Chapter 14 - [Claire]

4.5K 87 8
                                    

Pagdating ni Claire sa kanilang bahay ay nagmamadali siyang bumaba sa kotse at saka agad na pumasok sa loob ng bahay at hinanap ang kaniyang anak.

"Ma... mama!" Nag-aalalang tawag ni Claire sa kaniyang Ina ng pagpasok niya sa loob ay hindi ito makita kahit roon o sa kahit na saang silid.

Dahil doon ay magkahalong kaba at labis na takot ang agad na bumalot sa kaniyang dibdib lalo pa nga't hindi maganda ang mga pangyayaring naganap sa kaniya kani-kanina lamang ng halos muntikan magkrus ang landas nila ng dating among si Vince at ang nagbabalik mula sa nakaraan na dating kasintahan nito na si Elizabeth.

"Nasaan na kaya ang mga iyon?" Kinakabahang tanong ni Claire sa sarili ng hindi makita ang Ina at anak. Hinanap na rin niya ang mga ito sa kalapit na playground pero wala ni anino ng mga ito roon.

Saan naman kaya pupunta sina Mama at bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Saan niya dinala ang bata? Nababahalang tanong niya sa isipan habang nakaupo roon sa harapan ng kanilang garden sa labas ng pintuan at patuloy na nag-iisip ng maaaring paroroonan ng mga ito.

"O, nariyan ka na pala, ang aga mo naman atang nakauwi ngayon?" saad ng isang pamilyar na boses na siyang pumukaw ng atensyon ng dalaga.

Pagtingala ni Claire ay nakita niya ang kaniyang Ina habang tulak-tulak sa stroller ang natutulog na anak niya. "Diyos ko mahabaging Panginoon." bigkas niya at nagmamadaling tinungo ang natutulog na bata. "Saan ba kayo nagpunta Ma? Kanina pa ako hanap ng hanap sa inyo, kung saan-saan na ako nagpunta pero hindi ko kayo makita." magkahalong pag-aalala at munting pagkainis niya dala ng labis na takot sa isiping maaaring may hindi magandang nangyari sa mga ito.

"Nagpunta lang naman kami doon sa kabilang kalsada, birthday kasi ni Lorna yung matandang biyuda na palagi kong kakwentuhan, eh may kaunting handaan kaya niyaya ako pumunta. Hindi ko naman matanggihan at alam mo namang isa iyon sa mga unang nagmabuting loob sa atin noong bagong lipat tayo rito, syempre hindi ko rin naman maiwan itong apo ko kaya isinama ko na rin." paliwanag naman ng kaniyang Ina sa dahilan ng pagkawala ng mga ito.

"Ma, diba mahigpit na bilin ko sayo na kahit saan ka magpunta tatawagan mo ako para alam ko kung nasaan kayo. Paano na lang pala kung may masamang nangyari sa inyo tapos hindi ko alam?" nababagabag pa rin niyang bigay pagpapaalala sa mahigpit na bilin sa Ina.

"Pasensya na anak ha, nawala kasi sa isip ko." nahihiyang hinging paumanhin nito. "Eh taka nga, bakit ba parang mukhang kabadong-kabado ka at para kang namumutla sa takot, may problema ba anak?" nag-aalalang tanong nito ng mapansin ang kakaibang kilos niya ng mga sandaling iyon.

"H-ha, a, wala naman Ma. Nag-alala lang po talaga ako ng hindi ko kayo makita rito sa bahay pag-uwi ko." kunwaring pagpapalusot niya upang hindi na bigyan ng kung anong alalahanin ang kaniyang butihing Ina.

Kung tutuusin ay hindi naman masisisi ni Claire ang kaniyang Ina kung nagawa nitong lumiban pansamantala, bukod sa wala kasi itong ginagawa maliban sa pagbabantay sa kaniyang anak at paglilinis ng bahay at pagluluto ay wala na itong ibang mapaglilibangan pa. Siya ay pumapasok sa Opisina habang ang tatlo naman niyang kapatid na lalake na sina Oyet, Mako, at Niko ay oumapasok naman sa eskwela. Isa pa'y tama naman ang tinuran ng kaniyang Ina, isa si Mrs. Lorna sa mga unang naging kapalagayan nila ng loob noong lumipat sila sa tinutuluyang subdivision, noon kasi ay ito pa ang Presidente ng Home Owner, kaya nga lang ay nagkaroon ng sakit ang matanda at kinailangan nitong bitawan ang posisyon upang magpagaling.

"O siya sige, tara na sa loob at nang makapaghanda na ako ng para sa hapunan natin, maya-maya lang ay darating na ang mga kapatid mo at siguradong pagkain na naman ang unang hahanapin ng mga iyon." anang kaniyang Ina, "Ikaw na ang magpasok sa mga bata ritos a loob ha." utos pa nito at saka nauna ng pumasok sa loob ng bahay.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon