Matapos ang trabaho ay dumiretso na si Claire sa Vikings kung saan ay ginanap ang Birthday celebration ng kaibigang si Aly, ang babaeng driver ni Daniel na naging kaibigan nila ni Ella noong namamasukan pa sila sa Hacienda Cassarina bilang mga katiwala. Mabuti na nga lang at walang gaanong traffic kaya't hindi naghintay ng matagal sina Ella at Aly sa kaniyang pagdating, dumaan pa kasi siya sa isang boutique upang ibili ng regalo ang dalaga dahil panandaliang nawala sa kaniyang isip ang tungkol sa kanilang pagkikita dahil sa dami ng kaniyang trabaho, buti na nga lamang at tumawag si Ella sa kaniya kanina kaya't naalala niyang muli ang tungkol sa kanilang Girl's nightout.
Matapos ang pagkain ng iba't ibang mga masasarap na putahe sa Vikings ay nagkayayaan na rin silang magkakaibigan na dumaan at tumambay sa isang karaoke bar para mag-inom ng kaunti at ituloy ang kanilang kasiyahan at kwentuhan, tutal naman ay kaarawan ni Aly at matagal-tagal na rin ng huli silang nagkasamang tatlo kaya't walang pagdadalawang-isip na pinagbigyan nila ang kaibigan.
Ang pinakamagandang surpresa pa ay ng biglang dumating si Daniel sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan dala ang regalong binili para kay Aly. Syempre pa'y mas lalong naging masaya at maingay ang kanilang kwentuhan at pagkakantahan dahil may katagalan na rin buhat ng nakasama nila ang binata lalo pa nga't naging busy ito ng husto sa panliligaw kay Erika, ang Executive Assistant nito sa Hendelson Empire, kaya imbes tuloy na isang bucket lang ng beer ang kanilang iinumin ay nauwi iyon sa dalawa at nadagdagan pa ng mga masasarap na pulutan na iniorder ni Daniel.
Idinagdag na rin nila sa kanilang celebration ang nalalapit na planong pagpo-propose ni Daniel sa kasintahan nito at ang nalalapit na pagtatrabaho ni Ella sa Hendelson Empire bilang bagong Executive Assistant ni Daniel para daw sa oras na ikasal na si Erika at Daniel ay hindi na mahihirapan pa si Ella sa mga gawaing iiwanan ni Erika. Kaya naman naging mas lalong masigabo't masaya ang kanilang triple celebration at bonding .
Nang matapos sila sa pagkakasiyahan ay halos pasado alas-diyes y'media na, hindi na rin sila humirit pa ng panibagong order ng maiinom dahil pare-pareho silang may mga pasok sa trabaho. Sabay na umuwi si Daniel at Aly at si Erika naman ay sumabay na kay Claire papauwi dahil sa iisang subdivision naman na sila nakatira ngayong nakalipat na nga ang buong pamilya ni Ella matapos maibenta ang maliit na sakahan ng pamilya nito.
"Girl dahan-dahan lang pagda-drive ha, ayoko pa ma-shigpay ng maaga." seryosong paalala ni Ella habang nasa hi-way na sila sakay ng sasakyan.
"Gaga, hindi naman ako lasing. Nakaisa't kalahating bote lang ako ng San Mig light." irap ni Claire sa kaibigan habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagmamaneho.
Totoo naman ang sinabi niya, kaunti lamang ang nainom niya dahil alam niyang magmamaneho pa siya papauwi. Isa pa'y hindi naman din talaga siya nahihilo o tinamaan man lang sa isa't kalahati ng alak na nainom niya, masyado lang talagang nerbiyosa itong si Ella dahil nga minsan na silang naaksidente habang sakay ng tricyle noong High School papauwi, nagkataon kasi na lasing pala ang tricycle driver na nasakyan nila noon.
"So ano na, anong plano mo diyan sa darating na kasal ng ex-lover?" tanong ni Ella habang nananalamin ito at nag-aayos ng sarili. "Sa Linggo na yun diba, may five days ka na lang tapos ba-boo ka na sa Papa Vince mo."
"Hay nako, sa totoo lang hindi ko rin talaga alam..." isang malalim na buntong hininga na sagot niya, "Pero sabi naman ni Daniel kanina nag-uusap na sila nina Sir Chris at Ms. Amanda tungkol sa plano tungkol doon." kibit-balikat na sagot niya ng maalala ang huling sinabi ni Daniel bago sila maghiwalay kanina mataas ang party.
"Eh paano kung di mag-work yung plano nila, anong plano mo?" muling usisa ni Ella habang nakaharap pa rin ito sa salamin at nagsusuklay ng buhok.
![](https://img.wattpad.com/cover/75804319-288-k539413.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...