Chapter 7 - [Flashback]

2.2K 45 1
                                    

[Flashback]

Lumipas ang ilang mga araw at linggo na walang ibang ginawa si Vince kundi ang masugid na ligawan ang maganda at mabait na dalagang si Elizabeth. Halos umikot na nga ata ang buong oras at atensyon niya masiguro lang na maipaparamdam niya ang kaniyang labis na paghanga at nadaramang pagsinta para rito.

At base sa ipinapakitang pagkilos ng dalaga sa tuwing lalabas sila ay mukha naman mutual ang feelings nila sa isa't isa, o kahit na papaano ay iyon ang gusto niyang paniwalaan. Wala naman mawawala kung umasa siya, hindi naman din siya binibigyan ng dahilan ng dalaga upang tumigil. Ayon rin naman dito ay wala itong nobyo sa ngayon kaya nga madalas niya itong nagagawang maaya sa friendly date.

Kaya naman ng makatungtong ng tatlong buwan buhat ng sila ay unang magkakilala, at sa saktong bisperas rin ng kaarawan ni Elizabeth ay napagpasyahan na ng tuluyan ni Vince na isakatuparan ang kaniyang matagal ng ipinaplano. Bagay na alam niyang dalawa lamang ang tiyak na pupuntahan, masasaktan siya o magiging masaya saya. Pero kahit na walang katiyakan sa mga maaaring mangyari ay naisip niyang ito na ang tamang panahon para roon.

"Sigurado ka bang naiayos mo na lahat, wala ng papalpak sa mga plano natin?" Paniniyak ni Vince sa kausap sa teleponong si Miko, ang isa sa mga bestfriend niya.

"Oo tol, okay na okay na! Promise magugustuhan to ni Elizabeth." Pagmamalaki ni Miko sa sarili, "Kami pa ba? Kailan ba kami pumalya sa pagpapa-impress ng mga chicks? Number one hearthrob ata tong kausap mo."

"Puro ka ganyan, e yung dating ibinigay mo ngang ka-date sa akin muntik na akong i-shotgun marriage ng tatay na pulis!" Pagpapaala ni Vince sa isa sa mga kapalpakan na nagawa ng kaniyang kaibigan.

"Tol, iba yun, matagal na yun. Hindi ko naman din alam na pulis pala tatay nung babaeng yun. Tsaka matagal na yun, wag na natin balikan." depensa naman ni Miko sa sarili nito mula sa nagawang kasalanan sa kaniya. "Ang importante sa ngayon ay iyang si Elizabeth. Isipin mo maigi kung paano mo siya masusurprise sa lalo na at birthday pa niya bukas."

"O sya, sya. Sige na, ako na bahala kay Elizabeth. Ayusin niyo na lang yung iba pang mga kailangan na ayusin. Tatawagan ko na lang kayo kapag may balita na." Dagdag bilin pa niya upang masiguro na walang magiging aberya sa kaniyang mga plano. "Salamat tol ha. I owe you one." Pasasalamat pa niya sa kaibigan bago tinapos ang tawag.

Ilang ulit na nagpalakad-lakad si Vince sa loob ng kaniyang silid at nag-iisip ng magandang dahilan kung papaanong tiyak na mapapapayag si Elizabeth sa inihanda niyang surprise date para sa pagsalubing ng birthday nito. Ano nga bang mas magandang dahilan na sabihin ko para sigurado na papayag siya? O sasabihin ko na lang kaya agad sa kaniya na may surprise ako para sumama siya?

"Hindi, hindi. Wag. Masisira yung surprise kapag sinabi ko agad." Napapakamot sa ulong pagkausap ni Vince sa kaniyang sarili. "Bahala na nga, basta yayain ko na lang."

Nang makakuha ng sapat na lakas ng loob ay idinayal na niya ang numero ng cellphone nito, at ilang saglit lang ay sinagot na iyon ng dalaga. "Hello Vince, bakit napatawag ka?"

"Hi, sorry, naistorbo ba kita?" Agad na tanong niya upang masiguro na hindi siya nakakaabala sa dalaga.

"Hindi naman. You are just in time, kakatapos lang ng klase ko." Sagot naman ni Elizabeth. "Bakit nga pala napatawag ka?" Balik-tanong nito sa kaniya.

"Ahh, eh, kasi... ah, ano kasi sana..." nalilito at nabablangkong tugon niya. Hindi malaman ni Vince kung ano nga ba ang sasabihin o idadahilan upang mayaya itong lumabas ng hindi nito nalalaman ang kaniyang surpresa.

"Yes?" Naghihintay na tugon ni Elizabeth. "Ano ba yung sasabihin mo?"

"Huh? Ah, yeah, by the way, tatanong ko lang kasi sana kung busy ka mamaya. May bagong bukas kasi na restaurant sa uptown, I just want to know if you want to come with me." Pagpapalusot niya. Wala na kasi siyang maisip na dahilan ngayon. Sa tuwing kausap o kaharap kasi niya si Elizabeth ay palagi na lamang siyang nabablangko at natatameme. Tila ba nawawala siya sa tamang pag-iisip dahil masyado siyang nati-tense at laging nagpapanic ang puso niya sa kakaibang presensya na dala ng dalaga.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon