ito lalaban sa kaniya. "Don't act like a jealous kid Vince, it's not what you think okay." Pagtatanggol pa nito sa sarili, "Hindi kami nag-date gaya ng iniisip mo. It was a coincidence, nagdadrive ako papunta dito sa Hacienda when I decided to stop by at the grocery downtown to buy some snacks and bottles of beer, I saw her there too, so niyaya ko lang siya kumain sa katabing fast food. I was just being courteous, and besides she's my friend even before she became your girlfriend. That's all." Pagbibigay linaw pa ni Daniel sa mga pangyayari na naganap sa lunch nito at ng dalaga.
Para namang nabunutan ng tinik si Vince ng masiguradong walang kahit na anong namamagitan sa dalawa. Hindi kasi niya maiwasang magselos kapag nalalaman niyang may ibang lalakeng dumidikit o nagtatangkang pumorma sa kaniyang girlfriend.
"Sorry Kuya. I shouldn't have acted the way I did." Hinging paumanhin niya sa kapatid at saka pinakawalan ang isang malalim at mabigat na buntong-hininga bago napaupo sa sariling kama. "Hindi ko na alam minsan bakit parang napapraning ako kapag malayo sa akin si Elizabeth. Mas gusto ko siyang kasama, kausap, at nakikita palagi." Reklamo ni Vince sa sariling aksyon.
Lumapit naman si Daniel at umupo sa tabi niya, "It's okay. It's a boy's thing. Lahat naman tayo ay dumarating sa ganyang punto lalo kapag gusto o mahal natin ang isang tao." Bigay kunswelo pa nito upang pagaanin ang kaniyang loob. "But being too overprotective and overpossesive are not a healthy relationship thing Vince. Kailangan mo ring magtiwala sa kilos at mga salita ni Elizabeth. She's a good woman, kilala ko siya, alam kong hindi kagaya niya ang tipo ng babae na magloloko sa likuran mo."
"I know Kuya, and I trust her, I really do. I swear." Aniya sabay taas pa ng kanang kamay bilang panunumpa sa sinseridad ng kaniyang sinabi. "It's the people around her that I don't trust. Maganda si Elizabeth, matalino, lahat ng qualities ng isang babae ay na sa kaniya kaya nga napakaraming lalake ang pilit na umaagaw sa kaniya sa akin. And I hate that a lot. Ayoko na mayroong ibang lalapit sa kaniya maliban sa akin." Paliwanag niya sa kadahilanan ng nadaramang selos.
"She's not a kid you have to protect, malaki na si Elizabeth, at gaya nga ng sabi mo, matalino siya, kaya niyang protektahan ang sarili niya." Bigay linaw pa ni Daniel upang ipakita sa kaniya na hindi na isang paslit si Elizabeth na kailangan niya bantayan sa bawat oras. "Huwag kang gumawa o mag-isip ng mga bagay na alam mong ikakasira ng tiwala o kaya ng relasyon niyo dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan."
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Fiksi Umum(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...