Simula noong nakaraang tagpo nina Claire at Vince dalawang araw na ang nakalilipas ay hindi na mawaglit sa isipan ng dalaga ang labis ng dalaga ang labis na pagkabagabag tungkol sa nalalapit muli nilang pagkikita ng binata. At hindi lang iyon basta simpleng pagkikita dahil magsasama nila nito sa loob ng dalawang araw sa isang Pribadong Beach Resort bilang parte ng kani-kanilang mga trabaho, idagdag pang wala silang ibang mga kasama na katrabaho o kapamilya kundi sila lamang dalawa.
At dahil wala na siyang ideyang maisip ay tinangka niyang humingi ng tulong sa bestfriend na si Daniel, kaya nga lang ay nagkataon na nasa Japan pala ito sa kasalukuyan upang umattend ng isang wedding ceremony ng isa sa mga malalapit na kaibigan nito kung kaya't pinili niyang huwag ng bigyan pa ng alalahanin ang binatang kaibigan. Nang lumapit naman siya sa boss at kaibigan na si Amanda ay sinabi nitong na sa sakanya ang desisyon kung nais ba niyang tanggapin at ituloy ang nasabing proyekto para sa kliyenteng si Mr. Thomas-Johnson o tanggihan na laman iyon at mag-move on sa ibang mga proyekto na hawak niya, ngunit kahit na ganoon ay binigyan rin siya ni Amanda ng paalala na maging maingat sa kaniyang magiging desisyon lalo't kaakibat ng kaniyang desisyong pipiliin ay ang magiging imahe ng El Soltero Publishing at ng kaniyang trabaho.
Nang wala ng maisip at matakbuhan ay napilitan na si Claire na lapitan ang kaibigang si Ella kahit pa nga noong una'y ayaw niyang magbahagi rito dahil ayaw naman na din talaga niya sana na may iba pang taong maiinvolved sa kaniyang personal na problem. Pero sa huli'y hindi na rin talaga niya kinaya ang lahat kaya naman lumapit na siya sa kaniyang bestf riend, at bagama't nakapag-usap na sila at nakapagbahagi na siya ng tungkol sa kasalukuyang suliranin ay hindi pa rin talaga siya mapakali kaya naman agad siyang tumawag rito upang yayain na makipagkita sa kaniya at makapag-usap ng personal.
"E teh ano ngang gagawin ko?!" hinging tulong ni Claire sa kaibigang si Ella habang kausap ito sa kabilang linya ng telepono. "Wala na akong maisip na palusot o dahilan para lang hindi kami magkasama ulit ng lalakeng yun." Hindi na kasi niya maikubli ang labis na kaba at takot lalo pa't katatawag lamang sa kaniya ng sekretarya ni Mr. Michael Thomas-Johnson upang ipaalala sa kaniyang muli na ang schedule nila ng pagbisita ni Vince ay itong darating na weekend na, at dahil Biyernes na ngayon, meron na lamang siyang ilang oras na upang makaisip ng dahilan para hindi sumama.
"Teka lang wait, mag-iisip ako." ani Ella at wala pa mang limang segundo ang lumilipas ay muli na itong nagsalita, "Nasaan ka ba ngayon?"
"Dito pa sa may The Fort, kakatapos lang ng meeting ko. Pabalik pa lang ako ng office ngayon." tugon ni Claire habang hinihintay na magsignal ang green walk-light para makatawid siya sa kabilang bahagi ng intersection kung saan siya sasakay ng Taxi, wala kasi siyang dalang sasakyan ng araw na iyon.
"Ah okay, okay, very good." pagsang-ayon naman ni Ella na bahagyang napapatawa mula sa kabilang linya ng telepono, "May naisip na akong perfect idea."
"Ano?" curious na tanong niya habang nilalaro ng daliri ang dulo ng kaniyang buhok.
"Kapag nakakita ka ng sasakyan diyan salubungin mo agad." malakas ang pagtawang suhestiyon ni Ella, "Pero wag ka naman pasagasa ng very hard beshy, yung keri lang tapos mag-emote kang hospital kineme para may dahilan ka na hindi sumama bukas." dagdag pang paliwanag nito kasabay ang hindi matigil na malakas na pagtawa.
"Ewan ko sayo, bruha ka talaga!" gigil na bulyaw niya sa kaibigan. "Kahit kailan talaga hindi ka makausap ng matinong babae ka. Kung ikaw kaya sagasaan ko mamaya?!" pabirong banta pa niya rito."
"Wit, di pwede beshy, mababawasan ng magaganda sa mundong to! Kakaunti na nga lang kami dito sa Pilipinas noh?!" pamimilosopo pang tugon ng dalaga sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...