Chapter 54
Me too
"Sorry na kasi, Elisha..." Panay ang lingkis sa akin ni Kath dahil kanina ko pa siya hindi pinapansin. E kasi naman iniwan niya ako kanina, may nangyari tuloy kay Hannah nang dahil sa akin.
"Hindi ko naman alam na may nangyari kay Hannah e. Sorry na kasi.." Hindi ko pa alam kung anong nangyari kay Hannah pero alam kong nasaktan siya.
"Yow! What's up?" Biglang sumulpot sa tabi ko si Dylan. Nandito kami ngayon ni Kath sa field dahil dito ko naisipang kumain. Ayoko munang kumain sa cafeteria at baka may mangayri nanamang hindi maganda.
"Hi! Wala kang klase?" tanong ko
"Wala. Nga pala, narinig ko ang nangyari kanina. Okay ka lang?"
Napangiti ako sa sobrang maalaga ni Dylan. I'm sure swerte ang magiging girlfriend neto.
"Okay lang ako. Mukhang bihira nalang kita makita these past few days ah?" Hindi ko na kasi siya nakikita. Minsan ay magugulat nalang akong susulpot siya sa tabi ko.
"Ah..e paano ba naman malapit na rin na ang finals kaya busy ako. Don't worry 'pag tapos na ang finals, I'll treat you ni Kath."
"Huh? H'wag na! Di kami bati ni, Elisha. Hmp!" Nakabusangot naman si Kath dito sa kaliwa ko. Bale ako ang nasa gitna nila at kulang nalang siksikin nila ako para magmukha akong sandwich.
Humagalpak naman sa tawa si Dylan kaya napatingin ako sa kanya. "Ano bang pinagawayan niyo? Kayo na nga lang ang magkaibigan mag-aaway pa." Umiling iling siya. Tss. E siya naman kasi ang may kasalanan, nagtampo lang naman ako kasi iniwan niya ako kanina.
"E nagsorry naman na ako sa kanya! Hindi niya lang tinatanggap ang sorry ko. Hmp! Bahala siya diyan halos hindi ko na nga mabilang kung ilang sorry na ang nasabi ko." aniya
Mukhang natauhan naman ako. Tama si Dylan. Kami na nga lang ang magkaibigan, mag-aaway pa kami. Hay! Mukhang ako naman ang talo ngayon, mukhang ako naman ang makikipagbati kay Kath.
Nagpaalam na si Kath sa amin, ay kay Dylan lang pala. May klase pa daw siya, ako naman ay wala kaya tambay muna ako ngayon dito. Mukhang wala ding klase si Dylan, kaya kaming dalawa nalang ang naiwan dito.
"Hmm? Kailan nga ba tayong huling nag-usap? Mukhang wala na akong balita sayo ah.." aniya
Tinapunan ko naman siya ng tingin at tumawa. "Seryoso ka ba diyan? Sa halos araw araw na may nangyayaring hindi maganda hindi nakakarating sayo? Madaming mga tsismosa't tsismoso't sa paligid. Makinig ka din sa kanila minsan.." Pareho naman kaming tumawa ni Dylan ngayon.
"Tss. I'm just joking syempre hindi makakatakas sa tengga ko ang mga naririnig ko. Kanina nga e, narinig ko yung nangyari sa cafeteria. Balita ko sinaktan ni Lester si Hannah dahil daw sa iyo. Totoo ba yun?" tanong niya

YOU ARE READING
Heartless Guy
Novela JuvenilLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...