[Flashback]
Makailang ulit na nagpalakad-lakad si Vince sa veranda ng kaniyang silid habang nagdadalawang-isip at napapakamot sa ulo kung gagawin nga ba ang bilin ng mga kaibigan. Tatawagan ko ba o hindi, tatawagan ko ba o hindi...
"Okay, okay, fine. Tatawagan ko na lang..." pilit niyang kumbinsi sa sarili sabay hinga ng malalim. Ngunit ng tangkain na niyang i-dial ang number ng dalaga ay muli siyang umurong, "kaso paano kung busy yun o kaya natutulog, baka magalit lang yun." Nalilito at naiinis na napasabunot na lang siya sa sarili habang di pa rin malaman kung ano nga bang mas tama niyang gawin. "Vince naman parang di ka naman lalake niyan, wag ka ngang maduwag!" Litanya niya sa sarili. At nang makapagdesisyon na ay idinial na niya ang numero ng dalaga.
"Hello, good evening" boses ng isang babae mula sa kabilang linya. At alam ni Vince na ang pamilyar boses na iyon ay pagmamay-ari ni Elizabeth.
"H-hi, uh, Hello, Elizabeth?" Nauutal na bungad na pagbati niya sa dalaga matapos na makakuha ng sapat na lakas ng loob na sundin ang payo ng kaniyang mga kaibigan na tawagan ito.
"Who's this?" Tugon ni Elizabeth mula sa kabilang linya ng phone.
"It's me, Vince" pakilala niya sa sarili.
"Hmmm... Vince who? Vince Lim? Calderon? Marquez? Reyes?" Isa-isa nitong banggit sa mga kakilala na may kaparehong ngalan, "Sorry pero marami kasi akong kilalang Vince."
Bahagyang napahiya si Vince sa sarili dahil mukhang hindi ata maganda agad ang impresyong naibigay niya sa dalaga sa unang tawag pa lang niya rito. Pero dahil ito na nga ang tanging pagkakataon na meron siya na makausap ang dalaga ay pinilit niya labanan ang kaba sa dibdib at pagkapahiya.
"It's me, Vincent Grecko Hendelson." Muli pang pakilala niya sa sarili. "I'm Daniel's younger brother. Do you still remember me?"
"Oh, Vince Hendelson!" May bakas ng sayang pagkilala nito sa kaniya, "Of course I know you, how could I forget you." Magiliw pang wika pa ni Elizabeth mula sa kabilang linya ng malaman na siya pala ang kausap nito. "Bakit pala napatawag ka?"
"A-eh, nothing important. Naiistorbo ba kita?" Nag-aalalang tanong niya. Ayaw kasi niyang istorbohin ang dalaga lalo kung may importanteng ginagawa ito, baka kasi imbes na maging maayos ang una nilang pag-uusap ay mainis pa ito sa kaniya dahil nakakaabala siya.
"No, no, it's okay. I'm not busy at the moment." Agad namang pawi ni Elizabeth sa kaniyang pag-aagam-agam. "So what's with the call anyway, anong kailangan mo at bigla ka atang napatawag sa akin, may maitutulong ba ako Mr. Hendelson?" Magiliw paring pananalita nito na lalong nagdudulot ng kilig at saya sa puso ni Vince na ngayo'y hindi na matigil sa labis na pagkabog.
Nang muling maalala ang totoong pakay sa pagtawag na iyon sa dalaga ay simbilis pa ng kidlat at kulog na nagbalik ang sangkaterbang kaba at takot sa dibdib ni Vince. Bukod sa di pa rin niya alam kung sa papaanong tamang paraan yayain sa isang date si Elizabeth, ay hindi pa rin nga siya nakakaisip ng isang magandang dahilan para hindi siya tanggihan ng dalaga. Think fast Vince! Hindi pwedeng babagal-bagal ka! Ito na ang pagkakataon mo kaya wag mo na palagpasin pa. Go ask her out!
"Hello? Vince are you still there?" Tawag ni Elizabeth mula sa kabilang linya ng phone na nagpabalik sa kaniyang atensyon rito.
"A-ah, yeah, I'm still here. Sorry, may bigla lang akong naalalang important about school stuff." Kunwari pang dahilan niya upang di mahalata ng dalaga ang kabang nadarama niya habang kausap ito. "Anyway, ayun nga, naisip ko lang tawagan ka to check if kinain mo ba yung chocolate na binigay ko."
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
General Fiction(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...