Chapter 25 - [Claire]

3.8K 81 12
                                    

Hindi pa man nakakalipas ang isang minuto ay nag-ring bigla ang phone ni Claire, at dahil may auto-connect loudspeaker ang kaniyang sasakyan ay kusa na iyong sasagot ng tawag kahit nagmamaneho siya. "Hello, who's this?" tanong niya ng mapansin na numero lamang ang nag-appear sa kaniyang screen.

"It's me Patrick." masayang tugon nito mula sa kabilang linya. "Oopppss, bago ka umangal just slow down first and focus on your driving at medyo bumibilis ang takbo mo." imporma pa nito.

Naiiling at napabuntong hininga na lang si Claire at sinunod ang sinabi ng binata na huwag siyang magmadali sa pagdarive dahil may problema ang kaniyang makina at baka tumigil na naman siya. "O ayan okay na ba? May iuutos ka pa?" pagtataray niya rito.

"Wala na po commander." natatawang sagot nito. "Just drive safely, nasa likod mo lang ako, susundan kita hangga't safe kang makauwi sa bahay mo."

Nagulat naman si Claire sa sinabing iyon ni Patrick, Huh?! A-ano raw? Susundan niya daw ako hanggang sa makauwi? Ano na naman bang tumatakbo sa kukote nitong mokong na to? Agad siyang nagdalawang-isip sa intensyion nito lalo pa't gusto nito na malaman kung saan siya makatira, bigla tuloy siyang nagduda sa motibo ng binata "Salamat sa offer Patrick pero okay lang ako, kaya ko na." mabilis niayng tanggi. "Hindi mo na ako kailangan pang---"

"No more excuses now Claire. Susundan kita at ihahatid sa ayaw at gusto mo, I'm not some stalker or some weird guy who wants to harm you dahil kung may masama akong balak sayo dapat kanina ko pa ginawa yun, all I want is to make sure you get home to your family safe and sound. Ayaw ko lang na mag mangyaring hindi maganda sayo so wag mong pagdudahan ang motibo ko." sinserong at seryosong pagpupumilit na pangangatwiran ng binata habang patuloy ito sa pagsunod sa kaniya. "Besides, masama ang panahon, may sira ang sasakyan mo, at gabi na rin kaya gusto ko lang makasiguradong wala ng magiging problema. That's all."

"Pero Patrick kaya ko ang sarili ko, alam ko kung anong---"

"Just drive Claire. I will be watching you from behind." anito saka ibinaba ang tawag.

Nang tawagan ni Claire ang numero ng binata ay nirereject lamang iyon ni Patrick. Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang magdrive at hayaan ang binata sa gusto nitong mangyari, sa totoo lang ay maraming negatibong bagay na ang naglalaro sa kaniyang isipan tungkol sa lalakeng ito pero kahit na ganoon ay gusto niyang bigyan ng benefit of the doubt si Patrick dahil sa kabutihang loob na ipinapakita nito sa kaniya. Isa pa'y kung may gagawin mang itong hindi maganda ay madali niyang mairereport ang binata dahil kilala ito nina Amanda at Chris, at bukod pa roon ay kilala ring sikat na supermodel si Patrick kaya't hindi magiging mahirap para sa kaniya na hagilapin ang binata kung may gagawin man itong masama.

Matapos ang halos isang oras na byahe ay nakarating na rin si Claire ng ligtas at maayos sa kaniyang tahanan, at maging hanggang doo'y nanatiling nakasunod sa kaniya ang binatang si Patrick gaya ng pangako na binitiwan nito.

"We're here. Dito ang bahay namin." Ani Claire ng bumaba sa sasakyang si Patotoy at puntahan si Patrick sa sports car nito. "Salamat pala ulit sa paghahatid mo sa akin Patrick, sige na umuwi ka na para makapahinga ka na rin."

"Hindi mo man lang ba ako aalukin kahit kape man lang? Kanina pa ako nangangatog sa lamig rito." Saad naman ni Patrick na base sa itsura ay talagang nilalamig na at bahagyang natuyuan na nga rin ito ng damit mula sa pagkakabasa sa ulan ng tulungan siya nito. "Please?"

Agad namang naantig ang puso niya at na-guilty habang pinagmamasdan at itsura ng modelong binata. "O siya, bumaba ka na diyan at pumasok para makapagpalit ka ng damit at nang makapagkape ka na rin." Oo nga pala, ipinahiram nga pala niya sa akin itong jacket niya tapos ginamit ko rin pamalit yung mga damit na dala niya. Hindi tuloy siya nakapagpalit ng dahil sa akin.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon