Matapos na masiguradong mahimbing na natutulog ang kambal na anak na sina Lucho at Dreico ay naisipan ni Claire na tumambay na muna sa tabing dagat at magpahangin, sa susunod na araw ng umaga ay babalik na silang lahat sa Maynila at iiwan ang mala-paraisong lugar na ito ng Vienna Villa Private Island Resort. May isang buong araw na lamang sila kinabukasan upang sulitin ang kanilang pananatili sa lugar. At tiyak naman niyang sa sobrang mahal at ekslusibo ng lugar na ito ay malabo ng makabalik pa siyang muli rito maliban na lamang kung isang proyekto muli ang ibibigay sa kaniya na may kinalaman sa lugar.
Nang makarating siya sa tabing dagat ay naabutan niyang naroroon rin si Elizabeth, mag-isa lamang ito, mukhang kagaya niya ay nagpapahangin lamang din ito habang nakaupo sa tabi ng bonfire na kanina'y nilikha nina Patrick at Vince para sa kanilang dinner barbecue party upang i-celebrate raw ang masaya't munting bakasyon nilang lahat doon sa pribadong isla, bagay na talaga namang na-enjoy nila at lalo na ng kambal.
Hindi na sana tutuloy si Claire at babalik na lamang sa sariling silid ngunit ng mapansin niyang tila umiiyak si Elizabeth ay napatigil siya sa kaniyang paglalakad, "Huh? tama ba yung nakita ko?" kunot-noong tanong niya sa sarili at saka muling sinilip ang dalaga upang kurpimahin ang sariling hinala, "Ay, oo nga. Pero bakit naman siya iiyak? Nag-away ba sila ni Vince? Pero kanina ang saya naman nila ah..." naguguluhang pagkausap niya sa sarili.
Sa huli'y nanaig ang pagiging malambot ng kaniyang puso at nagpasyang lapitan si Elizabeth upang magkaroon ito ng taong makakausap at mapaglalabasan ng sama ng loob, kung meron man nga. Hindi niya kayang makita ito na umiiyak o nalulungkot lalo na kung ang dahilan nga niyon ay si Vince.
"Elizabeth..." tawag ni Calire sa pangalang ng dalaga habang marahang lumalapit sa kinauupuan nito.
"C-claire... ikaw pala..." tugon ni Elizabeth na halatang hindi inaasahan ang kaniyang pagdating. "Sorry, hindi ko napansin na nandiyan ka pala." sabi pa nito habang pilit na pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata.
"Are you okay?" nahihiyang tanong niya sa dalaga, "Gusto mo ba ng kausap..."
"H-huh, ahh, of course, I'm okay. Walang problema." mabilis na sagot nito ng may ngiti sa labi kahit pa nga halata naman na hindi ito okay kagaya ng sinasabi nito.
"Alam mo mas okay kung ilalabas mo yang sama ng loob mo," pilit na pag-aalo ni Claire sa dalaga lalo't nababasa niya sa mukha nito na mayroon itong dinadalang mabigat na isipin, "Mas gagaan yung pakiramdam mo kapag nailabas mo na lahat ng inis mo." dagdag suhestiyon pa niya rito.
"Salamat Claire pero okay lang tala---"
"Hindi ka okay," mabilis niyang sabat bago pa man itanggi ni Elizabeth ang sarili, "Babae rin ako, nababasa ko yung isip mo at alam kong hindi ka okay ngayon." nag-aalalang sambit ni Claire saka kinuha ang kamay ng dalaga at mahigpit iyong kinapitan. "Inaaway ka ba ni Mr. Hendelson? Sinaktan ka ba niya? Ano, gusto mo ba resbakan na ba natin yung panget na yun?!" pagbibiro niya upang kahit papaano ay patawanin ang dalaga.
At nagtagumpay naman si Claire dahil ang kaning malungkot at lumuluhang dalaga na si Elizabeth ay napapangiti ng muli kahit na papaano, "Hindi, wala siyang ginawang masama sa akin. Hindi ako sinaktan ni Vince, don't worry." mabilis na tanggi nito sa naging akusasyon niya, "Pero salamat sa concern mo, I really do appreciate it a lot." sinserong pasasalamat ng dalaga sa kaniya at saka siya ikinulong sa isang yapos. "I'm sorry Claire..."
Kunot-noong napapatanong si Claire sa sarili kung bakit biglang humihingi ng tawad sa kaniya si Elizabeth lalo't kung tutuusin ay wala naman siyang maalala na ginawa nitong mali o masama. "Sorry saan? bakit ka nagso-sorry sa akin?" tanong niya sa dalaga hinahaplos ang likuran nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/75804319-288-k539413.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...