Chapter 48 - [Claire]

3.4K 81 21
                                    

Hahayaan na lang sana ni Claire at hindi papansinin ang ginagawang pang-iistorbo ni Vince sa kaniya. Pinilit niyang ibalik ang atensyon sa kaniyang isinusulat na article para sa promotion ng Vienna Villa Private Island Resort pero kahit na anong gawin niyang pandededma ay nakikita pa rin niya sa reflection ng kaniyang laptop si Vince habang nakaupo lamang doon at kinakalikot ang cellphone nito.

Dedma ka lang girl, wag mo papansinin! Isipin mo multo lang yang na sa likod mo... mahigpit na utos ng kaniyang isipan. Stay focus! Wag kang papahalata na nadi-distract ka sa kagwapuhan niya! Pero kahit na anong dedma ng kaniyang utak ay iba naman ang dinidikta ng kaniyang puso, sa kung anong dahilan ay ang bilis ng kabog niyon na animo'y nakikipagkarera.

Pero wala pa atang limang minuto ang lumilipas ay si Vince na ang naunang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila, "Kamusta na nga pala sina Lucho at Dreico?"

"Okay naman sila." tipid niyang sagot habang patagong napabungtong-hininga. kinakabahan kasi siya lalo't tungkol sa mga bata ang topic kaya naman hangga't maaari ay tipid ang mga sagot na binibitawan niya.

"I see. I'm glad to hear they're doing good. It's been a long time since the last time I saw your twins, sana sa kasal ko maisama mo silang dalawa. I'm sure they'd enjoy it." saad ni Vince patungkol sa kambal, "Actually iniisip ko nga na sila na lang sana ring bearer kaya lang sabi ni Elizabeth meron na raw siyang nasabihan. Sayang." dagdag pahayag pa nito sa binabalak sanang partisipasyon nina Lucho at Dreico.

"Oh, okay." tangi niyang sagot. Mabuti na nga lang kamo at nakatalikod siya kay Vince dahil kung hindi ay baka nakita nito kung papaanong bigla siyang namutla sa kaba at takot sa naisip nitong plano. Tiyak kasing magiging isang malaking problema oras na mapabilang sina Lucho at Dreico sa kasal na iyon nina Vince at Elizabeth sa darating na Linggo, sa oras na makita ng mga Magalung at mga kapatid ni Vince lalo na ng bunsong kapatid na babae na si Clara ang presenya niya at nang kambal ay tiyak na magkakahinala ang mga ito kung sino ang Ama ng kambal at mabubuko ang itinatago niyang pagkatao. Isa rin talaga iyon sa mga dahilan kung bakit pinipilit niyang tinatanggihan ang proyekto at huwag mapabilang roon hangga't maaari.

"Kamusta na nga pala kayo ni Patrick?" biglaang pagbabago nito ng topic.

"We're doing good," walang ganang sagot ni Claire. Ngunit nang maisip niya na ito na rin ang magandang pagkakataon para ipakita kay Vince na meron nang espesyal na lalake sa kaniyang buhay ay agad siyang nag-take advantage sa pagkakataon. "Honestly, we're doing so much better now." aniya sa magiliw na boses sabay harap kay Vince at pinakitaan ito ng masayang expression at matamis na ngiti upang makita nito kung gaano siya kasaya sa piling ni Patrick, "Magkasama nga lang kami kahapon, dinala niya kami sa isang Korean Resturant, sobrang nag-enjoy nga sina Lucho at Dreico ang dami nilang nakain."

"K." kibit-balikat at balangkong ekspresyon na sambit lang ni Vince ng bahagya siyang lingunin nito sa sinabi niya.

Alam ni Claire na nagawa niyang iparating ng malinaw ang kaniyang mensahe sa binata. Sa sobrang tagal niyang nanilbihan rito bilang si Marie na Personal Maid nito noong panahon na bulag pa ito ay kilala na niya ang ugali ni Vince, at ngayon ay sigurado siya ng ang simpleng sagot nito at blangkong ekspresyon ay senyales lang na deep inside ay naiinis ito sa kaniyang sinabi ngunit ayaw lang ipahalata.

Oh diba, e di natahimik ka bigla diyan. Good job Claire! napapangisi at buong papuri niya sa kaniyang sarili dahil nagawa niyang ibalik ang pang-aasar nito.

"Have you heard the news lately?" tanong ni Vince habang nakatuton pa rin ang buong atensyon sa hawak nitong cellphone.

"What news?" balik-tanong niya rito.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon