Pagdating sa Makati Shangri-la Hotel, ang venue kung saan gaganapin ang 50th Golden Anniversary Year ng El Soltero Publishing Company, ay bumungad kina Claire at Ella ang engrandeng set-up ng Hotel na halatang naghanda at ginastusan ang nasabing event.
Kaya nga lang ay medyo late na sila para sa 7:00 PM na nakasaad sa invitation. Nakarating sila roon ng 7:20 PM. Hindi inaasahan ng dalawa na aabutin sila ng traffic kahit na kung tutuusin ay malapit lamang sila sa Venue ng party, idagdag pang hindi sila magkandaugaga kanina kakapalit at kakaulit ng kanilang hairstyle. Noong una kasi ay nagkasundo na sila sa isang simpleng hairstyle at make-up, kaya nga lang ay hindi iyon tumugma sa mamahalin at enggrandeng damit na ipinadala ni Daniel kaya naman kinailangan pang maghanap ni Ella sa internet ng hairstyle na mas aangkop para sa event at sa damit na suot nila.
Bumagay ng husto kay Ella ang suot nitong Rami Salamoun' Emerald Green Mermaid Couture Backless Gown with Cap Sleeves Beaded Sequins Tulle na lalong nagpaangat sa magandang kutis at sexy na pangangatawan nito. Ang Up-do hairstyle nitong ala prinsesa, at ang 5 inches Silver Glitter Mesh Fabric Stiletto Heels na suot nito na lalong nag-emphasize ng magandang postura ng dalaga. Tunay ngang kapag naayusan ang kaniyang kaibigan ay masasabing mukha na itong isang modelo o beauty queen.
Habang si Claire ay nakasuot naman ng Michael Cinco Couture Champagne Red hour glass shape laser cut and hand embroidered evening gown na mas lalong nagpalutang sa kaniyang kaputian at humahapit ng kurba sa kaniyang buong katawan kaya naman lalong nabigyang pansin ang kaniyang dibdib. Ang buhok niya ay nakalugay na may malalaking curls sa gitna hanggang dulo na ginaya sa Victoria's Secret, at 5 inches Red Satin Criss-cross Stiletto Heels.
Sa entrance pa lamang ay napapansin na nina Claire at Ella ang kakaibang ipinupukol sa kanila ng mga Hotel Valet, Guards, at nang iba pang mga bisitang naroroon rin sa Hotel pero pilit nilang binabaliwala ang mga tingin iyon.
"Bessy, ang bongga naman pala dito! Tignan mo sa labas pa lang ng Hotel para na tayong na sa isang Palasyo!" namamanghang wika ni Ella habang pinagmamasdan ang kabuuan ng paligid.
At maging si Claire ay hindi naitanggi ang labis na pagkamangha at pagkahanga sa lugar, "Oo nga eh, di ko ineexpect na sa Entrance at Lobby pa lang ng Hotel may mga bonggang display na agad."
"Welcome to Makati Shangri-la Hotel!" bati ng isa sa tatlong babae sa bungad ng Entrance Lobby, pawang nakabihis rin ng maganda ang mga ito, ibig sabihin ay isa ito sa mga event organizer para sa gabing iyon, "Can I get your invitation please?"
Agad naman iniabot ni Claire ang hawak na invitation card sa babaeng organizer, matapos iyong basahin at i-double check sa hawak nitong tablet na mukhang naglalaman ng list of attendees para sa espeyal na gabi ay saka muling ibinalik sa kaniya ang card, "Thank you Ms. Claire, please follow one of our usherette, she will lead you the function room and on your seats. Enjoy the night!" nakangiting wika nito at saka sinenyasan ang isa sa mga kasamang babae na dalhinb sila sa Function Room kung saan kasalukuyang ginaganap ang party.
Pagdating sa second floor kung saan naroroon ang Function Room ay tinawagan ni Ella si Daniel para sunduin sila roon sa labas lalo pa nga at nakakahiyang pumasok dahil late sila at dahil tiyak na maaagaw nila ang atensyon ng marami sa kanilang pagdating.
"Palabas na raw si Daniel." saad ni Ella.
"Sige Miss, okay na kami rito, hihintayin na lang namin yung kasama namin." bigay imporma naman ni Claire sa usherette na naghatid sa kanila.
Habang isinusuot ang kani-kanilang mga maskara para sa Masquered theme party ay biglang napansin ni Claire na wala sa loob ng kaniyang Purse ang kaniyang cellphone, at doon lang niya naalala na naiwan niya iyon sa loob ng kotse, importante pa namang lagi niyang dala iyon dahil baka biglang tumawag ang kaniyang Ina o kaya ay biglang may emergency.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Fiction générale(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...