Ang inaakala ni Claire na photo shoot para sa Centerfold at Cover feature ng Bachelor Magazine na inaasahan niyang matatapos ng mabilis at maaga ay hindi nangyari dahil habang na sa kalagitnaan sila ng isang shoot ay hindi inaasahang uulan ng malakas kahit pa nga maganda naman ang panahon noong umaga. Karamihan pa naman sa shoot na ginagawa nila ay outdoor lalo't para sa Summer Issue ng Bachelor Magazine ang mga kinukuhanang larawan, imbes tuloy na makatapos sila on-time ay na-delay sila ng kulang-kulang isang oras at kalahati, mabuti na lamang at nagawa nilang matapos ang lahat ng mga kakailanganing konsepto.
Ang mga members ng Production at Creatives Department ay nagpasya na manatili na muna sa Resort dahil may inuupahan namang mga silid roon ang kanilang kompanya para lagyan ng mga gamit sa photo shoot gaya ng mga damit, accessories, shoes, at kung ano-ano pa kaya karaniwan ng nirerentahan ang ilang kwarto sa tuwing may photo shoot na ginagawa, syempre pa ay para rin may mapagpahingahan ang mga staff, model, at photographer nila sa tuwing aabutin ang mga ito ng aberya o kaya'y di inaasahang aabot ng gabi ang isang photo shoot.
Nagmabuting-loob naman ang mga staff ng alukin siya ng mga ito matulog sa isa sa mga silid at bukas na lamang ng madaling araw umuwi lalo pa nga't pabago-bago ang panahon, pero dahil gusto niyang makauwi at makasama ang kaniyang kambal na anak na sina Lucho at Dreico ay nagpasya siyang umuwi na rin kahit pa nga pasado alas-onse na ng gabi. At Sabado na kasi kinabukasan, wala siyang trabaho, at gusto niyang sa paggising ng kaniyang mga anak ay naroroon siya at sasalubong sa mga ito. Nangako rin kasi siya sa dalawa na ipapasyal ang mga ito sa Ocean Park upang manuod ng dolphin show at iba't ibang mga underwater creatures.
Kaya nga lang ay habang nagda-drive si Claire ay biglang tumirik ang kaniyang sasakyan, "Anak ng pating, ano na naman bang problema mo Patotoy?" nanlalaki ang mga mata at naiinis na tanong niya sa kaniyang sasakyan na pinangalanan niyang Patotoy dahil iyon ang laging tawag rito ng kambal na sina Dreico at Lucho noong may higit isang taon pa lamang ang mga ito at bulol pa magsalita. At pagbaba niya ng sasakyan upang tignan kung anong problema ay nakita niyang na-flat pala ang unahang gulong niya, "Hay nako, patots, ngayon pa talaga? Dito pa ha? Ibang klase ka rin topakin eh." aniya na napapakamot pa sa ulo na akala mo'y tao ang kaniyan kausap.
Nagpalinga-linga si Claire sa paligid pero wala siyang matanaw na kahit na anong malapit na establishment o gasulinahan, sa halip ay puro mga puno at stoplight ang nakikita niya sa malawak na kalsada na iyon na halos wala naman din ni isang sasakyang dumadaan, mabuti na lang nga at maliwanag roon. "Eh ano pa nga ba? Ending, ako na naman ulit ang mag-aayos sayo. Naku Patotoy ikaw ha, namumuro ka na sa akin, nung isang buwan lang tumirik ka doon sa may gate ng subdivision tapos ngayon naman sa Hi-way pa?" patuloy na reklamo ni Claire sa kaniyang sasakyan habang isa-isang kinukuha sa likurang compartment ang mga gagamitin sa pagpapalit ng gulong. "Kapag ako napuno sayo Patotoy ipapa-chopchop talaga kita at ipapalata kita para diretso ka na dun sa junkshop."
Habang inaayos sineset-up ang mga gamit para sa gagawing pagpapalit ng gulong ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan at parang isang basang sisiw si Claire na walang masilungan, "Kapag minamalas ka nga naman talaga!" Lalong inis na inis reklamo pa niya saka ilang ulit na sinuntok-suntok ang flat na gulong ng kaniyang sasakyan. "Kasalan mo talaga to Patotoy! Kasalanan mo to!"
Kulang-kulang magkakalahating oras na nang mula sa kaniyang likuran ay siyang sulpot naman ng isang dilaw na sports car at tumigil pa ito sa may likuran ng kaniyang kotse. Pagbukas ng pinto ng sasakyan ay lumabas roon ang gwapo at makising na binatang si Patrick, may dala pa itong payong at dali-daling lumapit sa kaniya upang ikubli siya sa payong nito mula sa patuloy na pagkabasa sa malakas na ulan.
"Anong ginagawa mo dito sa dis oras ng gabi?" Nagtatakang tanong ni Patrick ng payungan siya. Pero hindi pa man siya nakakasagot ay tila napansin na ng binata ang kaniyang suliranin ng makita nito ang mga nagkalat na gamit, "Let me help you with this one." Suhestiyon pa nito saka inabot sa kamay niya ang payong, "Nasaan ang spare tyre mo?"
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...