Chapter 29 - [Claire]

4.3K 95 12
                                    

Pagdating sa lokasyon ng napag-usapang restaurant sa BGC kung saan kikitain ni Claire si Erika, ang personal assistant ng best friend na si Daniel, ay agad siyang dumiretso sa loob matapos na mai-park ang kaniyang sasakyan. Iyon ang napili niyang lugar para i-meet up ang dalaga para i-pick up ang kaniyang kambal na sina Lucho at Dreico at para makapananghalian na rin sila. Isa pa'y mula ng magkakilala silang dalawa ni Erika ay naging magaan na ang loob niya sa dalaga, naging isa sa mga matalik na kaibigan na rin niya ito lalo pa ng matuklasan na iniibig nito ang kaibigan niyang si Danel, isang bagay na labis niyang sinusuportahan dahil gustong-gusto nila ni Ella si Erika para kay Daniel lalo't nakikita nila sa dalaga ang kabutihan ng loob at ang totoong feelings nito para sa boss nitong si Daniel.

Dapat sana'y naka-leave siya sa opisina ngayong araw para samahan sa pedia clinic ang kambal para sa regular monthly check-up ng mga ito, kaya nga lang ay habang na sa byahe na sila ay bigla namang nagkaroon ng hindi inaasahang aberya sa isa sa mga malalaking accounts na hinahawakan niya sa El Soltero Publishing at hindi niya basta pwede ipagpawalang bahala iyon lalo pa nga't bukod sa malaking account iyon ay tiyak na malaki rin ang magiging epekto ng aberyang dulot niyon sa pangalan ng kanilang magazine at lalo na sa kanilang kompanya.

Kaya naman kahit na gusto na niyang dumiretso sa opisina para ayusin ang biglaang umusbong na problema ay naalala niyang bigla na hindi nga pala alam ng kahit na sino sa kanilang opisina na isa na siyang dalagang Ina. At sa oras na makita ng kaniyang mga katrabaho sina Lucho at Dreico ay tiyak na mag-uugat iyon ng maraming tanong, chismis, o kung ano-ano pang issue lalo pa nga at sa itsura pa lamang ng dalawa ay madali ng malalaman na hindi purong dugong Pilipino ang mga ito. Ngunit kahit naisin man niyang magbyahe pabalik upang ihatid pauwi ang dalawa ay wala namang makakasama ang mga ito sa kanilang bahay dahil ang kaniyang Nanay ay nagpaalam na sasaglit muna ng bisita sa mga kamag-anak nito na kasalukuyang lumuwas ng Maynila. 

At dahil wala na nga siyang option ay minabuti niyang tawaganang bestfriend na si Ella kung maaari muna nitong bantayan ang kambal pero kasalukuyang na sa meeting naman ito kasama ang masungit na boss. Maging ang kaniyang tatlong kapatid na sina Niko, Oyet, at Mako ay may mga pasok pa sa eskwela kaya't hindi rin niya ito maaasahan na magbantay. Sa huli ay napilitan na rin siyang makisuyo kay Daniel, mabuti na lamang at nagmabuting loob ito na panandaliang maging babysitter ng dalawa na lubos na ikinatuwa naman ng binata dahil magkakaroon daw ito ng quality time na makipaglaro at mag-alaga sa mga pamangkin nito. Kaya nga lang ay biglaan namang nagkaroon ito ng emergency site visit kaya naiwang bantay si Erika sa dalawa, buti na lang ay agad niyang naayos ang problema sa opisina at sa kaniyang kliyente sa loob lamang ng kulang-kulang dalawang oras kaya't nakaabot pa siya ng lunch time para i-meet ang dalagang si Erika na siyang nagbabantay at nag-aalaga kina Lucho at Dreico.

Pagpasok sa loob ng restaurant ay hindi na nahirapan pa si Claire na hanapin si Erika dahil inaabangan na rin naman pala siya nito doon sa malapit sa may entrance pa lamang. "Claire, here!" tawag nito sa kaniya na may munting pagkaway.

"Hi Erika," nakangiti na pagbati niya sabay beso sa pisngi ng makalapit rito, "Sorry ha, naabala pa kita sa pag-aalaga sa kambal. Bigla kasing nagkaroon ng aberya sa office."

"Okay lang." sagot ni Erika ng may alanganing ngiti naman sa labi.

"Nasaan pala sina Lucho at Dreico?" nagtatakang tanong niya ng mapansin na wala sa tabi nito ang dalawa. "Hindi mo ba sila kasama?" 

"Ah, eh, kasama ko..." tila nag-aalangang sagot pa ng dalaga na di niya mawari kung bakit. "Nandoon sila sa table sa may bandang dulo," turo pa ni Erika sa kaniya, "Kaya lang kasi---"

Sa labis na pagka-miss sa kambal na anak ay agad niyang tinungo ang table na inookupa ng mga ito ng di man lamang pinatatapos si Erika sa pagsasalita nito. "Lucho, Dreico!" excited na tawag niya sa pangalan ng kambal ng masilayan ang mga ito sa table na kumakain.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon