Habang busy si Claire sa pagta-type at pagchi-check sa laptop ng mga Sales Report, Account Updates, at Competitors Record and Sales Take-off ng mga hinahawakan niyang Accounts ay hindi na niya namamalayan pa kung anong mga nagaganap sa kaniyang paligid. Kung tutuusin ay karaniwan na talaga sa kanilang opisina ang pagiging busy ng lahat ng mga na sa Sales & Marketing Department sa tuwing magkakatapusan ng buwan, ito kasi ang araw kung saan ay nagrereport sila sa President ng El soltero Publishing at siya ring tumatayong Editor-in-Chief na si Amanda Vergara-Hendelson.
Bukod sa nagaganap na monthly report ay kasabay rin niyon ang pagbibigay ng dalaga ng mga perks and incentives para sa mga empleyadong nakakaabot ng quota, bagay na talaga namang higit na nagdudulot ng excitement sa lahat at mas lalong nagbibigay motivation para mas pag-igihin nilang lahat ang kanilang trabaho. At dahil nga nabibilang na ito sa angkan ng Hendelson mula ng mapangasawa ang panganay sa magkakapatid na si Chris Hendelson ay mas lalong nadagdagan ang angking yaman at impluwensiya nito sa Business Industry, kaya naman ang mga incentives na ipinamimigay nito sa bawat empleyadong nakaka-achieved ng Quota ay masasabing higit na kaaya-aya at talaga namang pinagkakagastusan.
Pero agad na naantala ang pagka-busy na iyon ni Claire ng mula sa kung saan ay biglang humarang sa harapan ng monitor ng kaniyang laptop ang isang bouquet ng red roses. Gulat na napaurong pa siya mula sa kaniyang table at agad na napatingala upang tignan kung saan nagmula ang mga rosas na iyon.
"I-ikaw..." napatulala at nauutal na wika niya... "B-bakit, paanong..."
"Hi Beautiful." Nakangiting wika ng binatang si Patrick na may dala ng bulaklak. "Flowers for you."
At dahil nakalahad na sa harapan niya ang bouquet ng roses ay hindi na niya nagawang tanggihan pa iyon, "Salamat..." tanging nasambit niya at saka pasimpleng sinamyo ang nakakahalinang amoy na dulot ng mga namumukadkad at pulang-pulang rosas.
"Ito rin pala chocolates for you." nakangiting sambit pa ni Patrick ng iabot sa kaniya ang isang box ng mamahaling chocolates.
"Thank you." tanging nasambit niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi siya maka-recover sa biglaang pagsulpot nito sa kaniyang harapan at mas lalo pa na doon pa ito diretsong bumisita sa kanilang opisina.
"Syempre idagdag mo na din to." nakangising wika ni Patrick ng mula sa kung saan ay inilabas nito ang isang kulay puti at medium size teddy bear.
"H-huh? Wag na, okay na tong mga to hindi naman ako mahilig sa mga---"
Pero sa halip na pakinggan siya ay agad na inilapag iyon ng binata sa isang bakanteng lugar sa kaniyang table, "Ayan, nandiyan na siya, wala ka ng magagawa." nakatawang saad nito, "Lagay mo na lang siya diyan para naman kapag malungkot ka or stress tapos makikita mo yan ay maaalala mo agad kung gaano ako ka-cute."
Nang dahil sa sinabing iyon ng binata ay hindi napigilin ni Claire ang sarili na mapangiti, "Hay nako, ewan ko sayo..." aniya na napapailing at kunwari'y dinededma ang pagpapa-cute na ginagawa ni Patrick sa kaniya.
"Awww, hindi mo ba ako na-miss?" anito ng nagkukunwaring malungkot ng ekspresyon sa mukha at nagpapa-beautiful eyes pa habang nakasandal sa ibabaw ng diveder sa kaniyang harapan. "Excited pa naman akong makita ka Claire."
Bigla'y nabalot ng mga pang-aasar ang buong lugar mula sa mga katrabaho niya na hindi maikubli ang nadaramang kilig habang nakamasid at nakikinig sa kanila ni Patrick. Hindi tuloy napigilan ni Claire ang mag-blush dulot ng labis na pagkahiya sa mga nagaganap. Kung sabagay, sino nga ba namang hindi kikiligin kung biglang makikita mo na ang isang sikat at saksakan ng gwapong International Supermodel na karaniwan lamang makikita sa mga cover ng magazine, TV commercials, at mga high-end runway fashion show ay biglang lilitaw sa harapan mo at daldalhan ka ng kung ano-ano na akala mo'y umaakyat ito ng ligaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/75804319-288-k539413.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...