[Flashback]
Mabilis na lumipas ang isang taon buhat ng maging magkasintahan sina Vince at Elizabeth. Kasabay rin niyon ay ang malaking pagbabago sa buhay nilang dalawa.
Si Vince ay mas naging aktibo at masipag sa pag-aaral, naging mataas ang mga grado ni sa eskwela, nawala na rin ang bisyo nito gaya na lang ng pag-iinom, paninigarilyo, at ang palaging pag-gimik kasama ang barkada. Naging mailap na rin ito sa lahat ng mga babaeng nagbibigay ng kakaibang pahiwatig, di tulad noon na pinagbibigyan niyan ang kahit sino na lalapit o lalandi sa kaniya para sa isang gabi sa kama o kaya'y relasyon na hindi seryosohan.
Si Elizabeth naman ay focus pa rin sa eskwela lalo ngayong na graduate na ang dalaga sa kurso ng Nursing at kasalukuyong nagpapatuloy sa pag-aaral ng Medesina, mas higit na demanding na sa oras at effort ang pag-aaral nito ngayon kaysa noon. Idagdag pa ang oras ng internship nito sa isang kilalang Hospital na pagmamay-ari ng pamilya nito. Kaya naman hangga't maaari ay hindi binibigyan ng stress ni Vince ang dalaga.
Oo nga't may mga pagkakataon na nagkakaroon ng tampuhan ang dalawa, bagay na natural at hindi maiiwasan sa isang relasyon, pero kahit na ganoon ay di na hinahayaan pa ni Vince na lumaki o tumagal ang tampuhang iyon. Higit na importante sa binata ang relasyon nila ng dalaga kaya handa siyang ibaba ang pride upang huwag lamang itong mawala sa kaniya. At isa rin iyon sa mga bagay na natutuhan ni Vince ng pumasok sa relasyon sa dalaga, natutuhan niyang alisin ang pagiging makasarali, natutuhan niya na ibaba at kainin ang pride para rito, at natuto rin siyang pahabain ang pasensiya at pag-unawa para sa dalaga.
Isa pa sa mga bagay na higit na ipinagpapasalamat ni Vince ay ang buong pusong pagtanggap ng mga pamilya nila ni Elizabeth sa kanilang relasyon, kahit pa nga matanda ng dalawang taon sa kaniya ang dalaga ay hindi naging handlang iyon sa kanilang pag-iibigan. Mabuti ang pakikitungo ng buong pamilya niya sa dalaga at ganoon rin naman ang Daddy at Mommy nito sa kaniya. At naging mabuting magkaibigan rin ang kanilang pamilya, bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat.
Madalas pa nga kung biruin siya ng Daddy ni Elizabeth kung kailan ang kasal nilang dalawa o kaya naman ay bigyan raw nila ito ng maraming apo, bagay na idinadaan na lamang nila sa tawanan at asaran.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na akin ka na, na girlfriend na kita." Ani Vince habang minamasahe ang ulo at hinahaplos ang buhok ni Elizabeth na noo'y nakapatong sa kaniyang dibdib at nagpapahinga pagkatapos nilang pagsaluhan ang isang mainit na pagtatalik sa Hotel na kanilang tinuluyan matapos na i-celebrate ang 1 year Anniversary nila.
"Bakit naman?" Simpleng tugon ng dalaga habang nakayapos sa kaniya at nilalaro at hinahaplos ng mga daliri ang kaniyang six-pack abs.
"Syempre, sino bang mag-aakala na papatulan mo ako, bukod sa mas bata ako sayo ng dalawang taon at sa pagiging playboy ko, hindi rin ako ang klase ng lalake na pwedeng tumapat sa talino at ganda mo. Wala naman akong ibang maipagmamalaki bukod sa apelyidong dala ko at sa yaman ng pamilya na kinabibilangan ko." Bigay paliwanag ni Vince sa kaniyang tinuran. Kahit kasi isang taon na sila ng kasintahang si Elizabeth ay di pa rin niya maiwasan kung minsan ang ma-insecure sa sarili lalo na kapag may mga bagay na pakiramdam niya ay kaya niyang gawin o ibigay bilang boyfriend nito.
"Kailan mo ba mari-realize sa sarili mo na marami kang magagandang qualities at maraming bagay sayo na dapat ika-proud mo." Ani Elizabeth ng bumangon ito sa pagkakahiga sa kaniyang braso at saka pumaibabaw sa kaniya ng padapa. "Gwapo ka, macho, matalino, masipag, magalang at masunurin na anak. Tapos loyal boyfriend, super sweet and caring, honest at faithful lover. At maraming-marami pa, the list goes on and on, hindi sapat ang isang buong araw para sabihin ko sayo kung anong mabubuting qualities mo ang hindi mahahanap sa iba o kayang ibigay ng kahit sinong lalake. You are one of a kind, and that's why I love you babe." Dagdag paliwanag pa ng dalaga sa mga bagay na nagustuhan nito sa kaniya bilang isang boyfriend.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...