Maganda ang naging simula at takbo ng araw ni Elizabeth simula nang tumapak siya sa Hacienda Cassarina, animo'y gumaan bigla ang kaniyang pakiramdam at nakahinga siya ng maluwag di tulad ng mga nagdaang araw. Bukod sa maaliwalas, at nakakaginhawang simoy ng malamig na simoy ng hangin, nakakaengganyo rin talagang pagmasdan ang mga naggagandahang hilera ng mga pananim gaya na lamang ng Pinya, Strawberry, Grapes at kung ano-ano pa, ang mga mayayabong at nagtataasang iba't ibang puno ng mga Prutas, at ang malawak na paligid na kabuuan ng Hacienda na napapaligiran ng mga bulaklak at mga alagang hayop.
Sa isang bahagi pa ng Hacienda ay matatanaw naman ang isang malinis at luntiang batis sa may bandang kakahuyan, sa may kalapit na bahagi ay ang horse track at ang kuwadra na napupuno nang mga imported at mamahaling mga kabayo na pagmamay-ari ng Pamilya Hendelson. Ngunit ang higit na nakadadagdag ng saya sa Hacienda Cassarina ay ang tila isang malaking Pamilya na turingan ng bawat trabahador. Lahat ng mga makakasalubong nila ay nagbibigay ng matamis na ngiti at magalang na pagbati sa kanila, lahat ay makikitaan ng magandang pagtrato mapa-bisita man o mapakapwa trabahador. Kaya't kahit na sino ang magpunta sa Hacienda Cassarina ay tiyak na hindi gugustuhing lumisan pa.
Ngunit ang higit na nagdudulot ng saya ngayon sa puso ni Elizabeth ay ang makita ang kaniyang mga bibong batang pinsan na nakikipaglaro sa mga batang kamag-anakan ng Pamilya Hendelson, lalo na ang kaniyang Mommy na masaya ring nakikipagkwentuhan sa Mommy at Daddy ng kaniyang soon to be Husband na si Vince habang masaya silang nagba-bonging doon sa Garden. Kakarating lamang kasi ng mga ito sa Pilipinas para dumalo sa pag-iisang dibdib nila ng binatang kasintahan, oo nga't matagal na ring magkakilala ang mga magulang nila pero ito ang unang beses muli na nakadalaw ang kaniyang Mommy sa Hacienda Cassarina buhat ng pumanaw ang kaniyang Daddy at manirahan ang kanilang Pamilya sa Amerika may walong taon na ang nakakalipas.
"O hija, na saan na si Vince, akala ko ba ay susunod siya rito?" Tanong ni Mrs. Hendelson, ang Mommy ni Vince.
"Naku, Tita baka po nakaidlip yun sa kwarto niya. Ang aga pa po kasi niya gumising kanina para sunduin ako sa bahay at ayusin yung mga gamit." Paliwanag naman ni Elizabeth rito.
"I thought you moved together a few months back, or naghiwalay ba kayo?" Nagtatakang tanong naman ng kaniyang Mommy.
"Yes we're still living together Ma." Mabilis niyang paglilinaw sa pagkalito ng mga ito. "Kahapon kasi ay umuwi po muna siya rito sa Hacienda para i-check at masigurado na maayos at kumpleto lahat ng mga kakailanganin sa pag-uwi niyo at sa kasal. So he woke up 2 A.M. and made a long drive mula dito sa Hacienda sa Tagaytay then to our place to get our stuff tapos dumiretso na kami kaninang 6 A.M. sa Airport para salubungin po kayo." Buong litanya na pagbibigay liwanag niya kung bakit maaaring hindi sila nasamahan ni Vince na mamasyal sa kabuuan ng Hacienda matapos silang lahat na makapananghalian.
"Oh I see, he must be really tired today. Sige't hayaan muna natin na makapagpahinga ang Mister mo." Wika ni Mrs. Hendelson kasabay ng isang biro patungkol sa tawag nito sa anak na si Vince.
"Tita naman, hindi pa naman po kami naikakasal. Ayaw ko naman pong i-claim na Mister ko na agad si Vince" Natatawang saway ni Elizabeth sa birong iyon ng kaniyang soon to be mother-in-law.
"Elizabeth, wag mo na ako tawaging Tita," patuloy na pangungulit nito sa kaniya ng hawakan ang kaniyang kamay. "Dapat starting today dapat masanay ka na tawagin mo akong Mommy o kaya Mama kasi hindi magtatagal magiging parte na rin kayo ng Pamilya namin." Malapad ang ngiti sa labi na baling pa nito sa kaniyang Mommy upang kumuha ng dagdag na suporta. "Tignan mo nga't dalawang araw na lang ay ikakasal na kayo rito ng bunsong anak kong lalake na, diba Balae?"
"Oo nga naman Anak, tama itong si Balae, dapat masanay ka na tawagin na rin siyang Mommy dahil kapag nakasal kayo ni Vince sa darating na Linggo ay magiging isa na ang Pamilya natin at magiging dalawa na kami na Mommy mo." Nakangising sang-ayon naman ng kaniyang sariling Mommy kaya't ganun na lamang ang saya ng dalawang Ina.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...