[Flashback]
Dala ng labis na interes sa dalagang si Elizabeth ay masusing inalam ni Vince ang lahat ng detalye tungkol sa dalaga - ang eskwelahang pinapasukan nito, ang trabaho nito maging kung sinong doktor ang pinaka-head nito, mga hilig at di hilig kainin at gawin, pati na nga rin ang klase ng sports at hobbies ng dalaga ay matiyaga niyang pinag-aralan sa pamamagitan ng pag-stalk sa social media accounts ni Elizabeth at ng ilang common friends na mayroon sila.
Ganoon nga ata talaga kapag tinamaan ka ng love at first sight, or at least iyon ang kaniyang iniisip. Buhat kasi ng makita niya ito sa kaniyang birthday celebration may isang linggo na ang nakakalipas ay mas lalong lumalim ang interes niyang makilala pa ng lubusan si Elizabeth. Kung bakit, isa lang ang alam niyang sagot, gusto niya ang dalaga at sisiguraduhin niya na ganoon din ang mararamdaman nito para sa kaniya.
Kaya nga ngayong araw ng Biyernes, matapos ang duty ni Elizabeth doon sa pinapasukang Hospital ay nagpasiya siyang sunduin ito at yayain sanang lumabas. Alam ni Vince na maaari siyang tanggihan ng dalaga dahil hindi naman sila labis na magkakilala pero dahil matalik na kaibigan ng kaniyang Kuya Daniel si Elizabeth ay siguradong mapapapayag naman niya ito. After all, it's just a friendly date. I just really want to her better, that's all. Nothing more; nothing less.
Nang makita niya si Elizabeth palabas ng gate ay agad niyang ini-start ang kaniyang kotse at pinuntahan ito. "Need a ride?" Nakangiting bungad niya ng tumigil sa harap ng dalaga.
"Vince?" Magkasalubong ang kilay na tugon nito habang nakasilip sa may bintana. "Anong ginagawa mo dito?"
"A-ah, galing kasi ako sa... Sa doctor ni Papa." Kinakabahang pagpapalusot niya rito.
"Really?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito habang nakapamewang. Halatang di naniniwala sa kaniyang sinabi.
"Yeah. Anyway, ayun nga, tapos nakita kita bigla." Muli niyang pagdadahilan kahit pa ang totoo ay nauutal na siya dahil di naman talaga siya sanay na magsinungaling. "Ikaw saan ka pala papunta?" Balik-tanong niya upang ibaling ang atensiyon sa dalaga.
"Pauwi na." Sagot nito, "Una na ako ha, bye!" Mabilis na paalam nito at saka nagsimulang maglakad papalayo sa kaniya.
"Elizabeth, wait!" Sigaw niya habang bumubusina. At nang tumigil ito ay muli niyang inalok ang dalaga na ihahatid na niya ito pauwi. "Let me drive you home, gabi na, baka kung mapaano ka pa sa daan. Alam mo naman na sa panahon ngayon maraming---"
Pero hindi pa man siya nakakatapos magsalita ay agad sumabat ang dalaga, "I have a driver." Natatawang turo nito sa nakaparadang itim na kotse na may naghihintay na isang lalakeng nakauniporme. "Don't worry about me Vince. Have a good night." Paalam pa muli nito sa kaniya.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang pagmasdan na lamang papalayo ang imahe ng dalaga mula sa makasakay si Elizabeth sa loob ng kotse hanggang sa tuluyang makaalis ang sinasakyan nito. "Damn it! Bakit ba hindi ko agad naisip na baka may sasakyan siya or service? Vince, vince, what were you thinking?!" Naiinis na saway niya sa sarili.
At dahil napurnada ang kaniyang plano na yayain sa isang friendly date ang dalaga ay naisip ni Vince na gumimik na lamang kasama ang kaniyang mga ka-tropa. Tutal ay semestral break naman kaya't wala siyang mga dapat na alalahanin kundi ang magpakasaya at i-enjoy ang bakasyon. Isa pa ay makakatulong siguro na humingi siya ng mga tips sa kaniyang mga ka-tropa kung papaano nga ba talaga manligaw.
Sa history ng lahat ng nakarelasyon ni Vince, short time man o medyo long time, lahat ng babaeng iyon ay hindi niya niligawan. Ang iba ay mga kusang nagpaparamdam na gusto siya ng mga ito, meron namang iba na diretsahang aamin na gusto nilang maging girlfriend niya, at meron din namang iilan-ilang mga babae na tahasang sinasabing gusto lamang nilang matikman kung gaano siya kagaling romansa sa kama. At dahil nga lalake lang siya, binata, at walang karelasyon kaya pinagbibigyan nya ang ilan sa mga ito.

BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Aktuelle Literatur(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...