Lumipas ang weekends ng Sabado at Linggo at nakabalik ng muli sina Claire at ang kaniyang mga anak mula sa tatlong araw na trabaho't bakasyon sa Vienna Villa Private Island Resort kung saan ay personal nilang binisita ng binatang si Vince ang lugar bilang bahagi ng kani-kanilang business deals para sa kliyenteng si Mr. Michael Taylor-Johnson, isang professional doctor at kilala ring businessman mula pa sa America at nagmamay-ari ng mga properties and business ventures dito sa Pilipinas.
Ngayon ay balik trabaho nang muli siya sa El Soltero Publishing, at ang unang bagay na pinagtutuunan niya ng atensyon ay ang paggawa ng article para sa magazine featurette ng Vienna Villa upang bigyan ng dagdag na promotion ang Resort lalo na sa mga nasa Alta Siyudad.
"Ano ba yan wala talaga akong future sa pagiging photographer!" Naiinis at napapakamot sa ulo na reklamo ni Claire sa kaniyang sarili nang paulit-ulit na binabalikan ang mga sariling kuhang larawan. Paano ba naman kasi ay kahit na anong gawin niyang kaka-scroll ay wala siyang makitang magandang kuha na tutugma sa article na isinusulat niya, wala iyong klase ng litrato na talaga namang magpapakita sa ganda ng Isla at magbibigay buhay at anyaya sa mga makakabasa ng article. "Anong gagawin ko nito ngayon?!" Napapasimangot na reklamo niya habang nag-iisip ng magandang ideya. "Isip, isip, isip Claire..." utos niya sa kaniyang saril.
Ngunit bigla namang naputol ang pagmamaktol niyang iyon ng mag-ring ang kaniyang cellphone. At nang pagtingin niya sa screen ay pangalan ni Patrick ang nakarehistro doon kaya naman agad niya iyong sinagot.
"Hello Tito Pogi!" Nakangiting asar na pagbati niya sa binata, iyon kasi ang nakasanayang tawag nina Lucho at Dreico kay Patrick kaya naman maging sila ay napapagaya na rin.
"Hello Pretty Girl!" Magiliw na tugon naman ni Patrick na halatang hindi maikubli ang malaking ngiti sa labi base sa tono ng boses nito. "How's your morning my beautiful sunshine? Did i disturb you?"
"No, not at all." Tanggi naman ni Claire. Sa totoo lang ay natutuwa din siya sa presensya ng binata. "Pero bakit nga pala biglang napatawag ka?" Tanong niya rito, hindi naman kasi basta-basta lang tumatawag si Patrick ng walang pasintabi lalo't alam naman nito na oras ng kaniyang trabaho ngayon.
"Oh about that, actually, naalala ko lang kasi na baka kailangan mo ng mga copies ng pictures na kinuha ko noong nandun tayo sa Resort." Bigay impormam ni Patrick sa dahilan ng pagtawag nito ngayon. "You know, baka lang kasi makatulong sayo if ever you need another point of view shots."
Tila naman bituan sa tala na biglang nagningning ang mga mata ni Claire ng marinig ang mensaheng iyon mula kay Patrick, pakiramdam tuloy niya'y isa itong anghel na hulog ng langit upang sagutin ang kaniyang suliranin. "Syempre naman! Sige, sige!" Excited pa niyang tugon na hindi mapigil ang labis na pagkatuwa. "Sobrang thank you Patrick! Hulog ka talaga ni Papa Jesus sa akin! Ipagpipray kita sa Quiapo at sa lahat ng simbahan para i-bless ka pa ng sobra!" Eksaherada niyang pasasalamat rito.
Di tuloy mapigilan ni Patrick ang tawa dahil sa kaniyang sinabi, "Thanks Claire, that's very sweet of you." Bigay pagtangi nito, "Pero tingin ko wala naman na akong hihilingin pang blessing dahil na sa akin ka na." Pahabol na pambobola pa ng binata.
"Ay nako Patrick ha ang aga-aga pa ha, mamaya mo na ako bolahin at baka mabalis kita!" Natatawang biro naman ni Claire upang iwasan ang pahaging na iyon ng binata na alam na alam naman niyang labis ang pagpaparamdam ng paghanga sa kaniya.
"Totoo naman yung sinasabi ko. Ikaw lang sapat na." Malambing pa ring sambit ni Patrick. Mas bokal na rin kasi ito sa pagpapahayag ng pagtingin sa kaniya. "Anyway, wanna meet up for lunch or dinner? Para naman mabigay ko na rin sayo tong copies ng photos."
![](https://img.wattpad.com/cover/75804319-288-k539413.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...