Dumating na ang espesyal na araw na pinakahihintay ni Claire, ang araw kung saan isi-celebrate nila ang ikalawang kaarawan ng kambal na sina Dreico at Lucho. Mabuti na lamang at sa tulong nina Daniel at Ella ay naging maayos ang lahat para sa araw na iyon, bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat dahil nabawasan ang bigat ng mga kinakailangan niyang gawin, at sa halip ay kasama niyang mae-enjoy ang espesyal na araw kasama ang pinakakamamahal na mga anak.
Naghahanda na sana si Claire papunta sa venue kaya nga lang ay saka lang niya naalalang coding nga pala sa araw ng biyernes ang kaniyang sasakyan kaya't hindi nila magagamit iyon papunta sa venue ng birthday party. Ang kaniyang Ina ay pinauna na niya roon upang i-check ang pagdadausan ng birthday, at ang kaniyang mga kapatid ay doon na rin didiretso mula sa eskwelahan. Naiwan tuloy siya at ang kambal roon sa kanilang bahay.
At dahil wala na siyang oras para tumawag at maghintay pa ng grab o uber ay naisipan na lamang niyang mas mapapadali kung magbabyahe sila o makakakita ng taxi paglabas nila sa may gate ng subdivision.
"Lucho, Dreico.. are you ready, let's go na." nakangiting tanong niya sa dalawang bata na noo'y nakaupo lamang at naghihintay sa kaniya.
"Yeeeheeeyyyy!!!" magkasabay na tugon ng dalawa na nagtatatalon pa at halatang excited na makaalis.
"Mama i wam shiken!" saad ni Lucho na may malaking ngiti sa labi.
"Mama i wan, i wam ispaheti!" saad naman ni Dreico.
"Jawibee! Jawibee!" paulit-ulit na kanta ng mga dalawa habang naglalakad na sila palabas ng subdivision.
Kapit niya sa kanan niya sa kanan si Lucho at sa kaliwa naman ay si Dreico. Kahit na dalawang taon pa lamang ang kambal ay mas malaki na ang mga ito kaysa sa average na height ng mga bata sa kanilang lugar na kaedaran ng dalawa. Dahilan kung kaya't madalas mapagkamalan na 3 or 4 years old na ang mga ito ng kanilang mga kapitbahay o ng mga iilang taong nakakakita sa mga ito.
Hindi rin pangkarinawang Pilipino ang itsura ng dalawa dahil sa isang tingin pa lang ay alam ng hindi maitatanggi ang bakas ng dugong foreigner ng kambal. Medyo dark brown ang kulay ng buhok ng mga ito, may katangusan ang ilong, mapupula ang pisngi at labi. Pero ang higit na nagpapatunay ng dugong banyaga ng dalawa ay ang kulay ng mga mata na taglay ng mga ito, si Lucho ay grey eyes, at si Dreico naman ay green eyes. Sabi ng mga doktor noong ipanganak niya ang mga ito ay karaniwan na raw ang ganoong kulay ng mata na nakukuha ng mga sanggol lalo kung dominant ang dugo mula sa foreigner kaysa sa Pilipino. Ibig lang sabihin ay mas malaking bahagi ng mga physical traits na nakuha ng mga ito ay mula kay Vince na mual sa isang Greek-American-Filipino Family.
Ngayon pa nga lang ay marami na ang nagsasabi na magiging sakit ng ulo niya ang dalawa lalo na kapag nagbinata ang mga ito dahil tiyak na magiging habulin ang dalawa ng maraming babae o kaya'y pag naging playboy ang mga ito. At tinatawanan na lamang iyon ni Claire dahil alam niyang may posibilidad ngang ganoon ang mangyari, pero dahil matagal pa naman iyon ay sisiguraduhin niyang mapapalaki niya ng tama at magandang asal ang dalawa, syempre pa ay gusto niyang siya lamang muna ang babae sa buhay ng dalawa.
Pagdating sa gate ng subdivision ay naghintay sila ng masasakyang taxi, pero bago pa man may dumating na taxi ay nauna ng huminto sa harap nila ang isang pulang Mercedes Benz na kotse, at sa pagbaba ng bintana niyon ay sumilay sa kanila ang kaniyang boss na si Amanda mula sa passenger seat.
"Claire, get inside." nakangiting paanyaya nito.
At dahil nagmamadali na rin sila upang hindi mahuli sa birthday party celebration ng kambal ay agad na silang sumakay. "Lucho, Dreico get inside na daw. We will go to jollibee na." aniya upang lalong punuin ng excitement ang dalawang bata.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...