Chapter 51 - [Vince]

4.2K 80 30
                                    

Dalawang araw na lamang ang nalalabi bago ang itinakdang araw ng pag-iisang dibdib nina Vince at Elizabeth, ang kasal na pareho nilang pinakahihintay at pinakakahahangad noon pa mang magkasintahan pa lamang sila. At gaya nga nang kanilang plano noon pa man ay sinigurado nilang magiging magarbo at engrade ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib, lahat ng mga kilala't mabibigat na tao sa Business World na kapwa malapit sa pamilya Hendelson at pamilya Hamilton ay inaasahan na dadalo sa espesyal na araw ng kanilang kasal. Bukod pa sa mga kilalang personalidad ay higit na ginastusan rin ang Venue at set-up nang kasal, maging ang Media Coverage, Foods and drinks, at ang mismong suits & gowns ng mga abay ay talaga namang masasabing milyun-milyon ang gastos.

Pero sa kabila ng saya at excitement ay hindi pa rin maikubli ni Vince ang kakaibang damdamin na namumuo sa kaniyang dibdib, pakiramdam niya'y may kulang, na para bang sa isang bahagi ng kaniyang isipan ay may hinahanap siyang hindi niya alam kung ano.

"Nakatulala ka na naman..." saad ni Daniel nang pumasok ito sa kaniyang silid at abutan siyang nakatambay roon sa balkonahe. "What's going on?" tanong nito sabay alok sa kaniya ng isang baso ng alak.

"Wala naman." tipid niyang sagot sabay kuha ng alak na inaabot ng kapatid.

"Oh, come on Vince, I know you. Alam kong yang ganyang mukha at kilos mo, alam kong may malalim kang iniisip." nakangising saad ni Daniel na animo'y basang-basa na talaga nito ang kilos niya. "Don't tell me you're having cold-feet about your wedding with Elizabeth?" magkasalubong ang kilay na pag-uusisa pa nito.

"Of course not!" mariing tanggi niya sa akusasyon ng binatang kapatid.

"Then why would you one of our maids to bring here some alcohol?" patuloy na pag-uusisa ng kaniyang Kuya Daniel, "Halos kakatapos lang nating magtanghalian, hindi ka rin naman hard drinker, kaya nakapagtataka na hihingi ka ng alak sa ganitong oras na katirikan ng araw."

"It's nothing, honestly, gusto ko lang talaga ng kaunting maiinom at nang ma-relax naman tong sistema ng katawan ko. I've been so busy lately with all the preparations going on for my wedding day, gusto ko lang ng kaunting pahingi." bigay dahilan ni Vince sa kapatid upang hindi na ito mag-usisa pa. "Kamusta na nga pala sina Daddy at Mommy?" biglang pagbabago niya ng topic upang hindi na siya kulitin pa nito.

"Ayun, parang mga bata na excited na naglalaboy agad sa buong Hacienda. Akala mo nga eh mga turista dahil sabik na sabik lahat ang mga taga Hacienda na makita at makasama sila." malawak ang ngiting saad ni Daniel ng ibalita nito kung gaano kainit at kasaya ang lahat ng mga tauhan nila sa Hacienda Cassarina sa muling pagbabalik ng kanilang Mommy and Daddy mula sa matagal na pamamalagi sa Amerika at pagbabakasyon na rin sa iba't ibang bansa.

Bukod sa kanilang mga magulang ay kasabay ring bumalik roon sa Pilipinas ang kaniyang bunsong kapatid na babaeng si Clara na busy sa pag-aasikaso nito ng Fashion Boutique at ang ikalawa sa bunsong lalake na si Steffan na siyang nag-aasikaso ng kanilang Business sa America. Bibihira kasing umuwi ang dalawa sa Pilipinas maliban na lamang kung espesyal na okasyon kagaya ngayon para sa darating na kasal nila ni Elizabeth. Naroroon na rin sa Hacienda ang Mommy ni Elizabeth at ang ilang malalapit na relatives nito, tutal ay malaki naman ang Hacienda at meron silang ilang Guest Rooms ay tiyak na maa-accommodate nila ang mga ito. Ang kaniyang mga kapatid ay naroroon na rin at nag-file na ng leave sa kani-kanilang mga trabaho.

Kagaya ng nadaramang saya ni Vince ay ganoon rin o mas doble pa ang saya at ligaya ng mga tauhan nila sa Hacienda Cassarina sa pagbabalik ng kanilang buong Pamilya. Kung tutuusin nga ay para na sila isang malaking pamilya sa Hacienda, animo'y lahat ng mga nakatatandang lalake at babaeng trabahador nila roon ay parang Tito't Tita na nila, at ang mga anak naman ng mga ito ay parang mga pinsan at bunsong kapatid na kung magturingan. Syempre pa'y lahat ng iyon ay dahil sa mabuting pakikisama ng kanilang Mommy at Daddy sa lahat, bukod sa regalong maayos na pabahay at edukasyon sa bawat miyembro ng mga namamasukang trabahador nila sa Hacienda ay maganda rin ang pamamalakad at pasweldo ng kanilang Pamilya sa bawat mga trabahador, iyon ang isa sa dahilan kung bakit naging ganoon rin kalaki at ka-successful ang business ng kanilang Mommy at Daddy kaya naman malaki ang pasasalamat nila sa mga ito at ganoon rin ang kapalit na magandang trabaho at pakikisama sa kanila ng lahat.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon