"Thank you, Mr. Chan, rest assured that we will send you all the necessary documents as soon we finalize them." Magalang na pasasalamat ni Vince kay Mr. Chan mula sa linya ng telepono, isa ito sa mga bagong interesadong investors ng Hendelson Prime Price Holdings Inc.
"It's our pleasure Mr. Hendelson, I'm sure I made a good investment." masayang tugon naman nito na halatang hindi maikubli ang excitement ngayong malapit ng maisakutaparan ang plano nito na maibenta sa Hendelson Empire ang isa sa mga malalaking lupain nito sa Davao.
"And so are we Mr. Chan, I'm positive that this investment will bring fortune to both of our companies." pagsang-ayon naman niya sa sinabi ng Chinese businessman. "Surely, this is going to be the start of good partnership between Hendelson Empire and your IXS Zhou Group Inc."
"It surely is, I couldn't agree more." anito kalakip ng masiglang pagtawa. "Anyway, I have another meeting to attend to, just send me the documents once you have them ready. Have a good day."
"Yes, Mr. Chan, I will. Have a good day too." ani Vince bago natapos ang pag-uusap nilang iyon.
Ang IXS Zhoup Group Inc. ay kilala bilang isa sa mga malalaking Chinese owned Company rito sa Pilipinas at sa China kaya't magiging malaking tulong sa Hendelson Empire ang bagong investment partnership na ito at mas lalong mapapatatag, mapapagtibay, at lalawak ang presenya ng lahat ng business company na pag-aari ng Hendelson Empire sa China.
Matapos na makipag-usap kay Mr. Chan, ang owner at CEO ng IXS Zhou Group, ay agad na pinuntahan ni Vince ang kapatid nitong si Daniel na siyang namamahala ng lahat ng Real Estate at Construction ng mga Buildings, Malls, at lahat establishments na itinatayo ng Hendelson Empire para komunsulta rito tungkol sa update ng initial blueprint draft ng baong Mall na plano niyang itayo sa bibilhing lupain sa Davao.
"Hi, Natasha." nakangiting bati niya sa isa sa mga executive assistant ng kapatid na si Daniel, "Is Daniel here?"
"Wala po Sir Vince, kakaalis lang din po niya ngayon nagkasalisi lang po kayo, mga 5-10 minutes ago lang po." tugon naman nito na halatang nagpapa-cute pa sa kaniya.
"Saan daw siya pupunta?" pag-uusisa niya lalo pa't medyo importante ang pakay niya sa kapatid kaya't gusto niya itong makausap agad.
"Sa Site po Sir, yung dito sa may Makati Business Center lang po, may mga kailangan lang daw po kasi ikonsulta si Sir Daniel sa mga Architect." bigay imporma naman ni Natasha na noo'y titig na titig pa rin sa kaniyang mukha.
Simula ng pamunuan ang isa sa mga Business Unit ng sa Hendelson Empire ay maraming beses na ring napansin ni Vince ang patuloy na pagpapa-cute ng mga dalagang empleyado ng kanilang kompanya sa kaniya kahit pa nga alam naman na ng lahat ng malapit na siyang ikasal sa kasintahang Elizabeth. At hindi lang sa kaniya kundi maging sa kaniyang mga kapatid na lalake ay nagpapa-cute at nagpapacharming ang mga ito, bagay na nakasanayan na lang nila.
"Sige salamat, tatawagan ko na lang siya." tugon na lang ni Vince kay Natasha. Pero nang akmang papaalis na siya sa opisina ni Daniel ay nakarinig siya ng boses ng mga bata sa loob ng opisina ng binatang kapatid. "Sinong nasa loob ng office ni Daniel?" nagtatakang tanong niya sa dalagang sekretarya.
"Ah, si Erika po tsaka yung dalawang cute na kambal na babies." tugon naman ni Natasha.
"That's weird, why would they be here? " kunot noong komento ni Vince at saka pumasok sa opisina ni Daniel. Pero ang labis na ipinagtaka niya ay hindi ang mga pamangkin niya na anak ng kaniyang Kuya Chris at nang asawa nitong si Amanda ang kaniyang matagpuang naroroon, "Whose kids are those?" nagtatakang tanong niya kay Erika na kasama ng dalawang bata.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...