Pagdating sa Single Origin, isang kilalang Coffee Shop and Pastries sa Bonifacio High Street, ay agad na pumasok sa loob si Claire roon para sa usapan nilang pagkikita ng kaibigang si Ella pero ayon sa dalaga ay naipit ito sa traffic at aabutin pa ng 15-20 minutes bago makarating sa kanilang tagpuan kaya naman nagpasya na siyang mag-place ng kanilang mga orders lalo pa nga't made-to-order ang ilang putahe na karaniwan nilang kinakain sa tuwing nagkikita sila roon.
Pagbalik niya sa inookupang table ay nagulat pa siya at napatigil sa kinatatayuan ng makitang naroroon na si Daniel at hinihintay siya. "Hello there!" simpatikong ngiting bati nito ng kawayan siya.
"Oh, paano mo nalamang narito ako?" gulat na tanong ni Claire sa binata ng samahan ito sa table.
"Actually, I went to your house kanina right after kong matanggap yung message na iniwan mo sa voicemail ko, kaya lang pagdating ko roon ay saktong kaalis mo lang raw para makipagkita kay Ella sabi ng Mama at mga kapatid mo." panimulang pagpapaliwanag ni Daniel sa kung papaano siya nasundan nito, "So I called Ella and asked her where you guys are heading, she told me you guys are meeting here and so that's why I am here as well." dagdag pang imporma nito.
"Akala ko naman ay pinasundan mo na naman ako sa mga kung sino-sinong mga tauhan mo." natatawang pang-aalaska niya ng maalala kung papaano siya pinasusundan nito noong mga panahong nagtatago siya dahil sa kaniyang pagbubuntis.
"Anyway, ano nga pala yung sinasabi mong gusto mong pag-usapan natin?" diretsahang tanong nito sa rason ng kaniyang importanteng pagtawag, "You sounded so worried and in panic on that voicemail that's why I got so worried. May nangyari bang hindi maganda? May problema?" nag-aalalang tanong nito habang nakatingin sa kaniyang mga mata na animo'y binabasa ang kaniyang suliranin.
At dahil nga isa sa mga itinuturing na ni Claire na matalik na kaibigan si Daniel ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa sa pagtatapat rito ng bumagabag sa kaniyang didib, "Dan, I saw them..." halos ga bulong sa hanging bigkas niya at napapalunok pa na animo'y kay hirap sa kaniya na bigkasin ang tungkol sa bagay na kaniyang nasaksahin.
"You saw them? Who? Sinong tinutukoy mo, hindi kita maintindihan." kunot-noong pag-uusisa ng binata.
"Si Elizabeth..." pag-amin ni Claire, "Nakita ko siya kanina. Aksidenteng nagkasalubong kami sa SM Aura kanina..."
"And what happened?" ani Daniel, "Nakilala ka ba niya? Nag-usap ba kayo? May sinabi ba siya sayo? Anong mga pinag-usapan niyo?" sunod-sunod na tanong nito sa seryosong boses at blangkong ekspresyon.
"Hindi niya natatandaan kung ano ang pangalan ko kaya binigyan ko siya ng ibang pangalan." dagdag imporma pa niya sa binata sa mga kaganapang nangyari sa kaniya kanina ng magkrus ang landas nila ni Elizabeth.
"That's good. Mabuti na lang at hindi mo sinabi sa kaniya kung sino ka." anito matapos magbitaw ng isang buntong-hininga na tila ba isang malaking tinik ang nabunot sa lalamunan nito, "But you said you them right, sinong nakita mong kasama niya?" muli'y tanong nito ng mapagtantong tila ba hindi niya sinasabi ang buong kaganapan. "Tell me, sino pang ibang nakita mo kanina?"
"Si... si... si Vince." nauutal niyang tugon sabay agad na napatungo.
Maging si Daniel ay hindi nakakibo sa sinabi niyang iyon tungkol sa hindi inaasahang pagkukrus nila ng landas ng bunsong kapatid nitong si Vince. Pareho nilang hindi malaman kung ano nga bang magiging reaksyon sa mga pangyayari lalo pa't alam nilang malaking problema ang dulot niyon kapag nagkataon. Nagkatinginan lang sila ng binata at para bang wala ni isang salita ag gustong lumabas sa kanilang mga bibig.
"Nakita ka ba niya..." basag ni Daniel sa katahimikan.
"Hindi." tipid niyang tugon, "Daniel bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkabalikan sina Elizabeth at Vince..." may bahid ng pagtatampo niyang kastigo sa kaibigan lalo pa't ito nga dapat ang unang taong magsasabi sa kaniya ng tungkol sa bagay na iyon. "Bakit hindi mo sinabing.... ikakasal na pala sila...." ni hindi niya mabigkas ng maayos ang tungkol sa usaping iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/75804319-288-k539413.jpg)
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...