Chapter 49

83 1 0
                                    


Chapter 49


Date


Week passed. Ang bilis talaga ng panahon, masaya ang foundation day last week. Saturday ngayon at kakatapos ko lang mag-jogging. Dumungaw ako sa window ng kwarto ko at kumabog ang puso ko nang nakita si Lester na nakaupo sa kanilang terrace at nagbabasa ng libro. Napangiti siya at kumaway sa akin. 


Kumaway din ako. Why am I feeling this? Tinagilid ko ang ulo ko. Hindi, wala lang ito. Bumaba ako para tingnan kung ano ang niluluto para sa lunch. 


"Oh? Musta ang jogging?" tanong sa akin ni yaya


"Okay lang naman po. Ano pong niluluto niyo?" 


"Ah! Yung paborito mo? Adobo." Naexcite tuloy ako sa hapunan.


Nag-prisinta akong tulungan sila kaya lang ayaw naman nila at baka makita daw ako ni Kuya na nagluluto. Tss. Ano naman kung makita niya ako? Dapat nga matuwa siya dahil tinutulungan ko yung kasambahay e. Wala akong nagawa kaya nanood nalang ako ng cartoons. Sakto namang bumaba si Elijah, kakatapos lang maligo. 


Niyaya ko si Elijah na mag-bike kami sa labas. Bored lang talaga ako ngayon, at wala naman kaming homeworks. Mabuti nalang at pumayag siya kaya umakyat ako para mag-ayos. 


Sumilip ulit ako sa bintana at nakitang wala na doon si Lester. Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba siya hinahanap? Bumaba na ako at kinuha ko na ang aking pink na bisikleta sa garahe, kulay blue naman ang kay Elijah. 


"Are you bored? Bakit mo namang naisipang mag bike?" tanong niya


"Yup. Hindi naman ako pinayagan nila yaya na tulungan sila sa pagluluto. Kaya niyaya kita, may homework ka ba?" 


"Wala naman. Parehas lang tayo, bored din ako. Busy naman yung mga tropa ko, si Kuya naman nakipag-date kay ate Lei." 


"Tara na nga! Paunahan papuntang court?" hamon ko


Napangisi naman siya. We used to do this nung mga bata pa kami. I doubt ngayon lang ulit kami nakapag-bike ng ganito. Funny, because of boredom kaya kami nag-gaganito. Twin bonding kuno.


"Hoy! Ang daya mo!" Bulyaw ko sa kanya. E paano ba naman hindi pa ako nakaksakay e humarurot na siya sa pagtakbo. Kainis! Ang daya daya talaga neto kahit kailan!


Hinabol ko siya at natawa ako sa reaksyon niya nang malampasan ko siya. Lumiko ako sa kanan dahil doon ang direksyon papuntang court. Hindi na ako tumingin sa likod dahil alam kong nahuli na siya at ako na ang mananalo. 


Bumaba na ako sa bisikleta ko at naglakad papuntang court. Napagod ako sa kaka-padyak huh. Natanaw ko si Elijah na hingal na hingal. Natawa ako sa kinikilos niya. Umupo muna ako nang may makita akong bench. Bumili muna ako ng dalawang bottled water. 

Heartless GuyWhere stories live. Discover now