"Welcome to Spices."
Malapad ang ngiti at magiliw na pagbati ang sumalubong kay Claire mula sa babaeng receptionist na nakatayo sa Entrance ng 5-Star Fine Dining Restaurant sa loob ng Peninsula Hotel sa Makati. Bukod sa maaliwalas at magandang estraktura ng nasabing restaurant na hango ang inspirasyon sa Thailand ay agad rin mapapansin ang pagiging ekslusibo at pribado ng lugar.
"Do you have a reservation Ma'am?" magalang na tanong pa muli nito ng hindi naaalis ang ngiti sa labi.
"Yes, table reserved by Mr. Michael Thomas-Johson." bigay imporma naman ni Claire.
Matapos mai-check ang hawak nitong log book ay agad siyang iginiya ng receptionist patungo sa isang table sa gilid malapit sa salamin na bintana kung saan ay mapagmamasdan ang naggagandahang mga bulaklak sa harapan mini garden. At nang alukin naman siya ng waiter kung oorder na siya ay sinabi niya ritong mamaya na lamang dahil may inaantay pa siya.
Nang mapag-isa ay agad na inihanda ni Claire ang kaniyang dalang laptop at ang folder na dala niya upang i-review muli iyon at masiguradong wala siyang nakalimutan na kahit na ano mang detalye para sa meeting na iyon. "Whew, buti na lang at hindi ako na-late kahit medyo traffic." saad niya sa sarili sabay bitaw ng isang mabigat na buntong-hininga. Hindi kasi niya inaasahan na magkakaroon ng ganoong kabigat na traffic papunta sa Hotel kung saan naka-schedule ang meeting niya para sa isang bagong kliyente na ibinigay sa kanya ni Amanda.
At nang makasigurado na maayos na ang lahat ng kaniyang ipipresinta sa meeting ay nag-retouch naman siya ng make-up at muling sinilip sa monitor ng laptop ang sariling imahe. "Okay na to. Go Claire, fighting!" nakangiting pagti-cheer pa niya sa sarili.
Hindi pa man nakalilipas ang sampung minuto'y dumating na rin ang makaka-meeting niya. "Hi, I'm Mr. Michael Thomas-Johnson." pakilala nito sa sarili ng may simpatikong ngiti sa labi, "You are Ms. Claire Gongazales from El Soltero Publishing, right?"
"Y-yes, yes Sir." nauutal na wika ni Claire ng mapatulala siya at mapatitig lamang sa kamay ng binata. "Nice meeting you Mr. Johns--, I mean Mr. Thomas-Johnson." nalilito pang banggit niya saka nahihiyang nakipagkamay sa binata.
"You can just call me Michael, Claire." utos pa nito at saka naupo sa bakanteng silya sa tapat niya. "Sorry I'm late, hindi ko ineexpect na mayroon palang traffic kahit ganitong early lunch time." nakangising saad nito na tila di makapaniwala sa naranasan.
"Okay lang po Sir Michael." tugon niya ng may nahihiyang ngiti sa labi. Hindi kasi niya inaasahan na ibang-iba pala ang taong makaka-meeting niya kaysa sa iniisip niya. Jusko, bakit ang gwapo naman at ang bata nitong ka-meeting ko? Akala ko pa naman medyo may edad na, hindi pala.
Nang muling lumapit sa kanila ang waiter ay saka lamang sila umorder. Ang kaniya ay orange juice at pasta, ang kay Michael naman ay ang signature dish ng restaurant at isang bote ng red wine.
"Shall we start Sir?" magalang na tanong ni Claire sa binatang si Michael.
"In a minute, I'm just waiting for someone." saad naman nito habang busy sa pagkalikot ng cellphone. Malamang ay kinokontak pa nito ang kasama nito para sa meeting na iyon. At wala pa mang isang minuto ay biglang sumulpot mula sa entrance ang taong hinihintay nito, "There he is."
Paglingon ni Claire ay biglang muntik na niyang maibuga ang iniinom na orange juice. Anak ng pating naman o! Bakit narito yang lalakeng yan?! Anong ginagawa niya rito? gulat na tanong niya sa kaniyang isipan ng makita ang imahe ni Vince na nakasuot ng grey office suit & tie at naglalakad papalapit sa table na kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Fiksi Umum(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...