Chapter 44
She saw us
Another day well spent, sunod na araw ay for preparation. Ngayon din malalaman kung sino sino ang mga kagrupo namin, hinihiling ko na sana magkagrupo kami ni Kath. Nandito kami ngayon sa field at nanonood ng mga nag-ppe class, hindi ko alam kung anong grade level.
"Paano kaya tayo igugrupo?" tanong ni Kath habang kumakain ng Pringles
Maski ako, hindi ko alam. Hindi naman ako nanalong Muse 'non e. i Napangiti ako ng mapait, how sad hindi ako nanalo noon. But, atleast I do my best that day, hindi dapat ako malungkot at isa pa ayoko din namang maging escort non si Lester.
Umalis na kami don at dumiresto sa aming next class. Mamayang hapon pa ang announcemet for groupings. Kinakabahan talaga ako kahit wala namang dapat ikabaha. Nakinig lang ako sa prof namin at nagsusulat ng notes. Pagtapos, dumiresto ulit ako sa next class ko at ganun ulit ang ginawa ko.
Break time at dumiretso ako sa library para makapag-aral para sa short quiz namin mamaya. Tinext ko si Kath na mauna na siya sa canteen at siya nalang muna kumain don. Habang nagaaral ako, masyadong maingay ang napiling place ko dahil may isang grupo ng mga college na naghaharutan sa tabi ko. Hindi ko sila tinitingnan, baka sakaling madivert ang attention nila sa akin.
Ayoko ng ganun..
Tumayo nalang ako at humanap ng tahimik na table. Meron akong napili pero tanaw na tanaw ko ang mga maiingay na colleges. Nanlaki ang mga mata ko nang kilala ko pala ang mga maiingay na yon.
Sila Lester kasama ang mga kaibigan niya. Si Hannah, mga kaibigan niya at sila Elisse at Amari. Sumimangot ako nang napagtantong matagal na simula nung huling paguusap naming tatlo. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan nila ako ngayon, ni hindi man lang nila sinabi kung ano ang problema nila.
Masaya naman si Amari, kasama pa nga niya si Lester. Wala naman siguro dapat siyang ikagalit. Nagkibit balikat nalang ako at tinuon ang pansin ko sa librong binabasa. Pagtapos ng break time dumiresto naman ako sa next class ko. Mabuti nalang nareview ko lahat kaya nakakuha ako ng mataas na marka.
Next class ko naman ay kasama ko si Kath kaya pagdating ng lunch time magkasama kaming kumain. "Excited na ako mamaya! Sana magkagrupo tayo noh. Maganda pa naman yung naisip ko sa booth.." sambit niya
..
After an hour, nag-gather ulit kami sa gym para sa groupings. Hindi ko nga alam kung paano iaanounce kung paano yung groupings e, sa dami-daming kolehiyo ang nandito. Umupo kami ni Kath sa bleachers at hindi sa gitna dahil masyadong maraming tao dun. Tinanaw ko ang mga tao mula dito at nakita ko sila Lester, pinapaligiran ng mga babae at si Dylan na may kausap nanaman at ang mag mata ng mga kababaihan ay nakatitig sa kanya.
Umirap ako sa kawalan.
"Huy, anong iniirap-irap mo jan? Ano ba ang nakita mo?" Tumingin din si Kath kung saang direksyon ako nakatingin kanina at humagalpak naman siya ng tawa.
YOU ARE READING
Heartless Guy
Dla nastolatkówLester Rain Salvador is a heartless guy. He can do whatever he wants and he chan get whatever he said. No one ever knows kung bakit isa siyang heartless guy, even his friends walang alam kung bakit siya ganito. But one thing is always be common,don'...