Chapter 11

103 1 0
                                    


Chapter 11


First Day


Maaga ulit akong nagising, dahil ngayon na ang first day of classes namin. Kinakabahan ako. Hindi sa pagiging college, kundi 



Sa kanya.


"Bakit ba ako kinakabahan? Pshh. Edi labanan mo din siya, Lisha." bulong ko. Naligo na ako at pagtapos ay nagbihis lang ako ng civilian. Wala pang uniform sa college, kaya civilian lang daw muna. Pagtapos kong magbihis bumaba na ako para mag-breakfast.


"Good Morining, Elisha." si Mommy, sabay beso sa akin. Nandito sila, dahil ngayon ang first day ng classes ko. Sana nandito nalang sila palagi. "Good Morning too, Mom. Where's everybody?" tanong ko nang mapansin kong si Mommy lang at ang ilang kasambahay lang ang nandito.


"Alam mo naman ang mga lalaki, tulog mantika." sagot niya kaya napatawa kami ng malakas. "*ehem* ano yang naririning kong 'tulog mantika'? Gising na kaya kami." -Daddy


Pfft. Gising daw. Eh si Daddy lang naman ang nakabihis, yung dalawa kong kapatid parang naglalakad na zombie dahil nakapikit pa ang mga mata. "Pfft. Dad, look at Elijah at Kuya they are sleepyheads. Hahahaha." ani ko


Pagkasabi ko nun, napadilat ang mga mata ng dalawa. "Good Morning!" bati  ko. "What did you say, Elisha Lewins?" seryosong tanong ni Kuya. Ay? Morning na morning eh. "Wala. Sabi ko kumain na tayo." sagot ko.


Kaya, tumalikod na ako sakanilang lahat at umupo na. "Guys, tara na. Naghihintay na ang pagkain sa atin. Hehe." sambit ko 


Napailing nalang sila Mommy at Daddy, at ang dalawa kong kapatid ay matalim akong tiningnan.


Tama nga siguro ang sabi nila. Biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising.


Nagsimula na kaming kumain, pagtapos naming magdasal. "Do you know what section are you, Lisha?" -Daddy


"Yes, dad. I'm 11-HOPE." I replied.


Nang nasabi ko iyon may bigla akong naalala.


*flashback*


Natapos na ang orientation day namin, kaya napag-isipan naming tatlo na mag-cr muna bago umalis. Nauna akong natapos sa kanilang dalawa kaya nauna din akong lumabas. Muntik na akong mapatili nang hilahin ako ng isang lalaki sa likod ng college department.


"Sino ka--


Hindi ko natuloy ang sasabihin ko, dahil tinakpan niya ang bibig ko. 


Pero, nakilala ko agad kung sino siya. Si Lester.


Heartless GuyWhere stories live. Discover now