Chapter 16

100 2 2
                                    


Chapter 16


Big Trouble



Inirapan ko lang siya. Don't tell me lalapit siya dito? 


Hindi nga ako nagkamali, dahil palapit na siya sa amin. Kinilig naman 'tong katabi ko. "Omg! Palapit siya dito. WAAAAH!" ani ni Amari. 


Nang makalapit na siya sa amin, agad nagtinginan ang mga estudyante sa paligid. Palibhasa center of attraction kami. Kinabahan agad ako, sana wag niya akong pansinin. "Hi, Amari!" ani nung kasama niya. Hindi ko siya pinansin, dahil nakatingin ako kay Lester na ngayo'y nakangisi sa akin. 


"Can we join you?" tanong niya



"No!/Yes!" sabay naming sabi ni Amari.


"Eh? Bakit ayaw mo Lish? Ngayon lang naman 'to eh. Pleaseee" aniya sabay puppy eyes. Mukang wala naman akong magagawa. Isa pa kaibigan ko naman si Amari. Ngayon lang naman, Elisha. Siguraduhin lang nila na wag nilang aaraw-arawin. "Sige na." ani ko nang nakatingin kay Lester.


Ngumisi nanaman siya. "Are you sure, Elisha?" tanong niya. Pinandilatan ko siya ng mata. Tiningnan ko si Amari at Elisse na ngayo'y nanlaki na ang mga mata nila. "Magkakilala kayo?" tanong ni Elisse


Tumango lang ako. "Yeah! We've met---



Pinutol ko na ang sasabihin niya. "Kahapon!" dugtong ko. Napatingin naman siya sa akin at kumunot ang noo niya. Napatango nalang silang dalawa. "Uso umupo." ani ko nang nakatingin sa binabasa kong libro.


Naramdaman kong umupo na sila. Tinanggal ko ang libro sa harap ko at naningkit ang mga mata ko nang umupo siya sa harapan ko. Hindi sila kasya dahil pang anim lang itong inuupuan namin, kaya ang ibang kaibigan niya ay humila ng mga vancant seats at pinuwesto sa dalawang gilid ng table. "What are you reading?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagbabasa ko


Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya kaya wala ni isa namin sumagot. "I'm talking to you, Elisha." tanong niya


Inirapan ko muna siya. "Can't you read what's in the book cover?" sagot ko


Tumawa naman siya ng malakas, dahilan nang pagtigil ng ginagawa ng iba. "Dude, seriously tumawa ka sa harapan ng babae?" tanong nung kasama niya. Huh? Adik ba siya? Hindi ba siya tumatawa? 


Tiningnan ko naman ang mga babae sa katabing table namin at nanlilisik na ang mga mata nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Ah! Siguro kasama namin sila Lester kaya ganun. Masyado bang sikat sila dito? Kaya pati mga babae nagagalit kung sinong babae ang makakasama niya. They are stupid. Nagkakandarapa sila sa taong walang pakealam sa kanila. Kabataan now a days.


"Why? Hindi ba siya tumatawa?" tanong ko doon sa kasama niya


Heartless GuyWhere stories live. Discover now