Napuno ng masasayang kaganapan ang naging pamamasyal nina Claire at Vince sa karagatan at sa buong paligid ng Private Island Resort, nasaksihan nilang dalawa ang itinatagong ganda ng buong kapaligirin lalo na ng karagatan at mga likas na yamang nakapalibot rito.
Matapos mag-boat sailing ay huminto sila gitna ng dagat kung saan ay abot tanaw ang kabuuang ganda ng Vienna Villa Private Island Resort, sa ganoong distansya ay mas tunay kang mamamangha at mahahalina sa mala-paraisong lugar. Kung iisipin nga ay para iyong mga tipong makikita mo lamang sa mga Special Effects ng Hollywood Movies, pero ang kaibahan lang ay totoong nag-eexist ang Islang ito, at higit sa lahat ay parte ito ng higit sa libu-libong tinatagong Isla ng Pilipinas. Kahit sinong makasaksi ng ganitong tanawin ay siguradong hindi na gugustuhin pang lisanin pa ang magandang Isla.
Isang pang nakadagdag sa excitement ni Claire ay nang mula sa kinauupan sa Sailboat ay natatanaw niya ang mga Corals at iba'tibang klase ng maliliit na Isda sa ilalam ng dagat, sa sobrang linaw ng tubig ay iisipin mo talagang napakababaw lamang ng kinaroroonan nila na wari ba'y abot tanaw lamang ang lahat sa kailaliman. Nang imungkahi ni Vince na sumisid sila sa ilalim ng dagat ay pilit siyang tumanggi, hindi dahil sa ayaw niyang makasama ang binata, kundi dahil natatakot siyang malunod. Oo nga't marunong siyang lumangoy lalo pa nga at lumaki siya sa probinsya na malapit sa dagat kaya hindi na bago sa kaniya ang paglangoy, kaya nga lang ay kapag inuunahan siya ng kaba at takot ay parang nakakalimutan na niya kung papaano ang lumangoy. Minsan na rin kasi siyang nalunod noong bata pa ng subukan nila nina Ella ang lumangoy sa malalim na bahagi ng karagatn kaya't kahit papaano ay may phobia na siya sa paglangoy sa malalalim na lugar.
Pero makulit at mapilit si Vince, hindi talaga siya tinantanan ng binata, dali-dali siyang binuhat nito ng walang pasabi at walang pasubaling tumalon sa dagat kaya tuloy huli na ng magawa niyang magreklamo, ayun pareho na silang na sa dagat.
"Oh my god! Vince!" gigil na sigaw ni Claire ng makaangat siya sa ibabaw ng tubig.
"See, I told you, mas masarap dito sa dagat kaysa manuod ka lang mula sa sailboat." tumatawang sabi nito na halatang masaya pa sa ginawang kalokohan sa kaniya.
"Baliw ka talaga!" sigaw muli ni Claire. Pero nang mapagtanto niyang na sa malalim na lugar siya ay bahagya siyang nag-panic at muli pa'y parang bumalik ang takot niya sa malalim na tubig at ang alaala ng pagkakalunod niya noon. "Vince! Vince!" nagpapanic na sigaw niya ng makaramdam na para siyang nalulunod.
Mabilis namang nilangoy ng binata ang distansyang nakapagitan sa kanilang dalawa, dali-dali itong nagtungo sa kaniya upang tulungan siya mula sa pagkakalunod. "Hold me, just hold me Claire, don't let go." puno ng pag-aalalang saad ni Vince ng mahawakan nito ang kaniyang kamay at yapusin siya upang tulungang iangat ang katawan sa tubig.
Nang maiyapos ang kamay sa binata at masiguradong hindi na malulunod pa ay saka lang muling nakapagsalita si Claire, "Salamat..." tanging nasambit niya habang habol ang hiningi.
"I'm sorry Claire, hindi ko alam na hindi ka pala marunong lumangoy, I'm really, really sorry." puno ng pagsisisi at pag-aalalang hingi ng tawad ni Vince. Mas hinapit pa nito ang kaniyang katawan kaya tuloy nakulong siya sa sobrang higpit na pagkakayapos ng binata na ang kanilang mga katawan ay magkalapat na sa isa't isa.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng napakahabang panahon na nagkalapit muli ang katawan nilang dalawa ni Vince. At kagaya niya, mukhang maging ito ay tila ba natahimik dahil sa hindi maipaliwanag na sitwasyon na kinalalagyan nilang dalawa. Sobrang lapit nang kanilang mga katawan at dibdib na nakalapat na sila sa isa't isa, ang kanilang mga mukha ay gahibla ang layo sa isa't isa, ang mga mata ni Vince ay nakapako ng tingin sa kaniyang mga mata, ang kanilang noo ay nakadantay sa isa't isa habang kanilang mga ilong ay halos nagtatama na rin. At ang kanilang mga labi, pakiramdam ni Claire ay ibuka lamang niya ang kaniyang labi ay tiyak na tatama na iyon sa labi ni Vince at magkakahalikan na sila.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Ficção Geral(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...