Chapter 41 - [Elizabeth]

3.9K 83 12
                                    

Pasado alos-onse na ng gabi at naghahanda na sanang matulog si Elizabeth ng eksakto namang kalalabas lamang niya sa shower room ng biglang nagliwanag ang screen ng kaniyang iphone, at nang silipin niya sa screen niya anf screen ay numero lang iyon, ibig sabihin ay hindi naka-save sa kaniyang contacts o hindi niya personal na kilala ang taong tumatawag. Tiyak rin naman na hindi si Vince iyon dahil katatapos lamang nilang mag-usap ng kasintahan may higit isang oras na ang nakakalipas, ang sabi rin nito ay magpapahinga na ito kaya't tiyak na hindi mula sa binata ang tawag.

"Sino naman kaya to?" nakakunot-noong tanong niya sa sarili habang pilit na iniisip kung sino marahil ang taong tumatawag sa kaniya. Base sa 3 missed calls na naka-register sa kaniyang phone ay tiyak na siya nga ang pakay ng taong tumatawag, at nang nagta-type na siya ng text message na ise-send sa estrangherong numero upang tanungin kung sino at anong pakay nito sa pagtawag sa kaniya ay bigla namang muling nag-ring ang kaniyang iphone.

"Hello, who's this?" tanong ni Elizabeth sa caller mula sa kabilang linya, ito rin ang parehong number na tumawag sa kaniya kaya naman mas lalo siyang na-curious kung sino marahil ang caller.

"Hello Elizabeth..." tanging sambit ng boses sa kabilang linya.

Hindi na kailangan pang itanong ni Elizabeth kung sino ang caller dahil pamilyar na pamilyar na siya sa baritong boses ng lalakeng tumawag sa kaniya, "Michael..." sambit niya sa pangalan ng binata.

"I'm glad you still remember me quite well my dear." panunuksong tugon ni Michael kaakibat ng tipid na pagngisi.

"Paano mo nakuha ang number ko?" may bahid ng takot at inis na sabi niya, "Ilang beses ko bang sasabihin sayong tigilan mo na akong kakahabol sa akin?!" angil niya upang iparamdam sa binata na hindi niya gusto ang usapan nilang iyon.

Ngunit tila ba hindi apektado si Michael sa tono ng kaniyang paninilita. Base sa sarkastikong sagot at mapang-asar na tawa nito ay mukhang wala itong pakialam sa nararamdaman niyang pagkainis, "Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang number mo, I just want to see you tonight. Let's meet Elizabeth, I want to talk to you about something... something really, really important."

"I'm not meeting you Michael, not tonight, not tomorrow and not anytime soon or later." pagmamatigas na pagmamaldita ni Elizabeth sa binata, "Gaya ng sabi ko sayo, tigilan mo na ako at wala ka ng mapapala pa sa akin. Bye." aniya sabay pindot ng End Call upang tapusin ang tawag.

Ngunit hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ay muli na namang nag-ring ang phone niya, sa halip na sagutin ay inilagay niya sa silent mode iyon, pilit niyang inignora ang tawag ng binata sa pag-aakalang magsasawa rin ito sa kakatawag, at tama nga ang naisip niya, pagkalipas ng ikatlong tangkang pagtawag nito ay hindi na muling nag-ring ang kaniyang iphone.

Pero nang muling magliwanag ang screen ng kaniyang iphone ay isang text message notification ang naka-display sa screen niyon. At nang buksan at basahin ni Elizabeth ang mensaheng natanggap ay biglang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib sa nabasa roon, "It's about your fiance, Mr. Vincent Grecko Hendelson." Bigla-bigla'y napatanong siya sa sarili kung paapanong nalaman nito ang tungkol kay Vince at kung paano nitong natunton ang eksaktong lokasyon ng Penthouse Building kung saan sila tumutuloy ng kasintahan.

Dali-daling tinawagan ni Elizabeth ang numero ng cellphone ni Michael, at sa ikalawang ring pa lamang ay sinagot na nito ang tawag, "Hello again my dear..." sarkastikong sambit nito na halatang ang intensyon ay lalo siyang asarin.

"What about Vince?" aniya ng di pinansin ang pang-aasar ng binata, "Tell me Michael, anong kinalaman ni Vince dito?" kinakabahang pag-uusisa niya sa dahilan ng pang-iistorbo nito sa kaniya ng dis-oras ng gabing iyon.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon