Chapter 34 - [Claire]

3.6K 86 5
                                    

Mula ng umalis si Patrick at maiwan si Claire kay Vince ay hindi na tumigil pa sa pagririgodon ang puso ng dalaga sa ideyang magkakasama silang dalawa ng binatang dating minamahal. Oo nga't nagkita at nagkasama na sila may ilang araw na ang nakalilipas ng di inaasahang maging babysitter ng kambal na sina Lucho at Dreico ng biglaan siyang magkaroon ng emergency sa opisina at kinakailangan niya ng panandaliang magbabantay sa mga bata. Pero iba ang set-up ngayon, ibang-iba dahil ngayon ay tanging siya at si Vince lamang ang magkasama, walang iba na maaaring pagtuunan nito ng atensyon maliban sa kaniya.

Teka, ano ng gagawin ko? Sasabay ba ako kay Vince o magtataxi na lang kayo ako pabalik sa office? Nalilitong tanong ni Claire sa kaniyang isipan habang naglalakad sila ni Vince papalabas sa kinainang restaurant, Ay nako! Bahala na nga si Batman!

"Hey, what are you doing there?" kunot-noong tanong ni Vince ng mapansin nitong hindi na siya nakasunod rito. "Doon naka-park yung---"

"Okay lang Mr. Hendelson, magta-taxi na lang ako." mabilis na sabat niya ng hindi na ito pinatatapos pa sa pagsasalita. "Mauna ka na lang sa office, naalala ko may dadaanan pa nga pala ako." kunwaring pagdadahilan pa niya na may pekeng ngiti sa labi upang hindi na siya isabay ng binata sa kotse nito.

"Saan ka pa pupunta?" nagtatakang tanong nito na mukhang hindi naniniwala sa kaniyang rason base sa ekspresyon sa mukha nito.

"Doon," kunwaring turo niya sa kung saang lugar, "May dadaaanan lang ako saglit na importante." muli niyang pagpapalusot. Sakto naman at may dumaan na taxi kaya't agad niya iyong pinara.

At nang tumigil iyon sa kaniyang harapan ay agad niyang binuksan ang pinto ng taxi, ngunit bago pa man siya tuluyang makasakay ay pinigilan na siya ni Vince. "Pasensya na Kuya, hindi po sasakay tong kasama ko." imporma nito sa taxi driver na agad naman umalis.

Bago pa man siya makapag-react sa ginawa nito ay naunahan na naman siyang muli ng binata. Nagulat pa nga siya ng biglang hawakan nito ang kaniyang kamay at hilahin siya papalakad papunta sa direksyon ng parking lot kung saan naroroon ang sasakyan nito, "I'll drive you there." simpleng saad nito.

"Hindi na Mr. Hendelson." aniya sabay mabilis na bawi ng kamay mula sa pagkakahawak ng binatang si Vince. 

"I insist Claire." pagpipilit pang mulit nito. "Let's go..." 

At sa kung anong dahilan ay nang muling hawakan ni Vince ang kaniyang kamay ay bahagya siyang napapitlag ng tila ba may mumunting boltahe ng kuryenteng gumapang sa kaniyang katawan ng magdikit ang kanilang mga kamay. At base sa ekspresyon ng mukha at kilos ng binata ay mukhang naramdaman rin nito ang kakaibang pakiramdam na iyon kaya't agad itong bumitiw sa kaniyang kamay.

"S-sorry..." tanging nasambit nito. "Tara na, ipagda-drive na kita." muli'y pagpipilit nito na tila ba inignora na lang kung ano man ang kakaibang bagay na naganap.

"Hindi nga kasi ako sasabay sayo, bakit ba ang kulit mo?" naiinis at nakapamewang na turan niya sa makulit na binata.

Sa halip na amuhin siya'y nakipagsabayan pa ito sa kaniya, "Ikaw, bakit rin ba ang kulit mo? Diba sabi ko na nga sayo sumabay ka na sa akin tutal pareho naman ang pupuntahan natin?" masungit at magkasalubong ang kilay na balik tanong sa kaniya ni Vince.

"E ayaw ko nga kasi! May pera naman akong pang-taxi, kaya kong magbayad!" sambit niya sabay irap at pamewang rito. Wala na siyang maisip na ibang dahilan upang itaboy ito.

"Alam mo Ms. Claire, nagmamagandang loob lang ako sayo." muling ganting pagsusungit ni Vince sa kaniya, "And besides, hindi porke't kaya mo gumastos ay gagastos ka na. You should spend money wisely especially for a single mom like you, you know?" malaman na komento pa nito.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon