Chapter 27 - [Elizabeth]

4.1K 77 8
                                    

Matapos na bumisita sa Hospital para sa kaniyang check-up ay napagpasyahan ni Elizabeth na dumaan na muna sa sementeryo kung saan nakaratay ang puntod ng kaniyang yumaong Ama. May tatlong taon at kalahati na rin buhat ng pumanaw ito at iwanan sila ng kaniyang Ina, sa hindi inaasahang malungkot na pangyayari ay bigla na lamang nalugmok sa isang malalang sakit ang kaniyang Ama dulot ng mga bisyo nito noon pa mang kabataan gaya ng sigarilyo, alak, at syempre pa'y nakadagdag na rin ang stress sa trabaho. At sa naging pagpanaw nga nito'y inihabilin sa kaniya mula sa binasang last will of testament ang lahat ng lupain, kompanya, at mga investments dahil siya lamang ang nag-iisang anak nito.

Dala ang isang basket ng bulaklak ay inilapag iyon ni Elizabeth sa puntod ng kaniyang Ama at saka naupo sa bermuda grass, "Hi Dad..." saad niya kahit pa nga alam niyang hindi naman ito tutugon sa kaniya. "Ang tagal na rin pala noong huling nagpunta ako rito at dinalaw kayo." aniya at saka pinagmasdan ang tahimik na paligid. Walang ibang tao ng oras na iyon maliban sa kaniya kaya naman tila nakapayapa ng buong kapaligiran, at dahil pribado at eksklusibo ang nasabing sementryo kaya naman masasabing tila ba isang paraiso o parke ang itsura roon.

"Alam mo Dad galing ako kanina sa Hospital, hanggang ngayon kasi nagbabakasakali ako na baka isang araw gigising ako na okay na lahat, na maayos na yung kundisyon ng katawan ko at wala na akong sakit," panimulang kwento niya sa kaniyang Ama habang inaalala ang mga salitang binitawan ng Doktor niya ukol sa kaniyang kalagayan, "Kaya lang Dad, hanggang ngayon ganoon pa rin, wala pa ring pagbabago sa kondisyon ko. Mukha ata talagang wala ng pag-asang gumaling ako eh. Feeling ko tuloy nagbibilang na lang ako kung ilang araw pa ako rito sa mundo." natatawang saad niya habang pilit na pinipigil ang namumuong luha na namumuo sa kaniyang mga mata.

At dahil sa bigat na nadarama sa kaniyang dibdib at labis na pagod na nadarama ay hinayaan na niya ang sarili na mahiga sa bermuda grass, "Mukha atang kaunting panahon na lang din at magkakasama na ulit tayo Dad, ilang sandali na lang at mahihiga na rin ako rito sa tabi mo..." muling pagbibiro pa niya habang pinagmasdan ang mapayapang bughaw na kalangitan at pinakikinggan ang huni ng mga ibon sa paligid. "Kung sabagay, this place isn't so bad after all. This place is so quiet, so peaceful, and finally just for once matatahimik na rin ako sa napakaraming magugulong bagay na nangyayari sa buhay ko Dad." 

Ilang ulit na huminga siya ng malalim at sinamyo ang presko at malamig na simoy ng hangin, para siyang binata na ninanamnam ang sarap sa pakiramdam ng nakahiga sa bermuda grass na animo'y na sa isa siyang parke, "Siya nga pala Daddy, tignan mo oh, engaged na ulit ako..." Nakangiting balita niya habang nakataas ang kamay at pinagmamasdan ang kaliwang kamay kung saan ay naroroon sa kaniyang daliri ang singsing na sumisimbulo ng nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng kabiyak, "Engaged na ulit kami ni Vince." pagkabanggit niya sa pangalan ni Vince ay imbes na saya at ngiti ang rumehistro sa kaniyang labi, ay nagdala lamang ng lungkot at kirot sa puso niya ang imahe at alaala ng binatang kasintahan, "Sana maging masaya ka Daddy, sana kahit sa ganitong paraan magawa kong mapasaya kayo ni Mami." may bahid ng lungkot na wika niya.

Nang ipikit ni Elizabeth ang kaniyang mga mata ay mabilis na nagbalik sa kaniyang alaala ang lahat ng mga kaganapan sa kaniyang buhay nitong nakalipas na pitong taon -- ang pagkikita nila Vince, ang panliligaw nito, ang panahon ng kanilang pagiging magkasintahan, ang unang beses ng proposal nito ng kasal, at syempre pa'y ang masakit na alaala ng kanilang Car Accident na naging sanhi ng kaniyang pagkukubli at pagpapanggap na patay sa loob ng limang taon, at idagdag pa ang nakalipas na dalawang taon na muling panunuyo nito at muling pagkakabalik ng kanilang relasyon ng malaman ni Vince ang katotohanang buhay siya.

Sa totoo lang ay wala na siyang mahihiling at hahanapin pa kay Vince dahil taglay nito ang lahat ng katangian ng isang lalake na pinapangarap ng napakaraming babae. Bukod sa nabibilang ito sa isang kilala at mayamang Pamilya, at sa angking kagwapuhan at kakisigan nito, ay tunay na napakabuti ng loob ng binata at lubos na mapagmahal, maaalahanin, maalaga, at higit sa lahat ay mapagpatawad. Dahil sa kabila ng kaniyang ng naging malaking kasalanan niya rito ay nagawa pa rin siyang tanggapin at mahalin ng binata, hindi rin ito tumigil sa pagmamahal sa kaniya sa mga panahon na inakala nitong patay siya at ngayon namang alam nitong buhay siya ay naglakas loob pa rin itong balikan siya para ipagpatuloy ang kanilang relasyon at pakasalan siya.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon