Chapter 55 - [Elizabeth]

4.7K 106 18
                                    

3 Months Later...

(Manhattan, New York)

"Good Morning Ms. Hamilton, you have a visitor waiting outside." Nakangiting imporma ng babaeng nurse na siyang nakatokang mag-assist sa kaniya ng araw na iyon.

"Who is it?" Kunot-noong tanong ni Elizabeth. Wala naman kasi siyang inaasahan na bibisita sa kaniya ng araw na iyon.

"It says here, Mr. Vincent Grecko Hendelson." Banggit nito sa ngalan ng binata matapos i-check sa hawak nitong board pad. "Should I let him in or you prefer to just be alone at the moment?" Magalang na hinging kumpirma nito bilang mahigpit niyang ibinilin na huwag tatanggap ng kahit na sinong bisita na walang pahintulot mula sa kaniya maliban na lamang kung ito ay kapamilya.

Ilang segundo siyang nag-isip kung ano nga bang mas tamang gawin, patutuluyin ba niya ito o hindi? O kung handa na ba siyang harapin ito. Pero matapos ang ilang pagpapalit-palit ng isipan ay napagdesisyunan na rin niyang harapin ang binata. "Please let him in, thank you."

"Alright, I'll call him in." Paalam nito.

Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pintuan ng silid at sumilay roon ang imahe ng binatang si Vince. Nakasuot ito ng puting long sleeves at denim jeans habang bitbit ang bouquet of red roses at basket of fruits.

"Hi." Malamig na tipid na pagbati nito na wala man lang ngiti sa labi.

"Hello." Pilit na magiliw na pagbati niya upang kahit na papaano ay mabawasan ang kaba at tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Please come in and take a seat." Paanyaya pa niya rito sa pinakakaswal na paraan na magagawa niya.

"These are for you." Abot ni Vince ng bulaklak habang ang basket ng prutas ay inilapag naman nito sa la mesita na pumapagitna sa upuan na katapat ng kaniyang inuupuan.

"You didn't have to, but still, thank you. I appreciate it." May tipid na ngiti sa labing pasasalamat pa ni Elizabeth sa binatang bisita habang sinasamyo ang mabangong amoy ng bulaklak.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkitang muli sina Elizabeth at Vince buhat nang maganap ang malaking eskandalo sa Hacienda Cassaranina may pitong linggo na ang nakakalipas. Mula ng araw na iyon hanggang sa ngayon ay naging mahigpit at mapili si Elizabeth sa mga taong kikitain niya habang naroroon sa St. Edwardson NY Hospital and Rehabilitation Center - ang hospital at rehab center kung saan siya naka-confine upang magpagaling ng tuluyan mula sa kaniyang sakit.

"How have you been Elizabeth?" Kaswal na tanong ni Vince habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid.

"I'm doing okay..." tipid niyang tugon.

Hindi rin naiwasan ni Elizabeth ang ma-concious sa sarili dahil nakasuot lamang siya ngayon ng hospital patient's dress. Isa pa'y kalbo na rin siya dahil sa pag-a-undergo niya ng chemo therapy. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng pagkahiya sa itsura lalo pa't dati at sobrang confident niya sa angking ganda. Ngayon ay malaki na ang pagbabago ng kaniyang itsura, bukod sa pagiging kalbo ay malaki na rin ang ipinayat ng kaniyang katawan.

"I see." Tipid na sagot ng binata na hindi kababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha na animo'y hindi ito nasurpresa na makita siya sa ganoong estado, kaiba sa Elizabeth na nakasanayan nito.

"It's been a long time, how have you been?" Pagbabago ni Elizabeth ng topic upang ialis ang atensyon sa kaniyang itsura.

"Worst." Sarkastikong tugon nito sabay tayo at naglakad patungo sa glass wall kung saan ay tanaw na tanaw nito ang kabuuan ng garden sa labas mula roon sa 15th floor kung saan sila naroroon.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon